WALANG mapagsidlan ng paghihinagpis ko sa nangyari kina Aira at Ayana. Both of them lost at halos hindi ko kayang tanggapin ang lahat. Too much pain for me that it was late bago ko naisipan ang kahalagan nila sa akin. Habang tanaw ko ang wasak at sunog na bodega ay tila natupok din itong puso ko. Ang pagsisisi nga naman ay nasa huli. At kahit anong kurwap ko ay wala ng pagbabago. "Clark, ang sabi ng mga pulis sa kanilang pag-iimbistiga ay kumpirmadong narito sila sa loob nang sumabog ang bodega," wika ni Bea. "May nakuha ba silang sunog na katawan sa loob?" tanong ko. Kahit man lang sana katawan nila ang mahanap sa nasunog na bodega ay sapat na naming paglalamayan nang sa ganoon ay mapadasalan namin ang kanilang kaluluwa. "Wala pa Clark, may nakapagsabi sa mga pulis na taga-rito ang

