“ANO’NG nangyayari sa `yo?” Kaagad na pinahid ni Iarah ang mga luha sa kanyang mga mata nang pumasok sa silid nila ang Ate Janis niya. “Umiiyak ka ba, Iya?” tanong nito. Umiling siya kahit alam niyang ipinagkanulo siya ng mga mata niya. Kahit hindi niya nakikita ang kanyang sarili, alam niyang namumula at mugto na ang kanyang mga mata. Tinabihan siya nito sa kama. “Ano ang nangyari?” tanong nito sa napakasuyong tinig. Muling namasa ang kanyang mga mata. “Si Daniel, Ate,” aniya sa basag na tinig. “Ano’ng ginawa sa `yo ng alien na `yon?” galit na tanong nito. Napahagulhol siya. Kaagad na niyakap siya nito at hinagud-hagod ang kanyang likod. “Babalatan ko nang buhay ang alien na `yon. `Tapos, ihahagis ko siya pabalik sa planetang pinang-galingan niya,” anito. “Nandoon na siya, `Te.

