Chapter 4: EXOthermic Gang
Xiumin's POV
"Tapusin na yan" pagkasabi ni Clein nun ay agad na naming tinapos ang kalaban namin.
Marami na masyadong nakakalat na dugo sa arena.
"Sorry. Kayo naman kasi. Kinalaban niyo pa kami. (ノ ̄ω ̄)ノ" Sabi ko sa isang 'to na hawak hawak ko sa kwelyo.
Sa isang iglap lang ay naliligo na siya sa sarili niyang dugo.
"AND THE WINNER IS.. EXOTHERMIC GANG!"
"Tss. Wala na bang mas malakas pa sa mga yan?" Sabi ni Kai.
"Parang sinayang ko lang ang 5 minutes ng buhay ko sa mga walang kwentang yan." sabi ni Luhan.
"Kawawa ka naman. Buti pa ako, 3 minutes lang ang nasayang sa buhay ko ( '∀`)" sabi ko.
Tinapunan naman ako ng poker face na tingin ni Luhan.
Abah. Wala tayong magagawa kung sadyang mas magaling ako kaysa sakanila (─‿‿─)
"Hoy mga walangya. Dalian niyo na jan. Pag si Clein nagalit, baka magsayang rin siya ng ilang segundo sainyo." sabi ni Adrien.
-_________- oo nga naman.
Naglakad na kami palabas ng arena papunta sa PR (Private Room) namin dito sa SP (Secret Place) kung saan naglalaban laban ang iba't ibang gang.
Yes. Kaming labing dalawang gwapo ay gangsters.
〜( ̄▽ ̄〜)
(〜 ̄▽ ̄)〜
Nang makarating kami sa PR namin ay kumain na muna kami.
Abah! Nakakagutom kaya yun! O(≧ω≦)o
Umupo lang kami dun at nagsi-kain na.
Waaaa! Ang daming pagkain o(≧o≦)o
"Mga patay gutom (-_- )ノ"
Napatingin kaming lahat sa isang walangyang demonyo na nakaupo sa malaking upuan na medyo 'di kalayuan saming labing isa.
(¬_¬)
"Wag na wag niyong bibigyan ng pagkain yan (¬_¬)" sabi ni D.O
"Wag na wag niyong kakausapin. (¬_¬)" sabi ni Lay.
"Wag na wag niyong papansinin (¬_¬)" sabi ko.
"Masamang nilalang. (¬_¬)" sabi ni Brian.
"Walang puso (¬_¬)" sabi ni Lori.
"Wala manlang awa sa'tin (¬_¬)" sabi ni Tao.
"Tayo na nga 'tong naghirap, tayo pang tatawagi'ng patay gutom (¬_¬)" sabi ni Kai.
"Asan ang katarungan dun?! (¬_¬)" sabi ni Chen.
"May araw rin yan (¬_¬)" sabi ni Luhan.
"Sana mamatay rin siya sa gutom (¬_¬)" sabi ni Baekhyun.
"Di na ako magsasalita. Sinabi niyo na lahat eh ( ̄へ ̄)" sabi ni Adrien.
"May tenga ako. Rinig na rinig ko kayo. Baka naman gusto niyong ma-sampolan dito?" Sabi ni Clein.
O_________O
"WAG NA WAG NIYO NANG BIBIGYAN NG PAGKAIN--SI XIUMIN! KITA NIYO OH, MUKHA NANG SIOPAO!" Sabi ni D.O
"WAG NIYO NGA AKONG KAUSAPIN! KITA NANG KUMAKAIN EH!" Sabi ni Lay.
"WAG NIYO NA NGA AKONG PANSININ! MASARAP LANG TALAGANG KUMAIN!" Sabi ko.
"YUNG MGA YUN TALAGA. ANG SASAMA! INAWAY TAYO! (~╯3╰)~" Sabi ni Brian.
"Oo nga (~╯3╰)~" sabi ni Lori.
"Hali ka nga, Clein. (~ ̄▽ ̄)~" sabi ni Kai.
"Oo nga. Come here. Susubuan ka namin (~ ̄▽ ̄)~" sabi ni Tao.
"'Bah? Bakit susubuan? Wala ba siyang kamay?! Tsaka ti----"
*POK*
"Pag namatay kami nang dahil sayo, Baekhyun. Talagang mumultuhin ka namin!" Sabi ni Luhan.
"Di ko alam kung bakit nagkaroon pa ako ng mga patay gutom na kaibigan gaya niyo." sinerado ni Clein ang hawak hawak niyang libro tsaka umalis sa PR namin.
-_________- Lahat kami, nakahinga na ng maluwag.
"Anong problema nun?" Sabi ni Chen.
"Bah malay namin!" Sabi ni Kai.
"Tss. Lagi namang mukhang may problema. Ni hindi pa nga ata natin nakikitang ngumiti yun eh." sabi ko.
Totoo naman. -________-
Sa sampung taon naming magkakakilala, ni minsan sa tana ng buhay namin. Di namin nakitang ngumiti yang si Clein. No. Scratch that. Masyado na akong OA =___= Well, let's just say na RARE lang ngumiti yung gagong yun.
Pinaglihi ata sa ampalaya eh -_____-
Matagal na kaming magkakilala at sa loob ng maraming taon, lumalaban na kami.
Kaya naman no wonder kung kami ang kinatatakutan na gang dito.
"Wag nga kayong ganyan sa bespren ko. Inaaway niyo eh! (╯3╰)" sabi ni Lori.
"Oo nga! Inaaway niyo bespren namin ni Lori! (╯3╰)" sabi ni Brian.
Oh eh di kayo na besprens! -_______-
Lahat naman kami, magbe-bespren eh. Mehe. (╯3╰)v
"Hoy! Papasok ba kayo bukas?" Sabi ni Tao.
"Aysh*t! Muntik ko nang makalimutan! First day na pala ng pasukan bukas diba?!" Sabi ni Luhan.
"Obvious ba?" Sabi ni Lori.
"Bakit ang sama mo sakin ha?! TT_______TT" Sabi ni Luhan.
"'To namaaaan! Love na love kaya kita, Lulu (~ ̄▽ ̄)~" niyakap ni Lori si Luhan.
-________-
"Siyempre, papasok tayo. Ayoko namang malungkot yung mga babae sa Adameon High ╮(─▽─)╭" sabi ni Kai.
-_________-
Oo nga pala. Bukas na yung first day.
SA WAKAS! 4th year na kami!
Last year na 'to! Hello college na! ^_______^
I'm zoooo eggzoited! And I just can't hideeeet! (~ ̄▽ ̄)~
Kumain lang kami nang kumain hanggang sa mabusog kami.
Naligo na rin kami.
Ito kasing PR namin, parang condo na rin naming 12.
Pag tinatamad kaming umuwi, dito nalang kami natutulog. Nakakapagod na kasing magmaneho pagkatapos ng mga walang kwentang labanan eh.
Walang kwenta dahil mabilis lang natatapos ang laban. Boring masyado
-_______-
Pagkatapos gawin lahat ng ritual namin ay natulog na kami.
-
(The next day)
"Bakit ba ang gwapo ni Lori?!"
"Ang hot talaga ni Kai!"
"Mamaya, pipila ako! Gusto kong umamin kay D.O!"
"Ang swerte talaga natin! Oh Lay! Be mine!"
"Chen! Smile ka naman!"
"Ang gwapo talaga ni Adrien!"
"Ang cute cute cute ni Luhan mylaaabs!"
"Baekhyun! Be mine foreveeeer"
"Ang cool mo talaga Tao!"
"Xiumin, ang gwapooooo mo!"
Napatingin naman ako sa mga babaeng nagkakagulo.
Rinig na rinig ko eh. Ang gwapo ko daw (≧ω≦)/
Napangisi ako at kinindatan sila.
Yung mga babae? Ayun. Halos magwala sa ginawa ko.
Tss. Minsan talaga.. Ang cute nila.
Puro sigaw pag dumadaan kami. Puro compliment pa.
Minsan nga hindi namin alam kung anong gagawin para masuklian ang kabaitan nila samin.
Kaya naman pinapayagan namin silang dumalaw sa PCH (Private Club House) namin.
Dun, may chance sila na makausap kami. Kahit ano pang gusto nilang sabihin.
Di ko nga alam kung maiinis ba kami o hinde.
Halos lahat kasi ng babae, si Clein ang pinupuntahan =____=
At yung gagong yun?
Karumaldumal ang sinasabi sa mga babae. -________-
Kaya naman bilang mga gwapong mababait na nilalang, kinocomfort namin yung mga napapaiyak niya.
Pansin niyo naman diba? Walang sumigaw na kahit na ano kay Clein.
Takot ang mga yan. -_______- kaya ayan. Kinikimkim nalang nila ang kilig na nararamdaman nila.
Sino ba namang tanga ang mas pipiliing mapahiya diba? Lalo na kung ang magpapahiya sayo eh yung crush mo pa.
Saklap nun. Sa part nila. ╮(─___─)╭
"Oh asan si Brian? Tanghali na nga tayo pumasok, wala pa rin siya." Sabi ni Adrien.
"Malay ko. Baka hinahabol nanaman si Demi. Kilala mo naman yung love birds na yun." sabi ko.
Kaaga aga eh. Nakikipaglandian na yung ABnormal na yun. Tss.
-
Crista's POV
Lunch time na pero andito pa rin ako sa clinic.
Medyo ok na rin naman ako. Nakabalot nga lang ng benda yung sugat ko kanina.
Bigla namang dumating yung nurse. So I assume siya si Nurse Joy.
"Oh ok ka na ba?" Sabi niya.
Tumango ako at nginitan siya.
"Uhm, pwede na po ba 'kong umalis?" Sabi ko.
"Kung ok ka na talaga, then pwede na ^______^" sabi niya.
Nagpaalam na ako sakanya at umalis na ng clinic.
Naglakad lakad ako hanggang sa may marealize ako..
Hindi ko pala alam ang pasikot-sikot dito sa Adameon High TT__________TT
Naglakad nalang ako hanggang sa makarating ako sa isang parang club house?
Hindi kasi mukhang building eh. Tsaka may nakapaskil na "Private Club House" -__________-
Dumaan ako dun hanggang sa may nakabangga nanaman ako. Pero mahina lang.
"Pwede ba, tumingin ka sa dinadaanan mo!" Luh? BV lang?
"S-sorry." Sabi ko.
"Tss. Tatanga tanga kasi"
SUNGEEEEET! GWAPO PERO MASUNGEEEEEEEEEET!
Nilampasan niya ako pero yung mga kasama niya, nakatingin lang sakin.
Pucha. BAKIT ANG GGWAPO NILA?! ヽ( °◇°)ノ
"Pasensya ka na Miss. Lagi lang talaga wala sa mood si Tao. Sorry." Sabi nung isa sa gwapo. (Chen)
Tae naman eh. Talagang nakakapanghina ang mga tao dito sa Adameon High.
Nakaka-starstruck ヽ(*゚ー゚*)ノ
"H-hindi. O-okay lang. Kasalanan ko naman." Sabi ko.
Nakatingin lang ako sa ibaba. Nakakahiya kasi tignan 'tong mga to eh.
Nilampasan naman nila ako. Napahinga ako ng malalim.
"Teka. Ikaw yung nakabangga ko nung nakaraang buwan ah?" Biglang may nagsalita. Napatingin ako sa may gilid at---at---
YUNG GWAPONG MABAIT NA NAKABANGGA KO! ヽ(*゚ー゚*)ノ
"Ah-hehe. ^____^7 " Lagi nalang Crista ha! -_____- Napaghahalataan na yang shy epek mo.
"Dito ka na pala nagaaral ngayon?" Sabi niya.
Tumango ako nang hindi nakatingin sakanya.
"Hahaha. Ok. See you around Ms.Chocolate."
A-ano daw?! Ms. Chocolate?!
*blink*
*blink*
WAAAAA! MAY ENDEARMENT SIYA SAKIN!? (ノ°ο°)ノ
"S-sige." sabi ko. Pinat lang niya yung ulo ko at umalis na din.
ヾ(@^∇^@)ノ (ノ≧∀≦)ノ \(^ω^\)
*splash*
(ノ°ο°)ノ
S-sinong nagbuhos ng tubig sa mukha ko?
Dahan dahan akong napatingin sa harapan ko.
Isang seryosong lalake ang nakatingin sakin.
May hawak rin siyang bottled water.
A-ano---
"Wala kasi akong mapambubuhusan."
O__________O halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya.
SO GANUN NA?! PAG WALANG MAPAMBUBUHUSAN, ISANG GAYA KO NALANG ANG BUBUHUSAN?!
"Omg. Nakita niyo ba yun?!"
"Binuhusan siya ng tubig!"
"Sino ba siya? Kabago-bago eh."
"Siguro nilandi niya ang isa sa mga HS (Hot Students)"
May mga dumaang babae.
Nak ng. Nilandi?!
Binuhusan na nga ako ng tubig, nilandi ko pa?!
Eh wala nga akong ginagawa eh! TT^TT
Nilagpasan na ako nung lalakeng antipatiko.
"HOY CLEIN! BAKIT MO BINUHUSAN NG TUBIG 'TONG KAIBIGAN KO HA?!" Bigla nalang sumulpot yung lalakeng naghatid sakin sa clinic.
Yung.. Uhm. Kaibigan ko.. >_____>
"Gusto ko." With that pumasok na yung lalakeng antipatiko sa loob ng Private Club House.
MAULANAN KA SANA JAN NG IPIS!
MAULANAN KA SANA JAN NG YELO!
"Ok ka lang ba?!" Sabi nung uhm.. Kaibigan ko.
-________- Mukha ba akong ok?
Pag ba binuhusan ka ng tubig na wala namang dahilan eh sa tingin mo, ok ka? Sure ba talaga? -_________-
"Pasensya ka na talaga ha. Talagang ganun lang yun. PMs." Sabi niya.
PMs?! Ano yun?! Almo?!
Pero.. Teka nga. Di ko pa siya kilala.
"Sino ka ba?" Sabi ko.
Bigla siyang nagulat.
More like teary eyed. -________-
(-'_'-)
(╥_╥)
"KAIBIGAN KITA TAPOS DI MO 'KO KILALA?! HOW DARE YOU! o(≧o≦)o"
Jusko po. (つд`)
"Ni hindi ka pa nga nakakapagpakilala sakin eh. -______-" sabi ko.
O______O siya.
"Ehe. Hehe. Ganun ba? (-'_'-)7"
Yan kasi. -_____- padalos dalos lang eh.
"Hehe. Ako nga pala si Art Brian Ocampo. Tawagin mo nalang akong---"
"ABO. -________-" sabi ko.
"A-anong sabi mo? щ(ಥДಥщ)" ayan nanaman po siya.
"ABO." Sabi ko.
"SHEEEEET! H-hindi ko na kaya 'to! THIZ IZ TOOO MUCH! (ι'Д`)ノ" sabi niya.
-_________- Ang weird niyaaaaa. Bakla ba'to? Nako. Sayang. Cute pa naman.
Medyo tumigil naman siya sa paghy-hysterical at hinarap ako.
"Pero.. Sige. Dahil kaibigan kita. Papayag ako na yan ang itawag mo sakin." Sabi niya.
Hindi ako kumibo. Nilalamig ako eh.
Ang lamig kaya nung tubig na binuhos sakin nung walangyang yun!
Antipatiko! -.-
Almo!
Antipatikong may Almo!
"Halika!" Hinila ako ni abo papunta dun sa PCH.
"Hoy abo, s-san mo 'ko dadalhin!?" Sabi ko.
"Dun sa nambuhos sayo ng tubig! Bah! Kailangan niyang magsorry!"
"H-hoy! Wag na. Sanay na ako.." Pero mapilit pa rin siya -________-
At isa sa kinainisan ko eh yung dahilan kung bakit niya ako dinadala papunta dun sa antipatiko na yun.
"EH KASI NAMAN. PURO MAGAGANDA LANG ANG TINATAPUNAN NUN! MAGANDA KA BA HA?! DIBA HINDE?! KAYA KAILANGAN NIYANG MAGSORRY SAYO!"
Oh diba?! Ang sarap ipakain sa buwaya 'tong abo'ng 'to eh -________-