PINAG-ISIPAN nga ni Vann Allen nang mabuti ang sinabi ng kanyang propesor. Matagal niyang pinagmasdan ang mukha niya sa salamin. Marami ang humahanga sa mukhang iyon. Guwapo nga ba siyang talaga? Makakatulong ba ang pisikal na anyo niya upang makatulong siya sa pamilya niya? Mapapagaan ba ng mukhang iyon ang suliranin ng pamilya nila? Tinawagan niya ang numero na nasa calling card. Itinanong niya ang mga requirements upang makapag-audition. Isang araw bago ang audition day, inamin niya sa kanyang sarili na hindi niya kayang mag-perform sa harap ng mga tao. Susuko na sana siya nang bigla niyang maalala si Maken, ang kapitbahay nila na regular na nagpapalaba sa nanay niya. Mabait ito at kasundung-kasundo niya. Mahilig ito sa musika kagaya niya. May hitsura din ito. Naisip niyang baka sakal

