Hindi muna ako umuwi ng bahay at binulabog ko ang kaisa-isang bestfriend ko na si Lucas. Habang nagda drive ako tinawagan ko na siya at sumagot naman ito. "Yes! Dre, may problema ka no. Babae??" bungad na tanong nito sa akin. "Hmm! Wala, nasaan ka ba?" tanong ko. "Nasa office malamang pero, mamaya uuwi na rin ako." sagot nito. "I see. Pwede ka bang mag hang-out mamaya?" tanong ko. "Pwede naman dre, saan ba?" "Sa house of corveen." sagot ko. "Okay, see you dre.." Matapos ang usapan namin nagdrive na ako ulit. Matiwasay naman akong nakarating. Hihintayin ko na lang dito si Lucas. Nag order na rin ako ng alak na iinumin namin para ready na pagdating nito. Twenty minutes later. Lucas just arrived and we talked seriously. "Seriously, dre. A single widow Mom? Wala na bang iba. Hi

