MAAGA akong binulabog ng katok sa pintuan. Inaantok pa sana ako at umuungot na bumangon lang. Panay-panay naman ang katok na tila naiirita na ako. "Sandali lang!" sigaw ko rito. Padabog akong nagtungo sa pintuan upang alamin kung sino itong nambubulabog ng ganito ka aga. "Ano ba at ang aga namang nang-iisturbo?!" Napatda akong makita ang Daddy na nakataas ang kilay. Pinanlalakihan rin ako ng mga mata nang napatakip ako ng bibig. Dahil iyan sa pagtaas ko ng boses nang bulabugin ako ng katok sa ganitong oras? "D-Dad?!" "Hm... narito ako upang ipaalala sayo ang party mamayang gabi," anito. "Dad naman, pwede namang mamaya mo sasabihin sa akin. If I'm not mistaken, now it's only 6am I think?!" reklamo ko dito. "I am busy today kaya naman maaga kitang kinausap para matiyak ko ang ka

