bc

The Grim Reaper's Love

book_age18+
334
FOLLOW
1.5K
READ
billionaire
fated
manipulative
firefighter
twisted
bxg
humorous
mystery
goblin
rebirth/reborn
like
intro-logo
Blurb

What will happen when a man who is reborn was tasked to fetch and judge the souls meets a girl who is a firefighter and save souls?

A story that will tell you that moving on is one of the best thing that you can do. And facing the future will open great possibilities. To think that sometimes your failures and discouragements led you to the place that will change your life for good.

Dahil sa isang aksidente na dahilan ng kaniyang pagkamatay ay gagawa ng paraan si Daniel Kim para mabuhay ito. Inatasan siya na maging sundo o kilala bilang goblin. Nang lumipas ang ilang taon si Emmy na isang mortal at firefighter ang tanging nakakakita sa kaniya.Ikinaiinis siya ng dalaga dahil magkasalungat ang kanilang hangarain.

Si Daniel na sumusundo sa taong namamatay at si Emmy na ang propesyon ay lumigtas ng buhay.

Paano ang magkasalungat nilang gawain ay mismong magbubuklod sa kanilang hinaharap? Uusbong ba ang pagmamahalan sa kanilang dalawa?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Just the start
Sa araw ng kasal ni Angel ay nagpakalasing si Daniel sa isang magarang restaurant. Walang nakakaalam kung saan siya pumunta. Ang tanging nasa puso nito ay pagkabalisa at iyak na siya lang ang nakakarinig. (Daniel’s POV) Nakatitig ako sa papalubog na araw. Gusto kong abutin ang araw na iyon. Kahit pagewang-gewang ako ay pinili kong pumunta sa balcony ng restaurant na kung nasaan ako. Gusto kong isigaw ang lahat ng aking nararamdaman. Bakit masakit? Bakit parang sinasaksak ang puso ko? I should move on the way she did, diba? Dapat masaya ako na mamahalin siya ng taong mahal niya din? Pero may mga tanong ako na tanging oras at paghilom ang makakasagot. -_-_-_-_- Ikinumpas ni Daniel ang kamay nito at sa paghawi niya ay nawalan ito nang balanse dahilan na mahulog siya mula sa tenth floor. Habang nangyayari iyon ang tanging nasa isip nito ay si Angel at ang magaganda alaala na magkasama silang dalawa. Ramdam niya yung sakit nang pagkahulog nito. Pero yung sakit na mahulog na walang sumalo ay mas matindi at napakahirap tanggapin. Lalo na kung ang mahal mo ay may mahal ng iba. “Kung pagbibigyan akong mabuhay—“ nakakaawa niya pang sambit,”sana may mag-mahal sa akin kagaya nang pagmamahal ko—“ Bigla namang may tumingin sa kaniyang babae at nagtanong. “Gusto mo bang pagbigyan ko ang hiling mo na iyan?” At unti-unting minulat ni Daniel ang kaniyang mga mata. Ngumiti sa kaniya si Daniel sabay bulong. “Gagawin ko lahat ng ninanais mo.” Saad naman ng binata. “Sige.” (Daniel’s POV) Tirik yung sikat ng araw, I was wearing my all black attire. Mula sa black fedora hat, black suit, black jeans at black shoes. Napatigil ako nang tanaw ko na ang may nasusunog na malaking apartment. I was holding a piece of white rectangular paper. Inangat ko ito at unti-unting nagiging kulay itim. Bulong ko pa, “may susunduin na naman ako.” Pagkatapos ko iyong sabihin ay lumitaw ang pangalan sa mismong hawak kong papel. Ikinumpas ko ang aking itim na malaking pamaypay at dinala ako ng hangin papalapit sa lugar na iyon. Hindi naman ako nakakaramdam ng init dahil sa espisyal ang aking suot. Maraming tao ang nagsigkumpulan sa naturang nakakahabag na pangyayari. Pero iba ako sa kanila, I am here because of the job na inatasan sa akin. Hindi ako nakikita ng mga mortal, ng mga tao. Hanggang sa… “Umalis ka nga sa daan!” Sigaw ng babaeng nasa harapan ko. Kinaway-kaway ko naman yung kamay ko habang nakatitig siya sa akin. “Nakikita mo ako?” Takang tanong ko sa kaniya. Sumbat niya naman. “Sa tingin mo ay sasabihan kitang umalis kung hindi kita nakikita?! Alis! Alis! Yung water hose maaapakan mo! Alis!” Pagsisigaw niya pa. Dinig ko naman yung sigaw ng kasamahan niya. “Ano ba ang sinisigaw mo diyan! Wala namang tao.” Kitang-kita ko yung biglang pagputla ng kaniyang mukha. Kung hindi ako nagkakamali siya lang ang nakakakita sa akin. This will be the first time na may nakakita sa akin. “Teka! Hoy, babae!” Sabay habol ko sa kaniya.” Habang dala yung water hose na mabigat ay dinig ko ang pauli-ulit niyang bulong. “Wala kang nakikita Emmy, Wala… Wala.” Sabay titig niya sa kaniyang dinadaanan. Sumbat ko naman habang hinahabol siya. “Anong wala kang nakikita! Alam kong nakikita mo ako! Tumigil ka!” Ikinumpas ko ang malaking pamaypay na hawak ko dahilan na matapon sa ibang direksyon yung hawak niyang hose. Nanggagalaiting sigaw ng kaniyang kasamahan. “Ano ka ba Emmy! Huwag ka ngang lampa! Unang araw mo ngayon sa trabaho!” Panay pagsusungit ng kaniyang kasamahan. Lumapit ako sa babaeng hindi na makatitig sa akin. “May dapat akong gawin sa iyo.” Alam kong kahit iniiwasan niya ako ay naririnig niya ang boses ko. Nang akma ko siyang hawakan sa balikat ay iyon rin ang pagkakataong lumitaw ang buong pangalan ng taong aking susunduin. Pagbabanta ko pa sa kaniya. “Babalikan kita! Hindi kita titigilan.” At ang buong atensyon ko ay sa trabahong naatas sa akin. Nakita ko ang isang lalaki sa hindi kalayuan. Yumuyuko at may tinitingnan. “Totoo ba ang nakikita ko?” Pagbubulong niya na dinig na dinig ko. Sa isang iglap ay nagpakita ako sa kaniya. Napagtanto niyang nakatingin siya sa kaniyang sarili na walang buhay. “Are you Nathaniel De Guzman?” Pagsasambit ko pa sa kaniyang pangalan. Tumingin siya sa akin at mangiyakngiyak na sinabi. “Sino ka? Patay na ba ako?” Takang tanong niya habang tinuturo ang bangkay nito. Tumango ako at inilabas ang malaking itim kong pamaypay. “It is judgement time.” At nilapat ko ang pamaypay na iyon sa kaniyang balikat. Maya’t maya ay bigla siyang umapoy. Pagsisigaw niya pa. “Ang init! Ang init!” Hanggang sa tuluyan siyang nawala. Agad nabaling ang atensyon ko sa babaeng si Emmy. Ang tanging mortal na nakakakita sa akin. Tanaw ko siya mula sa malayo na naghahanda sa kaniyang pag-alis. Kahit malayo ay dinig ko ang kaniyang pagdadahilan. “Kailangan ko nang umuwi. Tinatawag na ako ng aking Lola.” Hindi ko na hinayaang hindi ko siya masundan kaya agad kong ginawa ang ninanais ko. Patago pero alam kong nararamdaman niya ako. Tumigil siya sa isang magarang bahay. The place was so familiar to me. Humakbang ako na ganoon rin ang ginagawa niya. Dinig ko na lang yung magiliw niyang sigaw ng may lumabas na matandang babae. “Lola!” Makailang ulit kong ipinikit at kinusot ang aking mga mata. Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. “Angel? Angel?” Buong taka kong sambit. Hindi ko alam kung ano ba dapat kong mararamdaman. I was looking at her. Ganito ba ka bilis ang panahon? Hindi ko man lang naisip. Yung buong akala ko na tatanda kaming magkasama, ay hindi na kailan man mangyayari. Hinding-hindi na… Iyong mga titig niya ngayon, alam kong naaalala niya ako. Dinig ko mula sa malayo yung pagsambit niya ng mga katagang, “Emmy, pumasok ka muna sa bahay.” Napinta yung pagtataka ng kaniyang apo. Tanong pa nito sa kaniya, “bakit po?” “May kakausapin lang ako.” Pagsasambit niya pa. At hindi na nagdalawang isip na sundin ni Emmy ang utos ng kaniyang lola. “Lalapitan ko ba siya o hindi?” Tanong ko sa aking sarili. Hindi man lang ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Habang si Angel na ngayon ay matanda na ang siyang lumalapit sa akin. Sa bawat hakbang na kaniyang ginagawa. Nasisilayan ko yung mga taon na nagdaan. Ginawa ko ang lahat para matapos yung ipinapagawa sa akin. Para makasama siya, pero heto parang mapapako ako sa paghihintay sa wala. Inangat niya ang kaniyang kamay at parang tinatawag ako. Kaya buong lakas akong lumapit sa kaniya hanggang sa tuluyan niya na akong niyakap. “Daniel.” Sambit niya sa pangalan ko. Hinintay ko ang napakagandang pagkakataon na ito. Pero hindi ko akalaing lahat nang nagyayari ay hahantong sa ganito. “Angel.” Tugon ko na siguradong narinig niya. “Kay talaga mo namang nawala.” At kinalas niya ang kaniyang mga bisig mula sa pagkayakap sa akin. Sumbat ko, “paano ko ba sisimulan lahat nang sasabihin ko sa’yo?” Napaisip siya sa aking sinabi. Umupo kami sa damuhan at hindi mawala-wala yung mga tingin ko sa kaniya. Kahit ang ganda niya ay kumupas pero yung pag-ibig ko sa kaniya ay mananatili sa aking puso at isipan. “Ang mahalaga ay nagpakita ka sa akin.” Pero may tinanong siya na hindi ko alam kung sasagutin ko ba. “Bakit hindi ka tumanda?” Pangungusisa nito sa akin. Napayuko naman ako at hindi alam ang sasabihin. Hinayaan ko na lang ang puso ko ang siyang umiral sa pagkakataong ito. Niyakap ko siya kagaya ng dati. Ramdam ko rin ang pagkayakap niya sa akin. “Alam mo, mahal na mahal kita.” Pagsasambit ko pa. “Daniel, my Daniel.” Saad nito habang hinihimas niya ang likod ko. “We need to end everything.” Dagdag pa ni Angel. Inilayo naman ni Daniel ang sarili nito mula sa pagkayakap sa kaniya ng babaeng pinakamamahal nito. “Teka, ano ang ibig mong sabihin?” Daretsahang sabi naman ng matanda sa kaniya, “are you wishing that we will be together?” Tumango naman sa kaniya ang binata. “Look at you.” Sinunod niya naman ang sinabi sa kaniya ni Angel. “Ang layo ng agwat natin sa isa’t isa.” “Pero—“ Umiling naman si Angel sa kaniya sabay galaw ng ulo nito pahiwatig na wala na talagang pag-asa na maging sila. “You should think it.” “Alam mong ginawa ko ang lahat para bumalik ako at balikan kita.” Hindi napigilan ni Daniel na mapaluha habang pinagmamasdan niya ang kulubot sa mukha ni Angel. “Pero paano na ngayon? Paano na tayong dalawa?” Sabay halik ni Daniel sa noo ng pinakamamahal niya. “Bakit hindi ko matanggap?” Pagtatanong nito. Marahang saad ni Angel. “But you have to.” Tumango naman si Daniel sa sinabi sa kaniya. “Nakikita mo ako.” Ngayon niya lang napagtanto. Gulat namang sabi ni Angel sa kaniya. “Ngayon mo lang tinanong, bakit?” Kahit si Daniel ay hindi maipaliwanag kung bakit siya nakikita ni Angel at ang apo nitong si Emmy. Kaya agad niyang iniba ang kanilang pag-uusap. “Ah, may itatanong pala ako sa iyo.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.4K
bc

YAYA SEÑORITA

read
12.7K
bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
124.9K
bc

The Mystique Kingdom

read
37.2K
bc

AGENT ENRIQUEZ (R-18) SSPG

read
27.2K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.6K
bc

His Obsession

read
104.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook