INAYOS ko ang bills niya sa hospital para madali na lang kami lumabas. Habang tulog siya ay iniwqn ko muna para maasikaso ang lahat sa kanyang paglabas. Nakasabay ko ang nurse na nag-asikaso sa kanya kanina at pagkakataon ko na malaman ang kalagayan nito. "Nurse ang pasyente ko ba ay may malubhang injury?" tanong ko rito. "Ahm, wala naman. Kasi wala naman kaming nakitang fracture sa buto niya sa likod," sagot nito sa akin. Nagtataka lang ako at bakit nawalan ng malay ang mokong iyon. Kung ang bigat ko lang naman ang dahilan sa pagkahimatay niya nakakapagtaka naman kung ganoon. Sinagot ng nurse ang lahat ng katanungan ko bago pa man kami makarating sa room nito. Matapos kong makausap ang nurse na naabutan ko ay wala naman palang dapat ikabahala. Wala namang natamong injury si Si

