NAPAHAGULHOL si Iarah habang nakasubsob sa dibdib ni Vann Allen. May dumaklot uli sa buhok niya. Masakit pa ang anit niya mula sa pagkakasabunot kanina. “Janis, tama na,” saway ni Vann Allen dito. Inalis nito ang kamay ng kapatid niya sa buhok niya. “Kanina ka pa. Nakasabunot ka na. Tama na.” “Huwag kang makialam dahil wala kang kinalaman dito!” galit na tugon ng kapatid niya. “Janis, tama si Vann,” sabi ni Peighton. “Tumigil ka na. Huminahon ka naman. Huwag mo nang saktan `yang kapatid mo. Buntis si Iya.” “Siya pa ang kakampihan ninyo pagkatapos niyang lumandi? Nagpabuntis pa ang gaga! Hindi ka na nag-isip, Iya. Hindi mo man lang inisip sina Nanay at Tatay. Ang kapal ng mukha mo. Ang gaga-gaga mo!” Lalo lamang siyang napahagulhol. Kanina pa nagwawala ang kapatid niya. Hinintay nila n

