“Ano iyon?”
Tumingin si Daniel sa pinto kung saan ay pumasok kanina si Emmy. “Your grand-daughter.”
Pangiti namang sabi ni Angel. “Si Emmy?” Tumango naman sa kaniya si Daniel.
“Ano ba ang nangyari kung bakit naging ganito ang inyong buhay?” Ngayon ay nagtataka ang binata sa kaniya.
Isinalaysay naman ni Angel ang nangyari ilang dekada na ang lumipas. “Paano ko ba iisa-isahin ang mga nangyari?” Pag-iisip nito.
Tiningnan naman siya ni Daniel sa kaniyang mga mata pero ikinagulat ng binata na hindi niya nababasa ang isip at ang nakaraan ni Angel. “Bakit ganoon?” Tanong ni Daniel sa kaniyang sarili. Dagdag pa nito. “Hindi ko magawang basahin ang kaniyang isipan kahit ang kaniyang nakaraan.”
“Bakit ganiyan ka makatingin sa akin?” Pangungusisa ng matandang kaharap nito.
Agad naman iniwas ni Daniel ang mga tingin nito sa kaniya. Kaya agad itong tumayo at inalalayan si Angel. “Kamusta naman si Grae?”
Bahagyang humahalakhak si Angel na kitang-kita ng dating lalaking mahal nito. “He just rested.”
“Sa bahay niyo?”
Napatingala naman sa kalangitan si Angel. “He is with our creator.” At napagtanto na patay na si Grae batay sa mga salitang mula kay Angel.
“Ikinalulungkot ko naman kung ganoon.”
Lumakad naman si Angel at agad naman siyag sinundan ni Daniel. “Napagod na yata iyon sa paghinga.” Pagbibiro pa ng matanda.
“Kung bakit pa kasi hindi kita hinanap.” Pagbubulong ni Daniel sa sarili nito. Napatigil silang dalawa nang sinabi ng binata ang mga katagang nasa isipan nito. “Marami akong tanong sa iyo, pero alam kong darating rin ang araw na masasagot mo iyon.” At sa pagtingin ni Daniel sa bintana ay tamang-tama naman na dumungaw si Emmy.
“Daniel, can you make a promise to me?” Sabay lingon sa kaniya ni Angel nang dahang-dahan.
Marahang tugon ni Daniel sa kaniya. “Ano iyon?”
Hinawi naman ni Angel ang buhok ng binata dahilan na magulo iyon. “Yung apo ko, siya na lang yung meron ako.” At biglang nagtagpo ang tinginan nina Emmy at Daniel.
“Ano ang gusto mong gawin ko?” Pangungusisa niya pa habang nakatayo sa babaeng una niyang minahal.
“Kaya mo ba siyang protektahan para sa akin?”
Biglang yunuko si Daniel at ngumiti. “Ang laki na niyan.” Pagbibiro niya pa. “Sinusungitan pa nga ako eh.”
Sumbat naman ni Angel sa kaniya. “Kahit iyon lang ang huling hiling ko.”
Sa pagtingin ng matandang Angel sa kaniya ay bigla namang napaamo si Daniel. “May magagawa ba ako kahit tatanggi pa ako?”
Yumuko naman si Angel sabay sabing, “maraming salamat.”
Tumalikod naman sa kaniya si Daniel at nagbitiw ng ilang salita, “hanggang sa huli nating pagkikita, Angel.” At kinumpas nito ang hawak niyang pamaypay. Sa paglakas ng hangin ay sumama ito papunta sa lugar kung saan ay hindi alam ni Angel.
Napahawak naman ang matanda sa dibdib nito. Bulong niya pa, “mananatili ka sa puso at isipan ko Daniel.”
Pagkauwi ni Daniel sa munting silid na tinutuluyan nito ay bigla siyang nagbago. Kung saan ay biglang nawala ang kaniyang mahika. Na makikita siya ng mga taong nasa paligid nito, at ang kanina niyang all-black attire ay napalitan ng pambahay nito.
Agad niyang kinuha ang tubig na nasa refrigerator, sinalok at hinawakan ito nang mabuti. Lumakad siya papalapit sa malaki at malapad na bintanang nakatapat sa magandang buwan. Umupo at pinagmasdan ito. “Marami kang hindi sinabi sa akin.” Parang ewan siyang kinakausap ang maliwanag na buwan. “Hindi ko akalaing ang dahilan ng lahat nang ginagawa ko ay ilang dekada nang mas matanda sa akin.” Tumayo siya at inangat ang tubig na nasa baso. “Sabihin mo ngayon paano na?” Nawala sa kaniya lahat lahat na kaniyang pinaghirapan. Lalo na ang yaman na namana nito mula sa kaniyang mga magulang.
At narinig ni Daniel ang tugon ng buwan sa kaniya. “Kasi ang babaeng mahal mo ay hindi kayo ang nakatakda. At ang marangya mong buhay ay ibang iba na ngayon. Lahat ay pinaghihirapan at kailangan mo iyong mapagdaanan.”
Hindi naman napigilan ni Daniel na ngumiti habang iniinom nito ang tubig na nasa baso nito.
KINABUKASAN…
Na-gising si Daniel sa maliit na liwanag na siyang lumitaw sa silid nito. “Ah, natutulog pa ako.” Pagsasambit niya pa at pilit nitong tinatago ang kaniyang mukha sa pamamagitan nang pagtakip ng unan. Ganoon pa man ay ang liwanag na iyon ay walang makakahadlang. Kaya sa inis ni Daniel ay umupo ito at panay salita. “Hindi pa ako nagkakaroon ng bakasyon, kahit isang araw ba mapagbibigyan mo ako?”
Pagsasalita pa ng bulang liwanag. “Malapit po nang mabuo ang isang daan, ngayon ka pa ba magbabakasyon?”
Napaisip naman si Daniel sa sinabi nito at agad na umalis sa kaniyang higaan. “Sige na, sino ang susunduin ko?” Tanong niya at agad na lumitaw ang malaking pamaypay nito. Sa pagkumpas ni Daniel ay umiba ang suot nito. Inayos niya naman and fedora nito. “Nasaan na?” At unti-unting lumitaw ang isang kapirasong papel na siya namang pag-alis ng liwanag na pumukaw kay Daniel.
Sa pagkuha niyang iyon ay ipinikit ng binata ang kaniyang mga mata, sabay isang malakas na hawi ng kaniyang dinadalang pamaypay. Pero ang nakakamangha lang ay ang mga gamit sa maliit na silid ni Daniel ay hindi man lang gumalaw.
Sa pagmulat ni Daniel ay dinala siya ng papel na itim sa lugar kung saan siya ay susundo. “Sino naman kaya ang aking susunduin ko.” Pagtatanong niya pa sa sarili nito.
Mula sa kaniyang kinatatayuan ay tanaw niya ang maitim na usok. At hindi na siya nagdalawang isip na lumapit doon. At biglang bumulaga sa kaniya si Emmy ang apo ng pinakamamahal niyang si Angel. “Ikaw na naman.” Diinang sabi ng babae sa kaniya.
Bumuntonghininga naman si Daniel. “Nagkita na naman tayo.” Sabay taas ng kanang kilay nito. Sinundan niya ang hindi magkandaugagang si Emmy. “I guess, sinusundan mo ako.”
Hawak ang water hose ay agad siyang tinutukan ni Emmy. “Hindi ka ba aalis!” Pagsisigaw nito.
Nagulat naman ang kaniyang kasamahan sa kaniyang pinaggagawa. “Babasain mo ba talaga kami Emmy?” Dagdag pa ng mga kasamahan nito. “Galit ka ba sa amin?”
Sa pagkakataong ito ay kitang-kita ni Emmy kung paano tuminging insulto sa kaniya si Daniel. Nasa harapan lang ng mga kasamahan ni Emmy ang binatang naka-fedora. “Hindi nila ako nakikita diba?” Bulong ni Daniel sa hangin na dinig na dinig naman ni Emmy. “Nagmumukhang engot ka sa harap nila.” Dagdag pa ng binata.
“Kung wala lang sunog ngayon makakatikim ka talaga sa akin.” Diinang sabi ni Emmy na may pagkainis.
Biglang nabasag ang bintanang nasa itaas ni Emmy at agad na lumapit si Daniel sa kaniya sa isang iglap. Gamit ang pamaypay ay ginawang pananggala ng binata ang mga bubog na nasipag talsikan. At hindi iyon nakita ng mga kasamahan ni Emmy dahil sa malakas na liwanag mula sa pagsabog.
“Takbo! Takbo!” Pagsisigaw ng kasamahan ni Emmy.
Agad namang kumalas ang dalaga sa pagkakayakap kay Daniel. Tumakbo at sa paghinto niya ay humarap siya sa bintana. Nagkattigan silang dalawa at hindi alintala ni Daniel ang paglamon ng apoy sa kaniya na ikinamanha naman ni Emmy. “Sino ba siya?” Pagbubulong ng dalaga habang nakayakap ito sa kaniyang sarili.
Parang huminto ang lahat sa kanilang dalawa. Si Daniel na humahakbang patalikod ay hindi maalis-alis ang tingin kay Emmy na unti-unting nakikita ng binata ang dalagang si Angel sa kaniya. “Angel… Angel…” Pagsasambit ni Daniel sa pangalan ng kaniyang pinakamamahal at tuluyan siyang napunta sa lugar kung saan ay isang babae ang nakaluhod. Habang si Emmy naman ay pinaghahanap ang biglang nawalang si Daniel.
“Ano ang nangyayari?” Tanong ng babae sa kaniya. Napakainit ng paligid at wala namang nararamdamang ganoon si Daniel. “Patay na ba ako?” At tinuturo naman ng babae ang katawan nito na ang kalahati ay lapnos dahil sa sunog.
Inangat ni Daniel ang papel na biglang naukit ang pangalan ng babae. “Ikaw ba si Mae Gustillo?” Tumango naman ang babae sa kaniya.
“Alam mo naman siguro kung bakit ako nandito diba?” Sa halip na makapagsalita ang babae ay iyak ang isinagot nito kay Daniel. “Hayaan mong ang hatol ang siyang makakapagsabi kung saan ka.” At nang inakmang ipatong ni Daniel ang hawak nitong pamaypay ay siyang pagsaboy ng tubig sa kinaruruonan ni Daniel. At ang papel nito kanina ay unti-unting nawala. Sumbat pa ng binata. “Ano ang nangyayari?” At sa pagtingin niya sa babaeng susunduin nito sana ay siyang pagbalik sa katawan nito. “Hindi ito pwedeng mangyari!” Pagsisigaw niya. At bago pa siya makita ni Emmy ay minabuti nitong umalis na.
Agad siyang lumipat ilang diba ang layo sa nasasabing sunog. “Nakakainis naman!” Pagsasambit pa ni Daniel dahil hindi nito nagawa ang kaniyang pakay.
Tamang-tama naman na ang babaeng si Mae Gustillo ay tinulungan ng mga kasamahan ni Emmy. At kung saan man ang binata ay dinig niya ang pagsisigaw ng babaeng kanina ay kausap niya. “Nakita ko siya! Ang sakit! Muntikan na akong mamatay!” Yung hapdi ng sunog nito ay damang-dama ng babaeng lapnos ang kalahati ng kaniyang katawan.
“Ma’am, huwag na po kayong magsalita. Maayos na po kayo, ililigtas ka po namin.” Pagpapangako pa ni Emmy habang pinapasok sa ambulansya ang babaeng kanilang tinulungan.
Pagbubulong pa ni Daniel mula sa malayo. “Nauwi lang sa wala yung paggising sa akin kanina.” Halata yung inis sa kaniyang pagmumukha. Dagdag niya pa, “sa susunod. Hindi ko na hahayaang mangyari pa ito.”
Inangat ni Emmy ang mukha nito sa direksyon kung saan si Daniel ay inangat ang hawak nitong pamaypay. Na hinawi nang malakas dahilan na tuluyan na itong nawala sa kaniyang paningin at sa pinangyarihan ng sunog.
Sa kumpas na iyon ni Daniel ay nalipat siya sa ibang lugar. At pinili niyang mag-iba at maging tao na makikita ng lahat. “Bakit ngayon ka lang? Marami ka ngayong i-de-deliver!” Saad ng amo nito.
Yumuko naman si Daniel sabay bitiw ng mga salita. “Masusunod po.” Nang umalis ang kaniyang amo napabasambit siya. “Mahirap pala ang maging mahirap.” Pagpapangako niya pa, “darating ang araw na ang mga bagay na nawala sa akin