YVO POV Habang nagda drive ako patungo sa school ng anak naming si Zion. Kanina ko pa napapansin na parang wala talaga sa huwisyo si Dahlia. Palagi naman niyang sinasabi na okay siya pero, iba ang ikinikilos naman niya. Nang makarating kami sa school nauna akong lumabas at pinagbuksan ko silang dalawa ng pintuan sa likod. Inalalayan ko siya palabas at medyo maputla na rin siya. Muli ko siyang tinanong at sa muling pagkakataon sinagot niya lang ako. "Okay lang naman ako babe, wala kang dapat ipag alala sa akin." Hindi na ako nag isip pa at iwinaksi ko muna ang mga agam-agam ko. Inisip ko ang sinabi niya na okay lang siya. Nakapasok na kami sa loob at marami rami na ring tao ang nasa loob. Sinundan ko ng tingin ang bulto ng mag-ina ko na papalayo sa kinatatayuan ko. Magpapalista pa raw

