“NAG-AWAY ba kayo ni Daniel?” Natigil sa pagsubo ng pandesal si Iarah. Nagyuko lamang siya ng ulo at hindi ito sinagot. Alam niya kung bakit ito nagtatanong. Mugtung-mugto ang mga mata niya. Hindi na niya namalayan ang pagdating nito nang nagdaang araw. Nakatulog siya dahil sa pagod sa pag-iyak. Hindi na rin siya nakapaghapunan. Masamang-masama ang pakiramdam niya ngunit pinilit niyang bumangon. Ayaw niyang lumiban uli sa eskuwela. “Nag-away kayo, ano?” pamimilit ng ate niya. “Sana, hindi na kayo magkabati forever and ever.” Napabuntong-hininga siya. Kahit kailan yata ay hindi na ito magkakaamor kay Daniel. Lalo siguro nitong aayawan ang kanyang nobyo kapag nalaman nitong hindi na siya birhen. “Janis,” saway ni Peighton. “Hindi kami nag-away ni Daniel,” aniya sa mahinang tinig. “Huw

