KINAKABAHAN ako nang makarating kami sa bahay ni Simon kinahapunan. Hindi ito ang bahay na madalas nanatili ang ama. Dahil sa Maynila ito nabigyan ng pagkakataong maging tagapaglingkod ng bansa. Their ancestral house ay hindi pinapabayaan ng ama nito kahit sobrang abala sa napiling career at negosyo roon sa Maynila. "Nahihiya ako sa Daddy mo!" "Huwag kang mag-alala dahil kaaalis lang ng Daddy dahil mayroon siyang emergency sa kanyang trabaho." I felt relieved after all, gayunpaman ay hindi ko na matatakasan sa susunod dahil papasok na ako sa buhay ni Simon. "E sinong nariyan?" "Mga kasambahay," maikli nitong tugon. Sumunod ako sa kanya na walang imik. Kung iisipin ay wala naman akong dapat pangambahan. Agad kaming binati ng mga kasambahay na narito ngunit ang mga mata ko ay hindi

