Nasa opisina ako ngayon at heto bored na bored. Gusto ko nang mayakap ulit ang babe ko. Hindi na ako mapakali sa inuupuan ko tapos naalibadbaran rin ako sa secretary ko kung makatingin para akong kakainin ng buhay. Tss. Kababaeng tao e, nagpapakita ng ibang motibo, pasalamat siya hindi ako manyak na tao. Haixt!! Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagtatrabaho. Hanggang sa malapit na akong matapos ng biglang pumasok sa isipan ko ang isang ideya. Nagmamadali akong umalis ng kumpanya at hindi na ako nagsabi pa sa secretary ko. Wala naman siyang pakialam, ako ang boss niya. Agad kong pinasibat ang sasakyan papalayo ng kumpanya. Habang nagmamaneho. Napatingin ako sa suot kong wristwatch. Pasado alas kwatro na pala ng hapon at mag a-alasingko na. Iniisip ko kung dadaanan ko ba siya sa pal

