Two weeks Later.. Maaga pa lang kinukulit na ako ni Yvo na magpunta kami sa obgyne para magpacheck-up. Kaso tinatamad talaga ako na mag aalis pa. Kaya naman napilitan na lang rin ako na umalis kami. Para daw masigurado naming maayos ang baby sa loob ng tummy ko. Umalis kami ng bahay at diretso kami ospital kung saan ang pinakamalapit sa lugar namin. Nang makarating kami agad itong naghanap ng mapaparking-an. At nang nakahanap agad ito. Itinabi na lang niya muna ang sasakyan pagkatapos pinagbuksan na ako ng pintuan at inalalayan na ako. Naglakad kami papasok ng ospital at nagdiretso sa information section, dahil wala pa naman akong obgyne dito. Sinabihan kami ng nurse na magpa scheduled today kay Dr. Hidalgo. Siya ang obgyne na may scheduled ngayon. Pumayag naman ito at babalik na kami s

