Chapter 3: Adameon High
Crista's POV
"Sure po kayo?! As in?!" Sabi ko.
"Yes. Dapat pala matagal nang naapprove ang pag-apply mo ng scholarship. Kaya lang, hindi napansin ni Maam Dee yung paper mo. Kaya ayan. Hindi ka nakapasok. But don't worry. Maam Dee told us to grant you a full scholarship sa Adameon High at sa Adameon University pag college ka na. 98%? Ang talino mo, iha. Nagawa mong makapasa sa isang napaka-hirap na entrance exam. Bilib na bilib nga sayo si Maam Dee eh."
Please. Tell me I'm dreaming! *o*
"Sabihin niyo naman po. Panaginip lang 'to diba? Nananaginip lang ako?"
"Nako iha. Hinde. Totoo 'to. Tsaka wag kang magalala. Dala ko na rin ang uniform mo. Maam Dee wants to see and meet you as soon as possible. Sige una na ako, Ms. Alvarez. See you soon & welcome to, Adameon High." tumayo siya ay nakipagkamayan sakin.
Hindi pa rin ako makapaniwala! Grabe!
Summer na. Malapit na ngang matapos ang April eh.
Habang nagbabasa ako kanina ay may biglang dumalaw sakin.
Galing siya sa Adameon High.
Dati kasi nung elementary palang ako, nag-apply ako ng scholarship sa Adameon. Kahit half lang sana. Nanlumo nga ako noon eh dahil hindi ako nakatanggap ng kahit na anong letter galing dun. Kahit rejection letter, wala.
It's been years! Pero ngayon ko lang nalaman na nakapasa pala talaga ako!
At this coming school year.
Ako, si Iris Crista Alvarez. Incoming Senior na kahit hindi naman kaaya aya ang itsura ay magaaral na sa napakagandang eskwelahan!
o(≧▽≦)o
At full scholarship pa hanggang college!
ヽ(;▽;)ノ
Jusko! Laking hulog ng langit!
(@ ̄∇ ̄@)/
Magaaral na talaga ako sa Adameon! Grabe! *________*
"♪♫ Don't drop that thun thun (aayyy...)
Don't drop that thun thun
Don't drop that thun thun (ay, aayyy...)
Don't drop that thun thun
Don't drop that thun thun (ay, aayyy..) ♪♫"
〜( ̄▽ ̄〜) (〜 ̄▽ ̄)〜
〜( ̄▽ ̄〜) (〜 ̄▽ ̄)〜
Sumayaw lang ako ng sumayaw! Grabe! Ang saya ko talaga! ^_______^/
-
(After one month)
TT________TT kinakabahan akong pumasok!
Kung umuwi nalang kaya ako?
Kung bumalik nalang kaya ako sa old school ko?
Kung umabsent nalang muna kaya ako?
Nakakataaaaakooooot TT^TT
Ang daming magagandang kotse ang pumapasok sa loob ng malaking gate ng Adameon High! @_______@
"♪♫ Im a creep. Im a weirdo. What the hell am I doing here?! I DON'T BELONG HERE! TT^TT ♪♫"
Nasa labas pa rin ako ng gate habang tinitignan ang sunod sunod na kotseng pumapasok sa loob.
Suot suot ko ang legendary uniform ng Adameon.
Suot ko pa rin ang makapal kong salamin at syempre ang malaki kong bagpack.
Nakatali rin ang kulot kong buhok. Kaysa naman i-lugay ko. Nakakahiya. Hindi bagay sa school na 'to @_____@
Tsaka pansin ko lang. Puro magaganda ang lahi ng mga studyante dito.
</////////////////////3
Ilang oras pa (Oo oras! -_____-) ay pumasok na ako sa loob.
Jusko lang. Dati pinapangarap ko lang ang ganito. Yung makapagaral sa Adameon. Makalakad sa hallway ng Adameon.
Makakatapak sa sahig at damuhan ng Adameon.
Malanghap ang sariwang hangin dito sa Adameon.
Makakita ng mga gw------
*pok*
TT________TT nilalanghap ko pa swerte ko eh!
Ang sakit talaga ng pagkakabangga sakin ng lalakeng 'to.
"Sh*t! Sorry Miss!" Sabi niya.
"A-raaay." Ang sakit nung pwet ko TT_______TT
"Ok ka lang ba Miss? Hindi ko talaga sinasadya! May hinahabol kasi ako eh." Sabi niya.
Pakialam ko ba sa hinahabol mo!?
TT ______TT pwede naman siya nalang yung habulin mo eh! Di yung babanggain mo pa ako.
Inalayan niya ako patayo.
Feel ko pati salamin ko nabasag eh.
Saan ako makakakuha ng pambili ngayon? -__________-
"Miss. Sorry talaga." Sabi niya habang hawak hawak niya yung braso ko at inaalalayan ako.
"Sino ba naman kasi yung hinahabol mo?" Sabi ko.
"Ayy sh*t." Napasigaw ako bigla nang makakita ako ng dugo sa may kamay ko.
TT______________TT
Ganda ng first day eh. -_______- Konti nalang Crista, reyna ng sablay at kamalasan ka na.
"Sh*t! Sorry talaga Miss! Dadalhin kita sa clinic!" sabi niya.
'BAH THANK YOU HA?! Buti naman at naisipan pa niya -_______-
-
(At Clinic)
"Sorry talaga Miss! Sorry!" Kanina pa siya ganyan. Mula doon sa hallway hanggang sa maglakad kami papuntang clinic at hanggang ngayon. Sorry pa rin siya ng sorry.
-_________- Sana naman may mapala ako sa sorry niya.
Pero infairness kay Kuya, mukhang sincere yung mukha habang nag-sosorry eh.
"Miss. Patawarin mo na ako TT^TT" sabi niya.
-___________-
"Oo na. Ang kulit mo!" Sabi ko.
"Talaga!? Yaaaaaay! ヘ( ̄ω ̄ヘ)" Jusko po TT^TT sana lang hindi niya ako kulitin ulit.
"Sure ka, ah!? Wala nang bawian!ヾ(@^∇^@)" Sabi niya.
Sabi na eh -_________-
Tumango lang ako.
Yung mukha ko? Natatakpan ng buhok ko. Ayoko kasing makita ng lalakeng 'to ang kapangitan ko.
Abah malay ko ba kung mapanghusga rin 'tong abnormal na 'to.
"Ayy Miss, bago ka ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita eh" sabi niya. Nakaupo siya sa right side ng kama dito sa clinic kung saan ako nakahiga.
"Ah-eh oo. Ang malas ko nga. First day na first day ko, minalas ako agad. -______-"
Pagkasabi ko nun.
Andun nanaman po siya.. *facepalm*
"WAAAAAA! Sorry talagaaaaa! TT^TT kala ko ba ok na? Eh bakit kinokonsensya mo pa rin ako ha?! Sorry naaaaa!" Jusko po. -_______-
"Pwede ba, tumigil ka na? Ang sinabi ko lang naman eh minalas ako. Hindi naman kita sinisi ah?" Sabi ko.
Mejo kumalma naman siya.
Tinignan ko siya.
Maputi.
Walang gel yung buhok.
May cute na mata.
Malaki ang ngiti.
Yun lang.
Medyo may itsura lang. Hindi ganun ka-gwapo. Cute siya. -______-
"Tapos ka na ba sa kakatitig sakin? Anong say mo? Ang gwapo ko diba? Dibaaaa? ^_______^v"
-__________- no comment.
Pero who am I to judge him diba? Dapat nga maging masaya ako dahil kinausap pa niya ako.
Tsaka ang pangit ko nga eh. Bakit ko pa siya sasabihan ng pangit? -______-
Medyo may itsura naman siya. Hindi siya gwapo. Cute siya.
"Cute ka lang." Sabi ko.
Akala ko magt-tantrums nanaman siya.
Pero..
Ngumiti siya.
Isang malapad na ngiti.
ヾ(*⌒ヮ⌒*)ゞ
Sabi na eh. Cute siya. Hindi gwapo. Cute lang talaga siya.
"Siya nga pala, anong pangalan mo Miss? ^_______^" Sabi niya.
"Ah-eh.. Crista." Sabi ko.
Nakangiti pa rin siya habang unti unti akong nilalapitan.
A-anong gagawin niya?!
@_______@ hahalikan niya ba ako?!
Jusko po! Virgin pa lips ko!
N-nooooooooo----
"Bakit mo tinatakpan yang mukha mo? Tsaka diba nakatali yang buhok mo kanina? Ba't nakalugay na ngayon?" Sabi niya.
Inalis niya ang makakapal na buhok kong kanina ay tinatakpan ang buong mukha ko.
Pero ano daw?
Umiwas ako ng tingin sakanya. Kaya lang, hinawakan niya ang buhok ko at inayos ito. Kinuha niya mula sa desk ang pantali at tinalian ang buhok ko.
Tss.
"Uhm--Eh kasi.. Hindi ako nakakahiya.. 'Di ako bagay dito. Ang Adameon at para sa mga magagandang nilalang lamang. Ang swerte ko nga eh. May full scholarship akong natanggap dito.. Kundi? 'Di ako makakatapak sa sikat na school na 'to." sabi ko. Pilit kong iniwasan ang tingin niya pero ang hirap!
ANG CUTE NIYA KASI! -_____-
"Full scholarship? Wow! Ang swerte mo naman! O____O Waaaaaa! Ikaw na! Pero teka.. Anong sabi mo? Hindi ka nababagay dito? Sa pagkakaalam ko, tao ka naman. May dalawang kamay, dalawang paa, dalawang tenga, mukhang normal ka nga eh. Bakit mo naman nasabi na 'di ka nababagay dito sa Adameon?" Sabi niya.
"Eh kasi---panget ako.." Sabi ko. Nakayuko ako. Ito lang ang pwede kong gawin para iwasan ang mga mata nitong nilalang na 'to.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAAHHAHAHAH!"
Wow ha?! Lakas mong makatawa! -________- Pumanget ka sana.
Tawa pa rin siya ng tawa hanggang sa maubusan siya ng hininga't mamatay.
Pero joke lang -________- Tumigil naman siya at tinignan ako na mejo maluha-luha pa.
"Pasensya ka na ha? Nakakatawa kasi talaga" sabi niya. *sigh*
Ano bang bago diba? Lagi naman akong pinagtatawanan. So, dapat masanay na ako.
Kaya lang.. Ang akala ko kasi 'di siya tulad ng iba na mapanglait..
Well, looks can be deceiving..
"Naiintindihan ko. Sanay na akong laging pinagtatawanan. Wala nang bago dun." sabi ko.
"Huy! Wag ganun! Hindi naman yun ang ibig sabihin ng kung ba't natawa ako eh." sabi niya.
Tinignan ko lang siya.
"Natatawa ako kasi sinabi mong 'di ka bagay dito kasi panget ka. Mind to tell you na ang school na 'to ay tumatanggap ng kahit na anong klaseng estudyante. Maarte, basagulero, nerd, cool, chick type. Lahat. Pero wala naman sinabi na bawal ang panget dito ah?
Tsaka hindi ka naman panget.
Nakulangan ka lang sa ganda ^_______^v"
-____________- muntik na eh!
Muntik na akong mapangiti sa sinabi niya.
Jusko lang -____________-o
"Ayyy sh*t! Time na pala! Una na ako ha! By the way, wag ka nang mag-abalang pumasok. Excused ka na sabi ni Nurse Joy." Pagkasabi niya nun ay umalis na siya.
ヾ(*'∇')ノ siya
Pero ilang sandali lang ay bumalik siya.
ヾ(・ω・*)ノ siya ulet
"Tsaka, simula ngayon, FRIENDS NA TAYO HA! ^__________^ See you around!"umalis na siya.
A-no daw?
F-friends?
Kami? Friends?
Tama ba yung narinig ko o nabingi lang ako?
Pero..
I found myself smiling..
Ang saya.. Ganito pala ang feeling na magkaroon ng kaibigan..
Ang sarap sa pakiramdam.
Kaya lang..
Hindi ko alam kung anong pangalan niya! -_________-