Chapter 32

3204 Words
2 YEARS LATER Walang nagbago na nakagawian ko. Madalas kaming magkasama ni Ayana sa hirap at saya ng aning araw. Kahit pa na strikto si Daddy ay natatakasan ko pa rin ang mga tao niya. Doon ako magaling sa deskarte. Minsan nag-ala pusa na ako sa kakatago sa mga ito. A pretty quiet 2 years been past at hindi pa rin nagbabago ang naging routine sa buhay ko. Minsan masaya, minsan magulo. Kadalasan nagtatalo kami ni Daddy. There is no perfect days sa aming relasyon. He was busy as always at ganoon na rin ako. I found a perfect person na karamay ko sa lahat ng pagkakataon. Ayana been closer to me at natagpuan namin ang sarili na magkasamang masaya like sisters. No commitment for now but actually I'm fallen in love with her. Siya na ang tumulong sa akin para maka-usad. We travel sometimes ngunit hindi naman kami nagtatagal. Ang bilis rin ng dalawang taon at halos hindi ko iyon namalayan. Parang kailan lang at patuloy pa rin si Simon sa panliligaw sa akin. Madalas ay niloloko ko lang siya kapag may bagay akong nais gawin. "Ang tahimik mo may problema ba?" tanong ni Ayana. Paluwas kaming Maynila para dumalo ng isang event na inatas sa akin ni Daddy since hindi siya makapunta due to health reason. "Nothing. Just can't believe that in past 2 years ay magkakasama pa rin tayo." "Oo nga, maalala ko pa noon na pareho tayong bigo sa pag-ibig at ngayon natutunan nating maging matured sa lahat ng aspeto!" "Yeah, at masaya na tayo sa buhay kahit ganito lang 'di ba?" "True," sambit niya. Nang makarating kami sa Maynila ay tumuloy kami sa hotel na aming tutuluyan. Bukas na naman event na aming dadaluhan kaya makapagpasyal pa kami sa gabi. Nagpasya na kaming mag Mall ng hapon na iyon. Nauna akong lumabas ng hotel para doon sa lobby hintayin si Ayana. Ganoon palagi ang ginagawa ko kapag nasa Maynila kami. Parang agila na nakasuot ng salamin at naghahanting ng mga magaganda sexy ladies. Marami kasing sexy celebrities ang tumatambay sa lobby ng magarang hotel na ito kaya aliw na aliw akong makita sila. Kahit sa ganokbg bagay na lang ay ayos na ako do'n. Hanggang tingin lang naman ah at walang malisyang ginagawa. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay pinagtagpo ang aming landas ng babaeng inakala ko pa ay isang artista. She was wearing a black fitted silky jeans at white spaghetti straps blouse at kupas na maong na jacket. Blonde straight hair with the red lipstick. I shocked but my heart beats so fast. It was easy to understand that I still love her. I already move forward after 2 years but my heary beats easily to het. Damn this heart. Ipapatanggal ko na kaya ito para magkaroon na ako ng kapayapaan sa mundo. We stared each other but I get pain from those stared. Tila ba binabalik ako sa panahong nagdadalamhati noong iniwan niya. Noong panahon na siya saba ang kailangan ko habang nagpapagaling sa hospital. Nawala pa ang alaala ko sa dahil kanya na sana hindi ko na ninanais pa na bumalik dahil sakit lang pala ang idinulot. Lumapit siya sa akin. Nanatiling kalmado lamang akong nakaupo habang papalapit siya. Tila nagpapatintero naman ang kalabog sa puso ko sa sobrang lakas ng t***k nito. "Bakit kung saang nakalimot ka na ay bigla na naman nagpakita para ano?" tanong sa aking isipan. Nalilito ako sa nararamdaman para sa kanya. Lalo lamang gumulo ang lahat sa buhay ko. Ano naman kaya ang magaganap gayong nagpakita siya sa akin. "Hi, may I join you?" pormal niyang tanong. "Sorry, baka kasi may magagalit kapag nakita niya tayong dalawa," paninigurado ko pa. "Clark, please let me explain everything! Hayaan mo akong ipagtapat sayo ang dahilan ng paglayo ko!" She beg. Hindi naman ako ganoon kasama para hindi siya pagbigyan sa nais. Siguro panahon na para tuluyang matapos at maisara na ang aming kabanata. It's like a book na isasara kapag tapos ng basahin. Ngunit kakasimula pa lang namin noon natapos na agad kaya ganoon na lang ang panghihinayang ko. Pumasok kami sa isang coffee shop sa lobby ng mall. Pareho kaming nagkailangan na dalawa. Nagpa-gentleman pa rin ako kahit may masakit kaming nakaraan na dalawa. Pinaghila siya ng upuan like a princess. Nagawa ko iyon na kalmadong kahit pasmado ang mga kamay. "Kumusta ka na matapos mo akong iwanan sa ere?" "Sorry, Clark! I know how much painful to you but because I love you I sacrifice. Leaving you without any explanation is not easy for me." "But you did. You broke my heart into thousand time at ngayon nagpakita ka sa akin ng gano’n na lang!" There was anger in my tone but I managed myself to make it calm. "Yes I did it but because I love you. I wanted you to be free from Joem's gripped. Sumama ako sa kanya para makipag-divorce doon. We know na walang kakayahan sa ating bansa ang ganoong bagay kaya iyon ang malalim kong dahilan para tuluyang malaya sa kanya. I'm speechless after all. Lalong gumulo ang puso at utak ko. Pero may takot ako sa satili na masaktan uli. Sa aming pag-uusap ay bigla namang dumating si Ayana. Magkasalubong ang kilay na mukhang dismayado sa buhay. "Nandito ka lang pala at kanina pa kita hinahanap," wika naman ni Ayana. Bigla naman siyang napatigil nang titigan siya ni Aira. "Sorry," agad niyang sambit. "Maupo ka muna at mayroon akong ipakilala sayo," saad ko sa kanya. Nahihiya siyang umupo sa harap ng bisita ko. "Siya nga pala si Aira Villanueva kaibigan ko noon," pagpapakilala ko naman kay Ayana. "Aira, meet my friend Ayana Santillan!" "Hi!" mahinang bati ni Aira. "Hello, sorry kung naabala ko kayo!" "No, it's okay at mayroon lamang kaming binalikan sa nakaraan ni Cla-Clarisa," tugon ni Aira. "Ah, gano’n ba?!" "Salamat sa pagpaunlak sa akin Clark at maiwan ko na kayo," pagpapaalam ni Aira. Tumayo na ito na hindi man lang ginalaw ang inuming in-order ko. "Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na may kausap kang kaibigan?" "Hindi ko naman inaasahang makita ko siya rito," sagot ko naman. "Siya nga pala inumin mo na lang ang order niya at sayang. Hindi niya iyan nainom kahit tikim man lang," saad kong muli. Gusto ko malaman kung ano ba ang nangyari sa loob ng dalawang taon. Kahit pinaliwanag na sa akin ay hindi pa rin ako kumbinsido. "Aba okay lang sa akin," tugon niya. Tinapos naang namin ang in-order na inumin bago tumuloy sa pupuntahan. Hati man ang emosyon at isip ko ngayon ay kailangan kong magfocus muna. Ayaw ko na iapaalam kay Ayana ang bagay na ito baka masaktan ko siya. Kahit na sabihin natin na lumipas na ang sa amin ni Aira ay ayaw ko pa ring ma-insecure ito. We've been together for 2 years than Aira kaya naman mas mabuting hindi na niya ito dapat malaman pa. Agad akong nakaisip ng paraan na iwaksi ng pansamantala sa isipan si Aira. Tumayo ako at inakbayan si Ayana habang kumuha ng larawan na nakangiti. Nginitian ko siya at pinisil ang pisngi. Alam ko na isa ito sa kanyang kahinaan. Kailangan lang naman talaga ng isang tao ang attention at pagmamahal. "Tara ma sa Mall at may surprise ako sayo!" "Really!" Nagningning ang mga mata sa tuwa. Simpleng babae lang si Ayana na hindi mahirap mahalin at alagaan. Sana nga ay ito na lang ang unang nakilala ko at sa kanya sana umibig para hindi ko naranasan iyon. "Hm..." Tumatango-tango akong nakangiti nang makita siyang nanlaki ang mga mata sa sinabi ko. Agad namin nilisan ang hotel para magpalipas ng oras sa Mall. After kasi ng event ay uuwi na kami ng Baguio dahil sa inaalala ko ang Daddy. NAPAWI ang tuwa ko na makita si Clark na may kasamang ibang babae. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ngayon. Ang makita siyang masaya na kasama ang babaeng iyon ay nasaksaktan ako. Siguro nga ay hindi talaga kami pwedeng magsama. "Hey... Why sad emotions?" tanong ni Bea ma naghihintay sa akin sa labas ng coffee shop. "Alam mo naman na hindi na ako ang mahal niya. Matapos ko siyang saktan noon ay nakakita na siya ng higit pa sa akin." "Ngunit nakita ko sa kanya na mahal ka pa niya," ani Bea. "Tapos na ang sa amin friend at tila nakahanap na siya ng taong nagpapaligaya sa kanya." "Hayss... Kung saang malaya ka na ay saka naman siya may iba na!" Napasandal na lang ako sa pader habang kausap si Bea. Move on na naman. At tila ganoon na lang ang takbo ng buhay ko. Laki ng pasasalamat ko sa kanya dahil hindi ko alam kung saan ako pupulutin kapag wala siya sa tabi ko. Since then ay hindi niya ako iniwan kahit nasasakripisyo na rin ang sarili kaligayahan. "Ang maipapayo ko lang sayo ay huwag na munang isipin iyan. Let's enjoy your life kahit wala na sila sa buhay mo. Magtravel ka na lang kahit saang bansa habang may panahon ka pa," mungkahi naman niya. "Paano ko naman iyon gagawin na hindi ka kasama? Malulungkot pa rin ako," tugon ko dito. Napabuntong-hininga na lamang si Besa tanong ko. Alam niya rin na mahirap ang gano'n lalo at nasa process ka pa ng move on. "Hayaan mo at magpapaalam lang ako sa boyfie ko para masamahan kita hanggang sa magsawa ka sa pagmumukha ko," saad pa niya. "Thank you, friend!" Napatulala ako sa malungkot kong buhay. Alam ko malaking gulo kapag bumalik ako sa buhay nila. At baka isipin pa ng lahat ay desperada na akong sumaya kahit may masasagasaan ako. Alam ko kung saan ako lulugar sa bagay na iyan. Hindi ko rin pinangarap ang manakit ng damdamin ng iba. Matapos ang tagpo naming iyon ay nagpasya akong pumunta sa mansion kasama si Bea para kamustahin sila roon. Nababaliw na si Joem at pinabayaan na lang ang mga tauhan sa mansion. Naabutan namin si Ginang Marcela na tinatanaw kami na papalapit. Gulat man ito ngunit nababakas sa mukha nito ang pananabik. "Ma'am Aira, kailan ka pa dumating? Agad na tanong nito. "Kahapon lang po, siya nga pala may mga pasalubong ako sa inyo. Naparito rin kami ni Bea para kamustahin kayong lahat," sagot ko habang inaabot sa kanya ang paper bag. "Salamat dito! Bumaba muna kayo sa sasakyan at pumasok sa loob," aya pa nito sa amin. Sandali naming pinaunlakan ang pagyaya ng matanda ngunit hindi naman kami magtatagal. "Nasaan pala si sir Joem?" "Nauna na pong kaming bumalik ni Bea dito. Oo nga pala Ginang Marcela, naghiwalay na po kami ni Joem." "Kung sa tingin mo ay nararapat iyon ay wala kaming magawa. Hangad na lang namin sa inyo bilang nakakatanda ay maging maligaya kayo sa napiling desisyon," wika nito. "Salamat Ginang Marcela!" Habang nasa byahe kami ni Bea pabalik ng hotel ay napagpasyahan naming mag-out of town muna para iwas lungkot. Tama si Bea na kailangan kung turuan ang sarili na maging independent. Para naman makatayo ako sa sariling nga paa. I've been depend on her kaya ang ending ay sad kapag hindi ko siya kasama. Pagdating namin sa hotel ay agad kaming nagligpit ng mga gamit. Kahit gabi na ay aalis pa rin kami. Mas maigi na gabi kami aalis ng Maynila para hindi matrapik sa daan. Thankful pa rin dahil malaya na ako at wala nang mananakit sa akin. Sana lang ay matanggap na rin ni Joem ang lahat. Habang binabaybay namin ang daan patungong Batangas ay may sasakyan ang humarang sa amin. Itinaon naman sa liblib na lugar at malayo sa poste ng ilaw. They all wearing bonete at nakatakip ang mukha. Sa takot ni Bea ay napasigaw ito. "O' my God what's this?" Kinabahan na ako sa nakikita. Armado ang mga kalalakihan. Bigla ko tuloy naalala ang nakaraan namin ni Clark noon na halos ganitong senaryo. "Tok... Tok!" Malakas na katok nito na halos mauga ang sasakyan. Sumenyas pa ang mga ito na buksan ang bintana. "F-friend natatakot ako!" nauutal kong wika kay Bea. Takot ang namayani sa aming dalawa at wala akong nakitang mahihingian ng tulong. Kinalampag ang sasakyan namin at tinutukan kami ng baril. "Bu-buksan mo na!" Nanginig ang kamay ko habang binubuksan ang bintana ng kotse. Wala akong magagawa dahil hinarangan ang aming daanan. "A-anong kailangan niyo?" Hindi ko maaiayos ang panannalita dahil sa kaba. 2 years na ang nakalipas ang huli kong naramdaman ang ganitong takot. "Aira Villanueva sumama ka sa amin!" mariin nitong saad. "Hoy... Saan niyo dadalhin ang kaibigan ko?" galit na tanong ni Bea. "Manahimik ka diya kung ayaw mong pati ikaw ay isama ko," anito. "Sino ba kayo bakit kilala niyo ako?" "Huwag ka ng maraming tanong, bumaba ka na riyan kung ayaw mong barilin ko iyang kasama mo," pagbabanta nito. "Huwag po... Huwag niyo siyang sasaktan. Sasama na ako sa inyo basta hindi niyo siya gagalawin!" Takot man ngunit wala akong magawa kundi ang sundin sila. Ayaw na ayaw kung may magbuhis ng buhay sa akin. Marami na akong utang na loob sa mga taong tumulong sa akin kaya handa akong magsakripisyo. "Nababaliw ka na ba Aira?" "No friend, I'd rather be die than I see you kill by them!" giit ko pa. Napakislot na lang ako nang hablutin ng isang lalaki. Sapilitan nila akong sinakay. Naririg ko pa si Bea na isinisigaw ang pangalan ko. Pagpasok ko ng sasakyan ng mga ito ay piniringan nila ako. Itinali ang mga kamay. Kahit naman hindi nila ako itali ay hindi ko naisip na tumakas gayong isang putok lamang ng baril nila ay sabog itong utak ko. SAMANTALA, sa takot ni Bea pinaharurot ang sasakyan pabalik sa hotel. Pilit niyang kinakalma ang sarili habang nagmamaneho makarating lamang roon. Tinumbok niya ang hotel kung nila nakita si Clarisa upang humingi ng tulong rito. Walang idea si Bea kung sino ang may pakana nito. Kakabalik lamang ni Aira mula sa Amerika at imposibleng personal ang motibo nito. Naghehestirikal na dumating si Aira sa naturang hotel. Hindi niya alam kung kanino hihingi ng tulong ngunit lumapit siya sa receptionist ng hotel. "Miss, may itatanong lang ako?" nanginginig na boses niyang tanong. "Ano po iyon Ma'am? Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?" "Naka-check in ba rito ang nangangalang Clarisa Salano?" "Ma'am, kaanu-ano niyo po itong Clarisa Solano? For security purposes lang po dahil hindi namin pwedeng ibigay ang data ng isang guest namin." "Miss, kaibigan ko siya. Nandito ako humingi ng tulong sa kanya please!" pagmamakaawa naman ni Bea. "Wait lang po Ma'am at titingnan ko lang siya sa record ng aming guest." Halos mababaliw na sa kakaisosi Bea. Nag-aalala na siya sa kaibigan na dinukot. "Ahm, ma'am naka-check in nga rito ang hinahanap mo but unfortunately ay wala sila ngayon dito. Kung gusto mo ay hinintay mo na lang na makabalik ang mga ito," saad ng receptionist. Napaupo sa lobby si Bea. Wala siyang magawa kundi ang hintayin si Clarisa na makabalik sa hotel. Sa mall ay biglang napatigil si Clarisa nang biglang kabahan sa hindi malamang dahilan. Nagtataka naman si Ayana na pinagmasdan siya. Kanina lang e, maganda pa ang mood nito. "May problema ba?" "Ewan ko ba at bigla akong kinabahan. Balik na muna tayo sa hotel at kakausapin ko ang mga tauhan sa bahay. Baka kasi may nangyari kay Daddy," kinakabahang wika ni Clarisa. "Okay, tara na at hindi maganda ang ganitong emosyon sa labas. Either tayo ang nasa panganib o kaya ibang tao," sang-ayon naman ni Ayana. Pagdating nila sa hotel ay agad na sumalubong ang receptionist nang makita silang papasok ng hotel. "Sir, Ma'am, may naghahanap po sa inyo," bungad ng babaeng receptionist "Sino?" kunot noo na tanong ni Clarisa. "Ayon po siya sa lobby sir!" Itinuro nito ang babaeng pakad-lakad sa pasilyo ng lobby. "Okay, thank you miss!" Nagmadali namang lumapit si Clarisa nang matanaw niya ang pamilyar na anyo ng babae. "Bea?" Pagkakita nito kay Clark ay niyakap niya ang kaibigan. Mahigpit na yumakap si Bea na halos ayaw na kumawala. "What happen to you Bea?" "Clark, si Aira!" Humagugol ito sa takot at halos hindi na magawang makapagsalita. "Bakit? Anong nangyari sa kanya?" "Di... Dinukot siya!" "Ano? Huwag ka nga magbiro ng ganyan. Kanina lang e, maayos naman ang aming usapan at isa pa wala naman siyang kaaway para dukutin." "Hi-hindi ko alam. Please tulungan mo akong hanapin at iligtas siya!" pagmamakaawa na ni Bea. "Ayana, kunin mo ang card at ikaw na muna ang umaakyat sa taas. Huwag kang lalabas ng kwarto kapag wala pa ako. Sasamahan ko lang si Bea na hanapin ang kaibigan namin!" mariing saad nito kay Ayana sabay abot ng card. "Sige mag-ingat kayo!" Agad na umalis sina Bea at Clarisa. Nagtungo muna sila sa pulis station para ipablater ang pangyayari. Wala man silang lead ngunit matutulungan sila ng mga autoridad na hanapin si Aira.. Takot ang namayani kay Aira sa mga oras na iyon. Hindi niya alam kung saang lugar siya dinala ng mga ito. Nahirapan siyang lumingon dahil sa nakadapa siya sa sahig. Naramdaman niya na lang na paalon-alon ang paghila nito sa kanya kasabay ng sakit sa kanyang siko sa tuwing tatama sa sahig. Hinila siya ng mga kalalakihan sa lugar na tila walang ingay at nag-echo na tunog pababa ng hagdan at doon ay halos nanghina na ang buo niyang katawan. "Parang awa mo na palayain mo na ako! Ano ba ang kailangan mo sa akin?" hingal at kinakapos niya boses na pagmamakaawa sa tao. Ngunit wala pa rin siyang makuhang sagot mula sa mga ito. Pakiramdam niya ay gasgas na ang siko at pasang-pasa na ang kanyang braso sa paghila ng mga ito. Huminto na ang taong naghila sa kanya ng ilang minuto. Kahit nakapiring ay may naaninag siyang ilaw. Itinali ang kanyang kamay at paa. Nanatili siyang hinsi makagalaw lalo na at nanakit ang kanyang buong katawan . Sa pag-ikot ng kanyang ulo ay naaninag niya ang nakasinding mga kandila. Kahit may takip ang mata ay alam niyang kandila iyon dahil sa naaamoy niya ang usok mula sa kandila. "Tanggalan mo ng piring at iwanan na natin siya hanggang wala pang go signal ni Boss," wika ng lalaki. Dahan-dahang tinanggal ang piring sa mga mata niya. Hindi agad siya dumilat para masanay ang mga mata sa dilim nang sa gano'n ay malaya niyang makita ang paligid. Napapaiyak na lang ito sa hirap na dinadanas niya. Patuloy siya sa pagsisisgaw ngunit nauubusan lamang siya ng lakas. Wala nang makakarinig sa kanya ngayong nasa isang silid siya. Inilibot niya paningin kahit malamlam ang liwanag na nagmula sa mga kandilang nakatirik ay makikita niya pa rin ang mga bagay sa loob. Ngunit sa aking pag-uusisa sa paligid ay doon niya napagtanto na hindi na bago sa pangingin niya ang mga bagay na nasa silid na iyon. Nasa basement siya kaya ganoon na lang ang echo ng boses niya kapag nagsisigaw ito. Maraming paputok ang kanyang nakikita sa malapit lamang sa kanya. Doon niya napagtanto na sa isang imabakan siya ng mga paputok. Nagtataka lamang siya bakit halos pamilyar sa kanya mga bagay na nakikita. Napaisip siya kay Joem ngunit nasa America pa ito at malabong pakana na naman ito ng dating asawa. Taimtim na lamang siyang nananalangin na sana makaligtas siya sa kinasasadlakang lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD