Mahimbing ang pagtulog ng dalawa. Kung saan ay nagsalo sila sa mainit na sofa. Ito ang unang pagkakataon na madama ni Emmy ang hanggang langit na saya. Lalo na sa piling ng lalaking nagugustuhan nito. Nang minulat niya ang kaniyang mga mata ay wala na si Daniel sa tabi nito. “Nasaan na siya?” Tanong ni Emmy pagkaupo nito. Agad niya namang tinakpan ang kaniyang sarili nang napagtanto nito na wala na siyang suot. Naglalakad si Daniel na tila ay malalim ang iniisip nito. Nang binaling niya ang tingin sa kabilang dako ay naalala niya ang nakaraan. Tanong niya pa sa sarili nito, “saan ba ako nagsimula?” Habang sinusulit naman ng matandang Angel ang bakasyon nito ay may naalala siya nang makita niya ang bulaklak. Kung saan ay dinala siya sa nakaraan. (Angel’s POV) “Masusunod po.” Sabi ni

