YAMOT na yamot akong inakay si simon nang malasing ito. Inumaga kami sa kadaldalan sa garden. Hindi namin napansin ang oras habang umiinom. Pakiwari ko'y lumubo itong tiyan ko sa kakainom ng juice na 1 percent lang ang alcohol. "Wify, p-pasensya ka na!" Pasinok-sinok na wika ni Simon. Gusto ko ng magalit dahil imbes na siya ang mag-alaga sa akin ngunit ako tuloy ang mag-aalaga sa kanya. "Nakakainis ka na!" yamot na tugon ko rito. Hindi ako nag tawag ng mga kasambahay para ihatid siya sa silid nito. Ang lahat ang mahimbing nang natutulog sa mga oras na ito. Lalo naman akong nag-aalab sa inis nang humalakhak ito. Tinatawanan lang ako na hirap na hirap sa kanya. Tiniis ko lamang iyon hanggang makarating kami sa kanyang silid. Inihagis ko siya sa kanyang kama upang kumuha ng bimpo. Pup

