BUONG magdamag na natulog si Clarisa matapos siyang mabusog ng hapunan. Ngunit sa pagsapit ng madaling araw ay nagising siya sa kalam ng kanyang sikmura. Pangangasim at nahihilo at sinasabayan ng gutom. Bumaba siya sa kusina upang maghanap ng makakain. Ngayon lamang siya nagtataka sa ganitong sitwasyon sa buong buhay niya. Matapos niyang lantakan ang sandwich na nakita sa refrigerator ay kaagad naman siyang bumalik sa kanyang sild upang muli ay magpahinga Ngunit sa kanyang inakalang makakatulog na siya pagkatapos mabusog ay isinuka niya ito. Sinikap niyang maibsan iyon sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig. Natatandaan niya ang ginawa ni Manang Lita nang minsan na siyang nagsuka. Lupaypay siyang nahiga sa kama. Sa muli ay tila binawian siya ng lakas ng umagang iyon. Pinilit niyang bum

