ISANG MALAKING kaibahan nang hindi ko kasama sa loob ng isang lingo si Joem. Minsan napa-isip na lang talaga akong bumitaw na ngunit wala akong sapat na kakayahan upang mabayaran siya sa pagkakautang ng Daddy ko.
Nasa opisina kami ngayon ni Joem para kunin ang pinag-uutos nitong documents na kailangan niyang pirmahan. Bukas pa ang kanyang uwi pero nagdududa na talaga ako sa mga business trip nito.
“Ma’am, heto na po ang mga kailangan ni Mr. Villanueva!”
Inabot sa akin ng kanyang sekretarya ang bisang brown envelop. Magalang ko namang pinasalamatan siya sa paghahanda ng mga ito. Nang paalis na ako ay tinawag ako ng isang may kaedaran na babaeng naroon. I do not know who she is but of course isa ito sa mga empleyedo ng kompanya
“Mrs. Villanueva , maaari ba kitang makausap?”
“Yeah sure!”
Sumunod ako sa kanyang cubicle at doon ay pinagbigyan ko siyang magkausap kami. Hindi naman ako nangingialam sa kompanya ng asawa ko kaya ganoon na lang kalayo ang loob ko sa mga ari-arian nila lalo pa at hindi ako pinagkatiwalaan ni Joem.
After five or ten minutes ay lumabas na ako ng building na tulala. Hindi makapaniwala sa nalaman. I should ask him kung bakit ganito ang ginagawa niya sa akin?
“Deretso sa bahay!” malamig kong utos kay Clark.
Papuntahin ko na lang si Bea sa bahay para naman sa gano’n ay may kausap ako. Kailangan ko rin ang payo niya sa mga gagawin kong hakbang. Nang kunin ko ang cellphone sa bag para tawagan si Bea ay hindi ko ito makita. Hinalughog ko na ang lahat ng laman sa bag ko ay wala ito. Sandali akong napa-isip kung saan koi to naiwan.
Baka naiwan ko lang iyon sa kwarto noong nagmadali akong umalis. Biglaan kasi ang inutos sa akin ni Joem kaya siguro ay hindi ko iyon napansin.
Pagdating naming ng bahay ay umakyat kaagad ako sa kwarto. Ngunit sa pagbukas ko ng pinto ay namilog ang mga mata ko sa gulat. Joem was sitting on our bed. I never expect na uuwi siya ngayon gayong bukas pa ang kanyang sinabi.
“Akala ko bukas ka pa darating?” pagtataka kong tanong.
“I want to surprise you, but it seems I’m the one who surprised,” seryosong saad nito.
“Huh! What do you mean?”
Marahan kong sinara ang pinto nang mahimigan ko ang nakakatakot na tono ng kanyang boses. My knees feel numb. I think back kung may nagawa ba akong mali nitong nakaraan araw.
“What stupid thing did you do while I was afar?”
“Nothing… I-I only did was entering the singing audition last two days ago!”
“Really? Mariin kong binilin sayo na huwag kang gumawa ng kabulastugan habang wala ako rito sa bahay!”
Napasinghap ako ng hablutin niya ang braso ko at mahigpit niyang hinawakan. Ramdam ko ang sakit na halos bumaon ang kanyang kuko sa balat ko.
“Ano ba Joem nasasaktan ako!” impit kong daing.
“This is not enough! Ginagago mo ako. Sino itong nagmemesage sayo ha?”
“Aray…” Napatingkayad ako nang hinila niya ang buhok ko. Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa kama. Doon ay walang awa niya akong itinulak. Pakiramdam ko ay umuga ang utak ko sa lakas kahit pa malambot ang kama.
Luhaan ko siyang hinarap na hawak niya ang cellphone ko. Marahil ay nakita niya ang mga mensahi sa akin ng unknown sender.
“Hindi ko siya kilala, basta na lang ‘yan nagmemesage sa akin,” mangiyak-ngiyak kong tugon.
Napaupo ako sa kama na sinagot ang mga paratang sa akin. Ngunit binalibag niya sa mukha ko ang cellphone at bumagsak ito sa sahig. Nagtalsikan naman ang ibang piraso nito sa lakas ng pagbagsak.
“Sinungaling!”
“Nawala lang ako ng sandali ay lumandi ka na ha!”
Mainit na lumapat ang kanyang palad sa pisngi ko. Nandilim ang paningin ko sa lakas ng kanyang sampal. Ngunit pinilit kong maging malakas upang labanan siya.
“Nagseselos ka sa isang bagay na walang namang katotohanan. Matanong kita Joem, sino kaya sa atin ang nagloloko? Pinapahid mo sa akin ang gawain mo. Hindi kaya ikaw ang nagpakasaya sa kandungan ng iba?” sigaw ko sa kanya.
“How dare you to say like that to me! Kahit anong gawin ko ay wala ka ng pakialam, mas may pakialam ako sayo dahil pag-aari kita. Akin ka lang itatak mo ‘yan sa kukuti mo!”
Pinisil niya ang bibig ko ng malakas. Napaangat ang puwet ko sa sakit na nararamdaman. Para siyang sinapian ng demonyo kung manakit sa akin. Nang bitawan niya ako ay nalasahan ko ang tila kalawang.
Pinahid ko ang basing bibig at doon ko nakita ang dugo. Siniksik ko ang sarili sa headboard ng kama habang yakap ang unan. Hindi ko na kaya ang pananakit niya at para na akong himatayin.
“Tama na! Palayain mo na ako, parang awa mo na. hindi ko na kaya!”
Humagulgol na lamang ako na nagmamakaawa sa kanya. Kung may mas matindi pa rito ay baka mawalan na ako ng buhay.
“Nagpapatawa ka ba? Sa laki ng perang pinaluwal ko papalayain lang kita ng gano’n kadali, manigas ka! Simula ngayon ay mawawala ako ng isang buwan at bawal ka na lumabas ng bahay!”
“You’re unfair!”
Wala na akong asahan na magbabago pa siya. Kaya kong tumakas kapag wala na siya sa bahay ngunit mahahanap niya pa rin ako bagay na ikinatakot ko. Marami siyang koneksyon na magagamit kapag ginusto niya.
“Huwag mo na balakin na tumakas sa akin. Alam mo ang mangyayari sayo kapag sinuway mo ako,” mariin niyang babala.
Pumikit na lamang ako at dinama na lang ang matinding sakit sa damdamin. Para akong buhay sa mundong ito para lang damhin ang pahirap na hindi ko naman deserve na maranasan.
NAKAKANGINIG kapag nasa bahay ang dragon na ito. Wala ng ginawa kung hindi ang manigaw sa lahat ng tauhan niya. Bigla-bigla na lang aalis at susulpot na parang kabuti.
Pinatawag kaming lahat sa sala para sa isang anunsyo. Napansin ko ang isang luggage sa gilid ng sofa. Kakabalik lang niya at aalis na naman uli.
"Kayong lahat, gusto kong ipaalam na aalis ako ng isang buwan. Hindi na ako kukuha ng mga taong magbabantay kay Aira sa mansiong ito. Kayo na ang bahalang magbantay sa kanya lalo ka na Lisbi. Huwag mo na siyang hayaan na umalis ng bahay," saad nito.
"Yes sir!"
Sapilitan akong tumango sa kanya. Gusto pa naman sana naming bumalik sa lugar kung saan naging masaya si Aira noong dinala ko siya roon.
"Sir Joem, ikukulong mo ba ang asawa mo rito sa mansion?" tanong ni Ginang Marcela.
"Malaya siyang makagalaw dito sa mansion ngunit ipinagbawal ko ang umalis ng bahay. Sundin niyo na lang ang gusto ko."
Napatanong tuloy ako sa sarili kung adik pa itong amo ko. Hindi normal ang kanyang pag-iisip. Huwag lang talaga siyang magkamali dahil kaya kong tapatan ang lahat na mayroon siya.
"Yes sir!" mahinang sagot naman ng matanda.
Wala kaming makukuha kung salungatin ang gusto niya kahit pa man mali at nakakaawa si Aira sa mga paghihigpit niya.
Muli ay sinundo siya ng kanyang kaibigan matapos kaming paalalahanan sa mga nais niyang mangyari. Ngunit nag-alala ako para kay Ma'am Aira. Kumusta kaya siya sa taas.
"Ginang Marcela, mayroon sana akong pakiusap," wika ko sa matanda.
"Ano 'yon Clark?"
"Kinakabahan kasi ako baka sinaktan niya si Ma'am Aira. Nakaraan kasi ay mayroon akong nakitang pasa sa braso kaya nag-alala lamang ako," nag-alalang tugon ko.
"Huh!"
Napaisip ang matanda kung dapat ba naming suriin ang kalagayan ni Ma'am Aira ngayon. Wala namang masama kung isipin namin ang kalagayan nito lalo na at kitang-kita ang matinding paghihigpit nito kay Aira.
"Sige ako na ang aakyat sa taas para tingnan siya," nang sa wakas na sang-ayon ng matanda.
Pumanhik si Ginang Marcela upang alamin kung nasa maayos lamang si Aira. Napapansin ko lang ang pagiging tahimik ni Aira sa tuwing umaalis ang asawa. Madalas ay nagpapadala na lang ito ng pagkain sa taas.
"Diyos ko tulong!"
Napatakbo kaming lahat sa hagdanan nang marinig ang nanginginig na boses ng matanda.
"Ginang Marcela, ano po ang nangyayari diyan," malakas kong tanong.
"Tulong! Tulong!" Mangiyak-nginyak na sigaw ng matanda.
"Tingnan niyo na dali!" mariing utos ni Ginoong Fernando.
Halos takbuhin ko ang hagdan marating lamang ang itaas na bahagi nito. Ramdam ko na sumunod si Farah sa akin. Dinig ko ang hagulgol ng matanda habang papalapit ako sa kanila.
Tinumbok ko ang silid ni Ma'am Aira kung saan ko narinig ang sigaw ni Ginang Marcela. Hindi ko makuhang kumalma at matindi ang t***k ng puso ko.
Nang makarating ako sa silid ng mag-asawa ay tumambad sa akin ang duguang mukha ni Ma'am Aira. Hinang-hina at halos wala itong malay...