LAURA's POV Nasa harap kami ng pagkain. Katabi ko si Jules habang nasa harap ko naman si Lourelie. Seryoso lang ako habang kumakain. "So, Sir Jules. Totoo pala ang sinabi mo noon na girlfriend mo si Ate?" sabi ni Lourelie kaya naman medyo natigilan ako. Mukhang mabubuking kami nito. Nagkatinginan kami ni Jules. Seryoso lang siya habang tumingin kay Lourelie. "Actually, Im courting her that time," sabi niya kaya naman nagulat ako. Dahil ang inaasahan ko ay magsisinungaling siya para pagtakpan ang nangyari noon. "Nililigawan mo pa lang siya noon?" gulat na tanong niya. Tumango si Jules kaya naman nakita ko ang mukha ni Lourelie na nagtataka. "Pero ang sabi mo sa amin noon ay girlfriend mo na siya," natatawang sabi niya pa. Hinawakan ni Jules ang kamay ko bago ngumiti. Hindi ko siya m

