NAGISING ako sa ingay nang malakas na katok sa pintuan. Dahil ayaw kong magpahuli ay agad akong pumasok sa banyo at naligo. Hindi ko na iyong binuksan kahit pa man si Daddy iyon. Magdadahilan na lang ako kapag tinanong. Pagbaba ko ng hagdan ay agad akong nagtungo sa hapag-kainan. Alam kong hindi pa huli para sumabay sa Daddy. Pagpasok ko pa lang sa dining area ay bumungad sa akin ang mukha ni Simon na nakangiti. Nagsalubong ang mga kilay kong nakatingin rito. Pero gutom na ako para hindi kumain ng almusal. Sa makalipas na araw ay halos wala akong ganang kumain kaya feel ko ang bumawi ngayon. "Good morning, Clarisa," bati nito na walang patid ang ngiti sa labi. Hindi ako kumibo at ibinaling na lang kay Daddy ang tingin. "Good morning Dad!" Sabay niyon ay naupo na ako sa upuang nakapw

