MATAPOS mapagkasunduan nina Aira at Ayana ang dapat gawin ay sinuri nila ang paligid na pwedeng magamit kapag kailangan. May mga kagamitan silang nakikita sa loob ng silid na maaaring magamit. Kahit ano basta matigas na bagay na pwedeng makasakit sa kalaban. Isa na rito ang pwedeng ipalo kay Joem at sa mga tauhan nito o kaya mga susi na pwedeng mapakinabangan. Buhis buhay man nilang gawin ito ngunit mas mainam na lumaban kaysa magpaubaya. "Handa na ba kayo?" tanong ni Joem nang pumasok ito sa silid kung saan nakatali ang dalawa. Napapitlag naman silang dalawa nang biglang pumasok si Joem. Kabado man ngunit nanatiling kalmado sina Ayana at Aira na tiningala si Joem. Hawak nito ang lighter at bote ng alak. Itinaas pa nito para ipakita sa dalawa ang hawak niya. "Joem pwede ba tigila

