SA hapag kainan nang umaga ay nagtataka si Don Clavio sa katahimikan ng dalawa sa kanilang pag-aalmusal. Nagtataka siya kung bakit bigla na lang walang kibo ang dalawa. Ngunit nanatili siyang nakiramdam sa dalawa na iniisip niyang may hidwaan na naganap sa mga ito. “Anong mayroon sa inyong dalawa?” hindi maiwasang tanong ni Don Clavio sa dalawa na patuloy ang pananhimik. “Ahm, wala naman Dad. Bakit mo naitanong?” “Kanina ko pa kayo napapansin na tahimik. May problema ba Simon?” deretsong tanong nito sa binata. “Wala naman Dad, nahihiya lamang si Clarisa magsabi,” pabitin na tugon ni Simon. Nanlaki naman ang mga mata ni Clarisa sa pagkabigla. Bukod sa tuluyang Daddy na ang tawag nito sa kanyang ama ay niya maiwasang magulat sa kapangahasan ng binata. Hindi niya rin alam ang takbo ng u

