LAURA's POV "Yes, Jules. Sinasagot na kita." Ito ang salitang sinambit ko kay Jules noong gabi ring iyon. Hindi ko alam pero ang sabi ng puso ko ay sabihin ko na dapat ang nararamdaman ko. Kaya naman sinunod ko na rin. Isang malalim na paghinga ang ginawa ko. Tama ba talaga tong pinasok ko? Boyfriend ko na si Jules. Dapat masaya ako pero paano naman ang mga taong nasa piligid ko? Maraming nagsasabi na huwag raw akong tumingin sa mga nasa paligid ko. Huwag ko raw sila papakinggan. Pero iniisip ko kasi sila Mama. Alam ko namang maiintindihan nila iyon. Ngayon kasi ang araw na pupunta ako sa bahay. Ilang oras ang lumipas nang mag-asikaso na ako ng sarili ko. Paalis na sana ako nang may humintong sasakyan sa tapat ng apartment ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong bumaba si J

