NAHIMASMASAN ako matapos ang halos isang oras kong pagsusuka sa banyo nang umagang iyon. Ganoon na lang ang pag-alala nila sa akin. Nakatulong rin ang maligamgam na tubig upang mapawi ang pangangasim ng sikmura ko. Ayan tuloy ang inabot ko sa katakawan ng yogurt. Putlang-putla pa rin ako ngunit maayos na ang pakiramdam. Magpapahinga na lang ako pagkatapos naming mag-usap ni Daddy. "Wify, doon ka muna sa sala habang inaantay si Daddy at patapos na rin ang pagluluto namin ni Manang," ani Simon na siyang umalalay sa amin sa banyo. "Sige," maikli kong tugon. Sumang-ayon ako sa kanya dahil na rin sa nag-hahalong amoy ng pagkaing niluluto sa kusina. Kahit nanlalambot pa ay marahan akong nagtungo sa sala upang hintayin ang lahat. Pwede ko namang ipagpaliban ito ngunit mas mainam na ma

