KINABUKASAN, maaga akong nagising sa hindi malamang dahilan. Madalas ay hindi ganito ang araw ko kapag gumigising sa umaga. Alas kwatro pa lang ng umaga at tila nauuhaw ako kaya minabuti kong bumaba at maghanap ng maiinom. Ang tahimik ng buong mansion at wala pang mga kasambahay na gising. Nagbukas ako sa refrigerator at naghanap ng kahit anong malamig para mapawi ang pagka-uhaw ko. Ngunit nang makita ko ang fresh milk ay naalala ko si Aira. Kahalintulad ang brand na madalas niyang iniinom noon. It's been a month nang magpasya siyang bumalik sa Amerika para kalimutan abg pangyayari na naganap sa kanyang buhay. Mapakla akong napangiti dahil hindi man lang kami itinadhana. Sana makatagpo siya ng lalaking magmamahal sa kanya. Nahagip ng mata ko ang isang yogurt drink na may strawberry flav

