NAGKAGULO sa labas ang lahat ng tauhan kaya naman nagkunwari kaming dalawa ni Manang Lita na gulat. Hindi rin naman ako nakita ni Simon at iba pang tao maliban kay Manang Lita. Kaya naman ganoon na lang ang aming pagkukunwari na nagulat sa pangyayari. "Jusmiyo, anong nangyayari dito?" tanong ni Manang Lita sa kanila na nag-uumpukan. "Hindi namin alam Manang, nakita na lang namin si boss na nakahandusay na walang malay. At ang pinagtataka namin ay nakalabas pa ang sandata nito," tugon ng isa sa mga kaibigan nito. "Ano pa ba ang hinihintay niyo riyan? Buhatin niyo na si Simon para madala sa hospital!" utos ni Manang sa kanila. Sa tingin ko kay Simon ay black out talaga siya. Tumama ba naman ang puwetan ko sa kanyang bandang ulo kaya gano’n na lang siguro kalakas na mawalan siya ng ma

