SA PENTHOUSE ni Simon ay umalingawngaw ang boses ng kaibigan niyang sina Aaron at Nic. Inaawitan siya nito ng birthday song ng dalawa dahil kaarawan niya.
"Happy birthday Boss Simon Monteverde, wishing you a girlfriend soon," sabay na bati nina Aaron at Nic.
Kasabay ng pagbati niya kay Simon ay ang pagbukas ng champagne. Winasiwas naman ni Aaron ang sumisirit na champagne mula sa bote.
"What the F-"
Malakas na bulala ni Somon nang masurpresa siya sa magiliw na pagbati ng dalawa. Hindi niya inaasahang may mga taong nakaalala sa kaarawan niya.
Ang dalawa ay ang kanan at kaliwang kamay niya sa pag-iimbistiga sa magiging target ng kanyang grupo. Iyon ang naging trabaho nila sa Amerika. Sila ang mga secret agent at ginagamit nila ang astig at badboy image upang ikubli ang tunay na pagkatao.
Sa kabila ng kanyang kasikatan sa larangan ng pagtatrabaho sa labas ng bansa ay pinaunlakan niya ang ama sa mga hiling nito. Bagay na nagugustuhan niya ring gawin. Hindi alam ng lahat ang nakatagong sekreto sa tunay niyang pagkatao.
Bukod sa kanyang pagiging agent ay lingid sa kaalaman ng lahat ang pamumuno niya sa isang pangkat na tinatawag nilang Three Guys or TG in short.
"Boss, wala man lang ba pagkain diyan? Nagugutom na ako, nagsisigaw na ang mga alaga ko sa tiyan," ani Aaron na hawak ang tiyan.
Sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan ay hindi naman siya naghahanda. Hindi niya gustong bigyan siya ng malaking celebration kahit pa man ay gusto ng kanyang ama.
"Heto ang pera, kayo na lang ni Nic ang magcelebrate. May sarili akong lakad ngayon," tugon niya dito.
Dinampot niya ang black jacket at sombrero. Handang-handa na siya sa sariling adventure sa ganitong kaarawan niya.
"Wow, ang astig ng porma! Saan ang lakad natin Boss? Mukhang may laban tayo ngayon ah, baka naman pwede kaming sumama?" tanong ni Nic.
Napaangat na lang ng tingin si Simon sa kanyang kaibigan. Ngunit sa isang iglap lang ay nakita niyang binatukan ni Aaron si Nic na nagpupumilit sumama sa lakad iya.
"Aray..."
Malakas na sigaw ni Nic. Tila nakakita siya ng isang daang libong bituin sa lakas ng paghampas ni Aaron. Hindi naman sadya ang mapalakas sa paghampas kay Nic.
"What's wrong with you?" galit na tanong ni Nic.
"Aba'y ako pa ang tinatanong mo. Alam mong hindi pwede, tinatanong mo pa."
Aso at pusa ang dalawa kung ituring kapag nagsasama, ngunit matapat at maasahan sila sa mga pinapagawa ni Simon.
"Nagbabakasakali lang naman. Palibhasa ang boring mong kasama," asik ni Nic.
"Hey... Hey... Kayong dalawa mas mabuti pang kumain na kayo sa malapit na restaurant. Alam kong epekto na 'yan ng gutom. Hala, magsilayas na kayo!" pataboy na wika ni Simon.
Hindi na napigilan ni Simon ang sarili at pinalayas ang dalawa. Alam niyang hindi natatapos ang bangayan ng dalawa. Sanay na rin siya sa mga ito ngunit ayaw niyang masira ang kayang araw.
Nagpaikot-ikot si Simon sa buong Makati at hindi niya alam kung saan tumambay at magpalipas ng oras. Gumagabi na rin at wala siyang maisip na gagawin.
Sa kanyang pag-iikot ay naagaw ng isang tao ang kanyang paningin. Napangiti siyang himinto sa isang hospital parking lot. Dito niya muling makakausap ang pinagka-interesang babae.
NAKATANAW si Clark sa labas ng hospital matapos niyang isugod si Aira na walang malay. Magagalit man siya ngunit wala naman siyang magawa. Iniisip niya kung paano maprotektahan si Aira gayong alam ng lahat ang ginawa ng asawa nito.
Iniwan niya si Farah na nagbabantay sa silid habang tulog pa si Aira. Hindi niya magawang tingnan ang mga pasa na natamo nito. Parang hinihiwa ang kanyang puso sa sakit.
Lumabas siya sa loob ng hospital para lumanghap ng sariwang hangin. Lalo lang siyang hindi makahinga kapag manatili sa loob ng silid ni Aira.
Sa kanyang pananatili sa labas ay isang kotse ang huminto sa tapat niya. Nagkataon namang bakante ang parking lot sa kanyang tapat.
Noong una ay hindi niya ito pinansin ngunit napatitig siya sa sasakyan na tila pamilyar sa kanya. Inaalala niya kong saan niya ito nakita.
Parang pinitik ang kanyang sintido nang madagdagan ang iniisip na bagay. Iniwas na lamang niya ang tingin at ayaw niyang dumagdag pa ito.
Hinihintay niyang bumalik dumating ang dalawang matanda na paparating din sa hospital.
"I need to do an action right now. Sa ayaw at gusto niya ay hindi ko na siya pababalikin ng mansion," mahinang usal ni Clark.
Nangangalit ang kanyang mga mata habang humihigpit ang kanyang hawak sa susi ng sasakyan. Halos ibato niya ito sa galit dahil hindi niya nagawang naprotekhan si Aira.
Sa kanyang malalim na pag-iisip ay lumapit ang isang lalaki sa kanya. Bagay na hindi niya napansin.
"Miss, may doktor ba dito?" tanong nito sa kanya.
Napatitig naman si Clark sa lalaki na na magara ang pananamit ngunit inosente kong magtanong.
"Malamang may doktor dito dahil nasa hospital ka," mataray na sagot ni Clark.
"Ang taray naman pero alam mo maganda ka. Gusto ko ang shape ng labi mo. Bibihira lang ako makakakita ng pahugis puso ang bibig ng isang babae," wika ng lalaki.
Napailig ng ulo si Clark na binalingan muli ang lalaki. Hindi niya alam kung nang-aasar ba ito o sadyang nagkukunwari lang.
"Heck... Ano ba ang kailangan mo? At huwag ang pagkatao ako ang pinupuna mo...bweset!"
Biglang napatigil si Clark nang mapagtanto ang lalaki.
"Ikaw na naman!" bulalas ni Clark na dinuro ang mukha nito.
"Bakit kilala mo ba ako?" pa-inosenteng tanong ng lalaki.
"Hoy... Ikaw huwag ka magkunwari diyan. Hinding-hindi ko nakakalimutan ang unang pagkikita natin kaya tumigil ka na bago ako magalit. Tantanan mo ako ha kung ayaw mong tamaan ka ng kamao ko," may pananakot na asik ni Clark.
"Aba'y ewan ko diyan sa sinasabi mo, gusto ko lang naman magpapatingin sa doktor dahil sumasakit ang dibdib ko," paawang sagot nito.
"E 'di pumusok ka sa loob at hanapin mo ang doktor para sa cardiology, huwag sa akin dahil nasakit ang ulo ko sayo. Hindi ko kayang gamutin' yang sakit mo!"
"Ito naman nagtatanong lang di ba?" kalmadong tugon ng lalaki.
Napasapo ng noo si Clark at tila minamalas siya. Dumagdag pa itong mokong lalaki na nagpasakit lalo ng kanyang ulo.
"Doon ka magtanong sa information desk nila, huwag sa akin!"
Turo ni Clark ang information desk na nasa b****a lamang ng pinto. Hindi na niya muling tiningnan ang lalaki para magkaroon siya ng katahimikan.
Ang inakala niya ay umalis na ang lalaki sa kanyang tabi nang matahimik ito. Pero muling nagsalita ang lalaki matapos ang ilang minuto nitong pananahimik.
"Miss, pwede bang ikaw na lang ang titingin sa akin?"
Naglalagablag sa galit ang mata ni Clark na binalingan ang lalaking nagmamakaawa sa kanya. Hindi na niya alam kung paano kausapin ito o tatalikuran na lamang niya ito.