Kanina halo halong emosyon ang aking naramdaman ng malaman kong buntis ako. Pero, ngayon okay na ang pakiramdam ko. Kasalukuyang nanunuod ako ng laro ng mag-ama ko. Sack race ito at nauna silang maglaro at sa huli panalo ang team nila. Nag highfive silang dalawa at halatang magkasundong magkasundo sila. At hindi ako nagsisi na si Yvo ang pinili ko, dahil mahal niya ang anak ko na parang tunay niyang anak. Nang matapos ang lahat ng games nanalo pala sila sa limang laro. At tuwang tuwa ang anak ko na sinabitan ng medal sa stages. Hindi na ako umakyat pa at nakakapagod. Naghintay na lang ako kung baba sila at doon ko na lang sila sasalubungin na dalawa. Pagkakita sa akin ng aking anak agad itong yumakap sa akin at ipinakita ang lahat ng medals niya. "Look, Mama ang dami kong medals oh.

