Chapter 31

4017 Words
LAKAS-LOOB akong pumunta sa mansion nang maghiwalay kami ni Bea. Hindi ko magawang pigilan ang sarili na harapin ang mga taong nakasama ko sa matagal na panahon. Ano pa man ang isipin ng lahat ay nangyari na. Hindi rin naman nila masisi ang tulad ko "Ginang Marcela! Ginang Marcela!" malakas kong tawag sa matanda. Nasa labas ito ng mansion nang dumating ako. Ngunit bigla namang lumabas si Farah sa gate. Napatingin naman sila sa akin na gulat ang mukha sa 'di inaasahang pagkakataong magkita kami. Kalmado naman ako at walang takot o hiyang hinarap ang dalawa. Nalulungkot naman ako sa kabilang banda dahil tuluyan ko na silang iiwan. "Kuya Clark kumusta ka na?" sabik na tanong ni Farah. "Clarisa, halika sa loob at mag-usap tayo!" kaway ng matanda. Ngumiti ako at sumunod sa kanila sa loob. Hindi ko naman kailangan matakot dahil wala na ang amo naming dragon. Kung nandito lang si Aira ay masasabi ko ang saloobin sa kanya. Sobra akong nasaktan na binaliwala niya pagkatapos kong mahalin at alagaan siya. "Ano nga pala ang nangyari sayo at nawala ka ng halos tatlong linggo? Sobra kaming nag-alala sayo nang malaman ni Joem na sayo sumama si Ma'am Aira." "Mahabang paliwanag Ginang Marcela. Ngunit naririto ako para pormal na magpaalam sa inyo," malungkot kong saad. "Ano? Ulitin mo nga ang sinabi mo Kuya? Hindi ka ba nagjo-joke lang sa amin?" gulat na wika ni Farah. "Tange! Bakit naman ako magbibiro gayong seryoso ang usapan. Totoo ang sinabi ko kaya mamimis ko talaga kayong lahat." "Ang daya mo namam e! Mang-iiwan ka na lang sa amin bigla!" Napanguso sa pagkadismaya si Farah dahil na rin sa turingan namin na isang pamilya. Ngunit may mga kanya-kanya kaming buhay na tatahakin. "Sana maunawaan niyo. Hindi na rin ako maaaring magtrabaho dito dahil sa kasalanan ko sa amo natin. Galit iyon kaya hanggang dito na lang ang ating pagsasama." Tumalikod naman si Farah na walang paalam. Nagkibit-balikat na lang ako sa matanda. "Hayaan mo na lang siya at nalulungkot lang iyon. Siya nga pala, bago umalis sina Joem at Ma'am Aira ay nagpasabi ito na na kapag makita kita ay sasabihin ko sayo na humihingi siya ng kapatawaran sa lahat," saad ni Ginang Marcela. Mapakla na lang akong ngumiti kahit parang hinihiwa ng sakit ang puso ko. Ngunit sa aming pag-usap ay may sasakyan na dumating. Dinungaw namin iyon para tingnan. Ang kotse pala na minamaneho ko ang dumating. Nagtaka ako kung sino ang nagdadrive no'n. "Oo nga pala, kumuha na ng bagong driver si sir Joem bilang kapalit mo," wika ni Ginang Marcela. Napatango na lang ako dahil wala naman akong karapatan na maghabol pa. Sa dinami-dami na magaganap sa buhay ko ay ang pag-ibig ko pa ang sinubok. "Bakit ba kasi tumibok ito sa maling tao?" inis na tanong sa isipan ko. Pumasok sa loob ng bahay si Ginoong Fernando at inilapag ang dala niyang bag. Nagulat pa ito nang makita kaming nag-uusap ni Ginang Marcela sa sala. "Clark, mabuti at bumalik ka. Mababawasan na rin ang pag-alala namin," anito na umupo sa bakanteng sofa sa harap. Si Ginoong Fernando ay hindi na rin iba sa akin mula nang mapadpad ako dito. Itinuro niya sa akin ang mga dapat gawin sa mansion lalong-lalo na ang pag-aalaga ng mga sasakyan. Nawalay man ako kay Daddy noon ngunit siya ang nakita kong may mabuting puso na ama sa buong mundo. Gamay ko na rin ang pag-uugali nila at ito ang bagay na hinding-hindi ko makakalimutan. "Opo, Ginoong Fernando. Magpapaalam na kasi ako sa inyo. Salamat pala sa inyong mag-asawa sa pagiging mabuting tao sa akin. Kapag kailangan niyo ng tulong ay tawagan niyo lamang ako sa numero at handa akong tumulong," saad ko. "Salamat, ngunit ikinalungkot ko ang nangyari sayo. Magpatuloy ka lang sa buhay at huwag mawalan ng pag-asa," ani nito. Pasimple akong nagtanong sa kanila kung wala bang sinabi sa si Joem at Aira, kung kailan ang balik ng mga iyon dito sa bansa. "Ahm... Ginang Marcela may sinabi ba ang mag-asawa kung kailan babalik dito sa bansa?" Napailing naman si Ginoong Fernando kahit hindi siya ang tinatanong ko. "Ay, naku wala e, basta na lang nag-alsa balutan ang mag-asawa kahit ang dami nitong aayusin sa opisina," sagot ng matanda. "Ah ganon po ba? Hindi bale at hindi na rin ako magtatagal!" Tumayo na ako para magpaalam sa huling sandali. "Sige mag-inga ka palagi!" Hinanap ko muna si Farah bago umalis ng mansion. Pinaintindi ko sa kanya ang lahat para maluwag sa kanyang kalooban ang lahat. UMUWI ako sa bahay namin kahit nariyan si Daddy na mangungulit sa akin na mag-asawa ng lalaki. Ngunit nagmamatigas pa rin ako dahil mahal ko pa rin si Aira. "Hey! Halika at patakbuhin natin ang kabayo ng mabilis para mas masanay tayo sa pangangabayo, " Mariing anyaya ni Ayana habang dahan-dahan niyang kinakalampag ang likurang bahagi ng kabayo. Nakatingin lamang ako na papalayo si Ayana. Lutang pa rin ang isipan ko habang nakasakay sa kabayo. Kasalukuyan kaming nag-hoarse back riding para malibang habang namamasyal. Ngunit huminto ako sa kalagitnaan nang makita ang grupo ng mga ganza na paali-aligid sa amin. Itinali ko sa isang puno ang kabayo at nagkubli sa mga puno. Malamang ay sinusundan ako ng mga ganza na ito. Ang hindi ko alintana ay ang matagal na pagkubli dito. Sinisilip ko ang grupo ni Simon kung naroon pa rin sa lugar kung saan ko sila nakita. "Holy sh't!" impit kong mura nang gulatin ni Ayana. Humalakhak lamang ito na kay sarap ng kanyang tawa. Naalala ko tuloy si Aira kapag pinapatawa ko. "Bakit ka ba nagtatago dito?" "Kasi... Ang mga ganza nangingitlog na!" Dahil sa lutang pa rin ako ay kung anu-ano na lang ang nababanggit ko. "Saan? Kunin natin ang itlog at magpiknik doon sa burol," aniya na walang alam sa tunay na kahulugan ng sinabi ko. Natawa na rin ako sa tagpo naming dalawa. Ang mga ganza na iyon ay may mga itlog rin ngunit hindi pwedeng ilaga o kaya ay e, prito dahil hilaw lang daw ang masarap do'n... yaks. Lalo namang nakitawa si Ayana na pinagmasdan ako. Siya ang pumalit sa pagkawala ni Aira. I'm not certain sure kong iibig pa ba ako sa iba lalo at mahal ko pa rin si Aira. Well nasa move on process pa lang naman ako sa ngayon kaya mahiral sabihin. Napagpasyahan naming doon na lang sa burol mananatili lalo at nasa paligid lang ang mga ganzam Patuloy akong nagmamasid sa malawak ng siyudad nang sumigaw si Ayana. "Hayop ka sinamantala mo ang pagiging inosente ko. Akala ko makakatagpo na ako ng true Prince ng buhay ko. Lamunin ka sana ng lupa!" Napatakip ako ng bibig sa narinig. Kumpirmado nga'ng niloko ito ng boyfriend niya. Ngunit mas nilakasan pa niya ang pagsigaw. Tila nilalabas niya ang sama ng loob sa hangin para tangayin ito. Napaigtad na lang ako nang hilain niya patayo. "Try to do it nakakagaan siya ng pakiramdam," pang-udyok pa niya. "Really?" "Subukan mo na kasi para alam mo!" Napilitan naman ako sa gusto niyang mangyari kaya sinubukan ko na. "Hoy... Ganza tigilan mo na ako! Ayaw ko sa itlog niyo at baka ma-high blood ako. Mataas pa naman ang kolesterol ng itlog niyo..." "Ano ba iyon?" pagtataka na tanong ni Ayana. "Kasi naman sa inis ko ay iyon ang nasabi ko." Bahagya pa akong natawa sa isinigaw. Nakakainis na kasi ang pabuntot ng mga ito sa akin lalo na ang mga guards ni Daddy. Alam naman ni Ayana na tumatakas ako sa mga iyon kaya nga perfect ang burol kasi kami lang ang naroon. "Hays, naman! Isigaw mo ang bagay na nakakasakit sayo. Iyong bagay na nabigo ka, gano’n." Nagmamaktol pa siya na tinuruan ako dahil gusto niyang ipadama sa akin ang kakaibang pakiramdam na mailabas ang sama ng loob. "Okay, I'll do it again!" Pumuwesto na ako at buong lakas kong sinigaw ang lahat. May bahid man ng pagka-better pero dala na rin iyon sa pagkabigo. Matapos kong maisigaw ay napaupo ako sa damuhan na tumulo ang luha. Mahina akong humikbi at ngayon ko lang inilabas ang lahat. "Okay lang 'yan! Hindi ka nag-iisa, tulungan na lang natin ang isa't isa na maghilom ang mga sugat sa puso natin," ani Ayana. In her soft ang gentle voice ay tila hinawi niya ang nararamdaman ko. Siguro nga ay pinagtagpo kami ng pagkakataon na parehong bigo para tulungan ang sarili. "Salamat!" "Halika sabay nating isigaw na kaya natin. Na bukas wala na tayong iindahing sakit sa dibdib. We need to look forward kahit wala na sila sa buhay natin!" Tumayo na ako at sinabayan siya. Hindi ko napigilan ang sarili at nilasap na lang ang magandang tanawin matapos naming isumpa sa kawalan ang nais mabago sa darating na bukas. Sa mansion naman ay nagsisigaw si Don Clavio nang dumating ang mga tauhan na wala ang anak. Pati ang tatlong magkaibigan ay bumalik rin na walang alam sa lugar na pinupuntahan ni Clarisa. "I'm sorry, Tito, talang may pagkahunyango yata itong si Clarisa at bigla na lang nawawala sa paningin namin," wika naman ni Simon. Napahilot ng sintido si Clavio sa kalokohan ng anak. Imbes na magkalapit sila ni Simon ay lalo lamang itong napapalayo. "I have a plan but for now, dumito ka na muna sa bahay tumira. Mas maiging abot kamay mo siya total uuwi din naman iyon mamaya pagsapit ng dilim," saad ni Clavio. "Yes Tito, I will not refuse that!" "Boss, hintayin nalang namin sa b****a ng farm at sa palagay ko ay doon iyon dadaan," wika ng isang guard. "Okay go ahead!" Akma na sanang umalis ang mga tauhan nito nang sumigaw ang isa sa mga bantay sa labas ng gate. "Si Ma'am Clarisa, paparating na!" Natitiyak ni Don Clavio na magbabangayan na naman sila uli ng anak kaya hinanda niya ang sarili. "Anong mayroon dito?" tanong ni Clarisa sa mga nag-uumpukang tauhan. Inisa-isa niyang tiningnan ang mga ito. Tumaas ang kilay niya niya nang masilayan si Simon at ang mga kaibigan. "Oh' look who's here? Three goose's with pairs of eggs hanging inside their pants," panunudyong wika ni Clarisa. "What?" sabay na tanong ng tatlo. Nakangiwi pa ito na humarap sa mga bodyguards sabay kindat sa mga ito. May iilan ang nakaintindi sa kanyang sinabi kaya naman mahinang humagikhik ang iilan. "Ay ang bingi pa," mahinang sambit niya. "Clarisa!" "Yes Dad!" Nagpipigil ng emosyon si Don Clavio na tiningnan ang kapilyuhan ng anak. Iniisip niya na baka mas matindi pa itong pasaway kung naging lalaki lang. "Wait, saan ka galing?" "Diyan lang po sa tabi-tabi!" "Hindi ka nakita ng mga bantay mo, paano mo masasabi na nasa tabi-tabi ka lang?" Napapakamot ng ulo si Clarisa dahil magsisimula na naman sila ng kanyang ama. "Dad naman magsisimula na naman ba tayo? Aakyat na ako sa taas at hahamunin ko ng inuman ang tatlong ganza... este guy's pala!" Pagpasok niya ng kwarto ay nahiga siya imbes na maglinis ng katawan. Hinayaan ang sarili na magmumuni-muni ng sadali. Habang nakahiga ay naisipan niyang magtungo sa swimming pool para doon magpalipas ng oras. Katulad ng mga nagdaang gabi ay nagpupunta siya bago matulog para mailabas ang init ng katawan. Tanging ito lamang ang nagbibigay sa kanya ng kaunting kapayapaan sa pag-iisip. Nang marating niya ang swimming pool ay nanlaki ang kanyang mga mata. Isang magandang babae ang naliligo roon. Nagkubli siya sa likod ng poste at pinagmasdan ang magandang babae. May mahabang buhok, makinis ang balat at magandang balingkinitan na hubog ng katawan. Hindi niya alam kung diwata ba ito o nananaginip siya. Kinusot-kusot niya ang mga mata sa pag-akalang namamalik-mata lamang siya. Kumurap-kurap pa siya ng tatlong beses para kumpirmahin na totoo ang kanyang nakikita. Hindi alam ni Clarisa kung paano nakapasok ang babae sa kanilang mansion. Wala rin siyang alam na may bisita ang ama. Lumapit pa siya ng bahagya rito para sulyapan ng maigi ang babae. Nagkubli siya sa halamanan at doon ay mas magulat siya sa nakita "Is she that?" tanong ni Clarisa sa sarili. "Aira?" Puno ng pagtataka niyang pinagmasdan ang nakitang babae na si Aira na nasa pool. Kinabog siya ng kaba kasabay niyon ay ang pananabik na mayakap ang kasintahan. Nang magkaroon siya ng lakas ay lumapit siya rito. Ito ang pagkakataon niyang makausap ang kasintahan na iniwan siya sa ere. "Damn it Aira! You're the only woman who made me feel like this?" Hindi niya alam ang sariling nararamdaman. Ngayon lamang niya napagtanto na talagang may ganoon siyang pakiramdam kahit makailang beses na niya itong nakasama sa pagtulog. "Aira!" mahinang sambit niya rito. Kasalukuyang nakatalikod sa kanya ang babae. Lumapit pa siya sa gilid ng pool para kausapit ito. "Aira, paano ka napunta sa bahay namin?" Marahan namang lumingon sa kanya ang babaeng tinatawag. Ngunit nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang mukha nito. "Simon?! Hinaklit siya nito sa braso dahilan nang pagkahulog niya sa tubig. Nagkukumahob siyang makaakyat sa ibabaw ng pool dahil pakiramdam niya ay nalulunod na siya. "L!nt!k ka talagang ganza ka at mamapatay kita!" galit niyang sigaw. Ngunit imbes na makaahon sa tubig ay tila hinihila siya pababa ng pool. Sinikap niyang paglabanan iyon kahit hindi na siya makahinga. Bumalikwas siya at doon ay tila binabayo ang kanyang dibdib sa lakas ng t***k nito. Iginala niya ang paningin at natagpuan ang sarili sa kanyang kwarto. "It's just a dream!" Sinulyapan niya ang orasan sa dingding at doon lamang nagulat na makitang alas otso y media na ng gabi. Napasarap yata ang idlip na hindi naman niya sinasadya. Bumangon na lang siya at inayos ang sarili. Siguradong magtatawag na ang mga iyon para sa kanilang hapunan. Nakasimangot siyang bumaba dahil sa panaginip. Ang kinaiinisan niyang ganza ay pumasok pa sa panaginip niya. Kahit man lang sa panaginip ay pinagkait pa sa kanya na makasama si Aira. Sa kusina ang kanyang deretso. But amusement was all over in her eyes. Hinaplos niya ang ang batok na sa huli ay makikita niya mismo sa kusina ang taong pilit niyang iniiwasan. "Are you hungry?" tanong nito sa kanya. Tahimik lamang na nakinig sa kanila si Manang Lita, habang tinutulungan nito si na nagluluto si Simon. "Nope, I don't like your eggs!" tahasan niyang tugon. "Why do you always says eggs? By the way I'm not cooking eggs for you. Try my best steak in town by Simon," anito. "Whoa! Really huh! Sorry to say that I'm on diet." Kahit nagugutom man siya ay mas minabuti niyang tanggihan ang pagkaing niluto sa kanya ni Simon. "Please, Clarisa samahan mo kaming magdinner kahit ayaw mo sa luto ko," pakiusap naman ni Simon. Tumingin sa kanya si Manang Lita at tumango sa ito biglang hudyat na sang-ayunan niya ang pakiusap ni Simon. "Alright, you win!" "Yes," mahinang sambit ni Simon. Napatingin si Clarisa sa suot na relos sabay binalingan ng tingin si Manang Lita. "Manang anong oras ang dinner?" "Palagay ko mamamya pa pagkatapos ng online meeting ng Daddy mo," sagot ng matanda. "Okay, sandali lang at susunduin ko ang kaibigan para dito maghapunan bilang kapalit ko sa pagkain na niluluto ni Simon," paalam ni Clarisa. "Huh, baka mamaya kung saan ka na naman pupunta!" "Promise, babalik ako kaagad bago pa man matapos si Daddy," giit pa niya sa matanda. Nagmadali siyang umalis at wala namang nagawa ang matanda kundi ang tingnan na lang ito papalayo. Nakahanda na ang hapag-kainan at hinihintay na lang ang paglabas ni Don Clavio sa mini office nito. Nag-alala namang nakatanaw sa pintuan si Manang Lita nang hindi pa bumabalik si Clarisa. "Manang Lita, tawagin mo na si Clarisa para makapaghapunan na tayo!" utos ni Don Clavio. Halos hindi naman makasagot ang matanda dahil hindi nito nasabi na umalis ang alaga. "A-ahh-" Nagulat na lang sila nang bumukas ang pinto. Bumungad naman si Clarisa mula sa labas. "Where have you been?" pagtatakang tanong ni Don Clavio. "Dad, I fetch my friend. Naisipan kung ipakilala sayo kaya sinundo ko siya para maiharap sayo." Bahagya niyang hinila ang babaeng nakakubli sa kanyang likod. Tumaas naman ang kaliwang kilay ni Don Clavio nang makita ang isang magandang babae. "Magandang gabi po Don Clavio," bati naman ni Ayana. Tinanguan lamang ito ng Don ngunit hindi pa rin siya handa sa biglaang bisita ang dinala ni Clarisa sa kanilang tahanan. "Dad, meet my friend Ayana Santillan!" "You are welcome here Dear, so come and join us!" anyaya naman ng Don. "Salamat po Don Clavio!" nakangiting tugon ni Ayana. Natuwa naman si Clarisa dahil hindi makaalma ang ama. Kapag sila lang ay natitiyak niyang magbabangayan sila kahit sa kaunting bagay lang. Habang kumakain sila ay hindi mapigilan ni Don Clavio na usisain ang kaibigan ni Clarisa. "Matagal ka na bang kaibigan ng anak ko?" "Opo," mabilisang sambit nito. "Taga-rito ka sa Baguio?" "Ang tiyahin ko lang po pero tuwing bakasyon ay dito ako nagpapalipas," sagot naman ni Ayana. "Oh' I see! Hindi ko alam na may kaibigan pala itong anak ko na taga-rito lang!" Hindi kumbinsido ang Don sa mga sagot ni Ayana. Kilala niya ang anak noong kabataan pa kaya malaking katanungan para sa Don ang biglaang pagsulpot ni Ayana sa buhay ng anak. "Huwag kang mahiya sa amin lalo na sa mga lalaking nadito sa hapag-kainan. Mga bisita ko rin sina Simon, Aaron at Nic, kaya enjoy lang kayo," magiliw naman na wika ni Don Clavio. "Thank you po!" Maayos naman ang pag-asikaso at pakikipag-usap ng Don sa mga bisita nito. Bagay naman na sinamantala ni Clarisa habang nasa mood ang ama. PAGKATAPOS naming maghapunan ay kaagad kong hinatid si Ayana sa kanila. Hindi na ako nagpakita kay Simon ang hapunan namin. Kinausap ko si Manang Lita na siya na lang ang magpaliwanag kay Daddy kapag hinanap ako. Nagdala ako ng wine sa kwarto at doon sa veranda ako nagpalipas ng oras. Naisipan kong kumuha ng ice cube sa baba. Akma akong bababa nang makasalubong ko si Manang Lita. Buhat-buhat niya ang isang karton. Agad ko namang tinulungan ang matanda at nagpresenta na ako na lang ang magbuhat at dalhin kung saan man niya ito ilagay. "Akin na iyan Manang at ako na ang magbuhat. Dapat nagpatulong ka na lang sa mga lalaki rito sa mansion para hindi ka na mahirapan pa." Pagkasabi ko ay agad kong kinuha sa kanya ang malaking karton. "Naku, ayos lang naman Clarisa at hindi naman ganoon kabigat," aniya. "Saan ba ito ilagay?" "Paki lagay na lang yan sa basement," tugon niya na hawak-hawak ang balakang. "Oh ayan! Baka sumakit na ang iyong balakang," nag-alala kong sabi. "Ah wala ito, palatandaan na tumatanda na nga ako," nakangiti niyang tugon. Napangiti naman ako sa kanyang sinabi. Inamin niya talaga na tumatanda na nga siya. "Nasaan nga pala si Daddy?" "Nasa taas at may kausap sa phone," sagot niya. "Ihatid ko ito sa basement at magpahinga ka na Manang. Iwanan mo na lang sa iba ang ang natitirang gawain," utos ko. Agad naman sinunod ng matanda ang utos ko. Nagmadali akong naglalakad patungong basement para makabalik na sa kwarto. Balak kong basahin ang isang story book na binigay ng akin ni Ayana habang tumutungga ng wine. Isang libro na pamagat pa lang nakaka-excite na basahin. Mabuti at hindi nangulit ang mga ganza ngayon. Kapag hindi sila sumunod sa akin ay magkakaalaman talaga kami. Hindi ko mapigilan ang sarili na mapakanta habang naglalakad patungong basement. Nakaugalian ko na kasing gawin ang kumanta kapag masaya. Nang marating ko ang basement ay halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang isang boses sa likuran. "What a nice voice," he said. Bigla ko naman nabitawan ang karton nang marinig ko ang boses na pamilyar sa akin. Agad ko siyang nilingon at nanlaki ang aking mga mata nang makita siya. Sinundan niya ako dito sa basement nang hindi ko man lang napansin. “Bakit nandito ka?” mataray kong tanong. “Sinadya kong sundan ka dahil napapansin ko umiiwas ka na sa akin." “Ano ba ang gusto mo makipaglandian ako sayo?” naiinis kong tanong. “Gusto ko lang makipagkaibigan sayo at isa pa hindi mo na kailangang landiin ako dahil I’m already fallen for you,” nakangisi niyang tugon. Ayan na naman at nagsisimula siyang manudyo sa akin at hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo. Hindi naman nakakakilig ang sinabi niya. "Eww... Yacky!" Nakangiwi akong tumalikod sa kanya. Halos maduwal ako sa mga litanya niya. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na hindi tayo pwedeng maging eww... sa isa’t isa. Kung nandito ka para asarin ako, maaari bang lubayan mo ako!” iritado kong pataboy sa kanya. Binalingan ko siya ng matatalim na tingin dahil hindi ko na nagugustuhan ang kanyang pakikipaglapit sa akin. Hindi porket anak siya ng kaibigan ni Daddy ay bibigay na ako. “Please! Please...Clarisa huwag kang umiwas sa akin,” pagmamakaawa niya. “No! Hindi pwede ang gusto mo!” mariin kong tanggi. Mangyayari lamang iyan kapag bumaliktad ang mundo. O kaya magsuot siya ng saya baka magustuhan ko pa siya. “Why?” “Hindi ko na kailangang magpaliwanag sayo Simon,” kalmado kong tugon. “Hindi kita titigilan hangga’t hindi mo sinasabi sa akin.” Humarang siya sa harapan ko na tila bang ayaw akong padaanin. Seryoso niya akong tinitigan na halos hubaran ako ng kanyang mga titig. Gandang-ganda talaga ako sa paningin nitong mokong ito. “Huwag mong ipagpilitan ang bagay na hindi dapat para sa atin. Pareho tayong bagay na gusto kaya pwede ba tigilan mo na ako. Magsisisi ka talaga kapag tinamaan ka ng kidlat. Hindi mo ba alam na mayroon akong sumpa kaya hinay-hinay lang," pananakot ko pa. “Iyan ba ang dahilan mo? Dahil ako tomboy ka at babae rin ang gusto mo? Babae ka pa rin kahit magunaw pa ang mundo. Isip mo lang na lalaki ka pero ang totoo may matres ka na pwedeng magbuntis at manganak," gigil niyang sabi. “Tama na! Baka hindi mo pa nasubukan ang isang tulad ko. Natitiyak kong hinding-hindi mo talaga makakalimutan. Mangyayari lamang ang gusto mo kapag nakasuot ka na ng saya," mungkahi ko pa. "Ano? Gusto maging bading ako bago mo tatanggapin ang pag-ibig ko?" "Aba'y kung gagawin mo baka magbago pa ang pagtingin ko sayo." "Paano paggising mo isang araw ay ganoon na ang anyo ko hindi ka na ba lalayo sa akin?" "I don't know, maybe!" kibit-balikat kong tugon. “Wait, there is no assurance kahit pa na gawin ko pa iyon!” he said. Naiinis na ako sa katangahan nito. Mayaman nga ngunit madaling mauuto. Sino ba naman ang lalaki na papayag na maging bading sa utos ng isang tao lang. “Pwede ba bitawan mo ako!” singhal ko sa kanya. Akala ko ay may gagawin siya sa akin nang hablutin niya ang braso ko. Ngunit lumuhod siya sa harapan ko. Napabuga ako ng marahas na hininga ngunit may pumukaw sa aking pansin nang makita ang malaking daga. Papalapit na ito sa amin kaya umaksyon na ako kaagad. Agad akong naka-isip ng isang bagay. Titingnan ko kung tunay pa siyang lalaki. Laki siyang states kaya paniguradong matatakutin ito kahit sa maliit ng hayop. "Simon, takot ka pa sa mga wild animals o sa akin?" tanong ko. "Hindi, pero depende rin sa hayop!" "Kasi... Kasi may daga!" Kumaripas ako ng takbo at iniwan ito sa basement. Ngunit napatigil ako sa pagtatakbo nang marinig ang malakas na kalabog sa pagtakbo ni Simon. Malakas pa sa akin ang tili nito. Hindi ko mapigilan ang mapahalakhak ng malakas. Takot pala sa daga ang loko-loko. "Hoy... Anong nangyayari rito?" Nabulabog ang masarap sana pa pagpahinga ni Manang Lita sa ingay ni Simon. "E kasi itong si Simon sinundan pala ako sa basement. Ayon nakakita ng daga kaya kumaripas ng takbo!" natatawa ko pang kwento. "Sshh... Tama ma iyan. Ang mabuti pa ay pumasok ka na sa iyong silid at baka makita ka pa ng iyong ama diyan at ipagahasa sa lalaking iyon," pananakot pa sa akin ni manang. "Hmm... Takot nga sa daga sa akin pa kaya. Baka isang suntok ko lang do'n!" Natatawa at nakanguso akong papunta sa kusina para kumuha ng ice cubes at dalhin sa kwarto. Naudlot tuloy ang pag-iisa ko sa veranda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD