Chapter 18

1239 Words
SINADYA kong puntahan si Bea sa tinutuluyan nitong hotel para may kausap si Aira na mas kalapit sa kanya. Also I want to ask Bea about her. Nasa harap na ako ng hotel nitong tinutuluyan nang makalimutan ko ang buong pangalan nito. I’m sure the hotel staff will not allow me to go in kung hindi ko alam ang pangalan ng taong pupuntahan ko. “Oh’ sh*t, what should I do know?” Marahas akong napabuga ng hininga. Hindi ko alam kung mananatili pa ba ako dito o babalik na lang sa hospital. Pakamot-kamot ako ng ulo na muling sumakay sa kotse. Ngunit may biglang tumawag sa akin. “Clark!” Nilingon ko iyon nang mahimigan ko ang pamilyar na boses ng babae. Kasabay niyon ay ang ngiti ko na halos abot hanggang langit. I’m so lucky nang lumabas siya ng hotel. “Salamat at lumabas ka dahil babalik na sana ako ng hospital nang hindi ko malaman ang buo mong pangalan!” “Tsk, bakit kasi hindi ka nagtatanong e!” Napapailing na wika ni Bea na lumapit sa kanya. “Iyon nga ang mali ko e, pero samalat at hindi nasayang ang oras ko.” “Oo nga pala, bakit ka naparito?” So far, hindi pa niya alam ang nangyari kay Aira. Sinundo ko siya sa maraming kadahilanan. Isa na roon ay ang malaman mula sa kanya ang totoong estado ng buhay ni Aira. I know there is something but I couldn’t find it. "Huwag kang mabibigla, nasa hospital ngayon si Aira. Pero nasa mabuti na siyang kalagayan," tugon ko. "What? Ano ba ang nangyari sa kaibigan ko at bakit na-ospital siya?" gulat tanong niya. "Ang mabuti pa ay sumama ka sa akin para pag-usapan natin iyan sa isang lugar na kumportable tayo sa isa't isa," aya ko sa kanya. Wala naman siyang sinayang na sandali para sumama sa akin. Sa malapit na restaurant ko siya dinala para makapag-usap kami ng maayos. We order just drink para lang makapag-usap kami. Sa paglapat pa lang ng aming puwet sa upuan ay sabik na siyang malaman ang naging sanhi ng pagkaka-ospital ni Aira. "Ngayon sabihin mo na sa akin kung bakit nasa hospital si Aira?" atat niyang tanong. "Alam kong hindi lingid sayo ang tunay niyang estado sa buhay. Bugbog sarado siyang isinugod namin sa hospital. Dahil sa natamo ay duguan siya at walang malay naming natagpuan sa kanyang silid. Napatakip ng bibig si Bea sa narinig. Bakas sa kanyang mukha ang pag-alala sa kaibigan. "I-Ito ang kinakatakot ko na mangyari sa kanya," mahinang usal niya. "So, I guess na alam mo lahat-lahat sa kanya!" "Yes, sobrang nag-alala ako sa kanya. Hindi ko na rin ito matago pa sa iba gayong nanganganib siya sa kamay ng asawa," malungkot na pag-amin ni Bea. "Handa akong tumulong sa kanyang suliranin basta sabihin mo sa akin ang puno't dulo ng lahat nang sa ganoon ay magawan ko agad ng aksiyon." "Pero paano ka Clark?" Katulad din ni Aira ay may himig na alinlangan si Bea. Ang inakala nila na isang ordinaryong driver lamang ang kanilang Clark na nakilala. "Trust me. Kaya kong ipagtanggol ang kaibigan mo. Kailangan ko lang ang tiwala niyo sa akin," paniniguro ko pa. "Sana ikaw na nag-iisang hero niya. Hindi na rin ako aayaw pa gayong nakikita ko sayo ang tapang. God bless you Clark!" Nang sa wakas ay ngumiti si Bea sa akin bilang pahintulot niya sa nais kong gawin sa kaibigan. Isiniwalat niya lahat sa akin ang buhay ni Aira. Pati na rin kung paano nito nakilala ang amo kong dragon. Nang matapos kong malaman ang lahat ay tila nabulunan ako. Napaisip ako sa maaari kong gawin. Hindi sapat ang naipon kong pera para mabayaran nito ang dragon na iyon. "Bakit natahimik ka?" seryosong tanong ni Bea. "Wala, iniisip ko lang kung paano natin maresulba ang problema niya nang sa gano'n ay malaya na siya sa kanyang asawa," sagot ko. "Kung kaya ko lang ay gagawin ko ngunit pareho lamang kami na hindi naman ganoon ka yaman," ani Bea. "Tara na sa hospital para makausap mo siya." "Okay let's go!" Sa desisyon kong ito ay kailangan kong harapin ang buhay na iniwan ko sa loob ng apat na taon. Hindi ko kayang hahayaan na lang si Aira sa kamay ng amo kong malupit. HINIHINTAY ko si Bea para may kausap ako. Siya lang naman ang taong mas nakakaunawa sa akin. Ilang sandali pa ay may narinig akong yapak at mahinang katok sa pintuan. Pagkabukas nito ay nagtatakbong lumapit si Bea sa akin. "Bakit ba hinintay mo pang mangyari ito?" I shrugged turned to Bea who was wondering. I grabbed her instead of answer her question. No time to explain her because she knew that isn't the first time happened to me. "Hey...hey! Wait..." Umalma pa siya sa pananahimik ko. Wala ring nagawa si Bea kundi ang maupo na lang sa tabi ko. Habang si Clark naman ay abala sa paghahanda ng makakain ko. I just smiled at her but still her eyes asking my answers. "You owe me an explanation!" She slightly squeeze my arms. Every minute is important to me so she know that there is something happen while she was away from me. A smiled flashed on my lips, giving her assurance that I am okay but my mind thinking on Clark. I turned behind para sulyapan siya. Napag-isip ko na rin na sang-ayunan ang mga gusto niya sa akin. Panahon na para tumindig sa tama. Hindi ko hahayaan na malagutan ng hininga para lang mabayaran siya sa lahat. Unti-unti na ring nalusaw ang pagmamahal ko na inalay sa asawa ko. Iyon ay dahil sa kanyang pananakit sa akin. Isang bagong umaga ang nagpagising sa akin na may pag-asa. Ayaw kong indahin ang nangyari sa kanya kahapon. Hindi ito naging hadlang para maging isang mahina. Alam kong darating ang araw na makakalaya sa ganitong sitwasyon at tamasain ang masayang buhay. Walang pag-iimbot pa ring ngumiti sa umaga na walang sama sa loob. Katulad ng nagdaan araw ay masaya niyang sinasalubong ang bagong umaga. Ayaw kong maging malungkutin dahil hindi ito nakakatulong sa akin. Parang isang libro ang buhay ko na kailangang magpatuloy sa susunod na pahina ng buhay "Bakit hindi mo ako tinawagan matapos kang mabubog ng asawa mong demonyo?" "I don't have phone anymore, he broke it nang makita niyang mayroon nagpapadala ng mensahi sa akin. Inakala niyang nanlalaki ako dahil doon," sagot ko. Iyon naman kasi ang dahilan na ikinagalit ni Joem. Pero para sa akin hindi iyon sapat para saktan niya ako. Dahil marami rin itong ginagawang kalokohan habang nasa labas. "What? Sino ba 'yong nagmemesage sayo?" "Even me I don't know, kaya nga inakala ko noon ay ikaw iyon pero someone knew me na hindi ko alam kung sino siya." "Huh! May silent stalker ka?" "Ewan ko!" "Clark kailan ba pwedeng lumabas si Aira?" tanong ni Bea sa pananahimik ni Clark. "H-Ha! Itatanong ko pa sa doktor since hindi ko pa talaga ito naitanong ang tungkol diyan!" gulat na tugon nito. Medyo tense si Clark na lumapit sa amin bitbit ang hinandang mainit na gatas. Sa ngayon ay hindi pa ako makakain ng matitigas na pagkain. "Kakausapin ko ngayon," dagdag pa niya. Napatango na lang si Bea na kinuha mula rito ang hinandang pagkain ko. Nagpaalam naman agad si Clark para asikasuhin ang hospital clearance ko. Okay na ako ngayon at sa palagay ko ay maaari na akong lumabas...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD