NAPABUNTONG-HININGA si Joy paglabas niya ng classroom. Time flew by so fast. Natapos na niya ang huling exam para sa finals. Hindi niya alam kung ano na ang mangyayari sa kanila ni Joshua. Muli siyang napabuntong-hininga nang mapagtantong nagsisinungaling siya sa sarili. Alam niya kung ano ang mangyayari sa kanila. Maghihiwalay na sila. Hindi puwedeng hindi. Tapos na ang semestre. Wala nang dahilan upang manatili sila sa kanilang kakaibang relasyon. Oo, at nitong mga nakaraang buwan ay naging napakasaya niya sa piling nito. Naranasan niya ang mga bagay na hindi pa niya nararanasan. Naging magaan ang lahat dahil dito. Ayaw niyang mawala ito sa buhay niya, ngunit ano ang magagawa niya? Kahit tutol na tutol ang puso niya, kailangan na nilang maghiwalay ng

