Chapter 33

2550 Words
NANG magising si Ayana kinabukasan ay mabilis siyang bumangon kasabay ay ang pagkasalakay ng hilo sa antok. Ipinasya niyang maupo muna ng sandal sa gilid ng kama. Ilang sandal niyang pinalipas ang hilo ngunit bigla niyang naalala si Clark na hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi sa hotel na kanilang tinutuluyan. Hindi na niya namalayan kung anong oras na siya nakatulog sa paghihintay kay Clark. Ang pinagtataka lamang niya ay hindi man lang siya nito tinawagan, subalit hindi naman siya nagkaroon ng lakas upang siya ang mismong tumawag rito at alamin ang paghahanap sa kaibigan nito. Tumayo siya at tinungo na lamang ang banyo para mag-ayos ng sarili. Sa kanyang pag-iisa ngayon ay muling bumalik sa kayang ala-ala ang panahong iniwan siya ng kasintahan. Matapos siyang pangakuan ng kasal at magandang buhay ay bigla na lang ito nawala na parang bula. After her breakfast alone ay nagtungo naman siya sa garden ng hotel na nasa gilid ng pool para hindi niya mararamdaman ang lungkot ng pag-iisa. Sa halip na magmukmok sa silid ay mas pinili niyang magpalipas ng oras sa mas maaliwalas na lugar. Isang magandang umaga ang nakikita niya habang naglalakad sa hallway patungong garden. Sandali siyang nakalimot na nag-iisa lamang siya sa hotel. Bitbit pa niya ang in-order na kami kahit kakatapos pa lang niyang mag-almusal. May mangilan-ngilan na rin na mga guest ang naroon kaya mas lalo siyang naingganyong magtagal roon. Sa kanyang pag-upo ay may umagaw kaagad sa kanyang tingin. Isang lalaking nakatayo sa kabilang gilid ng pool habang may kausap sa phone. Napakurap-kurap siya at hindi makapaniwala sa nakita. Pagkatapos ng ilang taon ay makikita niya ang lalaking nangako sa kanya ng magandang buhay. Biglang bumalik ang sakit sa kanyang puso nang maalala niya ang panahong iniwan siya. Ang lahat na pangakong iniwan sa kanya ay kasinungalingan lamang. Sa hindi niya matiis ang galit na kinimkim niya ay lumapit siya rito. Walang ibang pakiramdam ang namayani kay Ayana kundi ang ilabas ang galit nang lokohin siya. "After many years you left me ay nagkita rin tayo. Kamusta ka na Mr. Villanueva matapos mo akong iwan? Naging masaya ka ba?" Umigting ang panga ni Ayana na nagpipigil sa galit na saktan ang lalaking nasa kanyang harapan. Ni sa panaginip ay hindi na niya inaasahang makaharap itong muli. "Ayana?" gulat naman nitong hinarap si Ayana. "Oppss... Sorry, nagulat ba kita?" "How... How you -" Natigilan ito at sinuyod ang paligid na tila ba mali ang lugar na pinasukan niya. "Hindi ka makapaniwala kung bakit ako naririto sa lugar kung saan kayo lang mga mayayaman ang maka-afford na pumasok sa ganitong cosy hotel?" Hindi maitanggi ni Ayana na kung hindi dahil kay Clark ay hindi niya kayang pumasok sa ganitong hotel. "No, I mean paano ka napunta rito?" pagtataka na tanong nito. "Hindi ko na kailangan pang sabihin sayo Joem. At huwag mong ilihis sa ibang bagay ang malaking kasalanan mo sa akin. Matapos mo akong iwan sa ere ngayon anong maipaliwanag mo sa akin?" "Wait... Hindi pala dapat nating iyan pag-usapan dito. Sumama ka sa akin!" Umiling siya. Parang hindi na niya kayang pagkatiwalaan pa ito dahil alam niyang pinapaikot lamang siya. "We can talk here, bakit nahihiya ka ba? Huwag mo na akong dalhin kung saan pa," aniya sabay upo sa bakanting upuan na malapit lamang sa pool." "Fine!" Napilitan naman si Joem na sundan si Ayana. Napahilamos ito ng mukha bago umupo sa tabi ni Ayana. "Sweetheart, patawarin mo ako. May mga bagay lamang akong inayos sa mga taong hindi ako bumalik. 'Di ba ang sabi ko naman sayo ay hintayin mo ako," anito. "Anong assurance ko sa patuloy na maghintay sa iyo ha, Joem? Wala naman tayong pinirmahang documents para hintayin ka sa pangako mong kasal sa akin. I am not that stupid, Joem. You have to clear it to me, and also you have to do it now." "Look!" Napabuntong-hininga si Joem. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag kay Ayana ang lahat sa harap ng iilang tao na naroon sa garden. "What? Now tell me!" Bahagya nang nangalit ang mga tingin ni Ayana sa dating kasintahan sa pananahimik nito. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang hilahin siya ni Joem. "Come to me!" "Ano ba bitawan mo nga ako!" mariing winakli ni Ayana ang kamay nito. "Sumama ka na lang ng mahinahon at huwag akong ipahiya sa mga tao rito kung ayaw mong masaktan." Ayana surprised in a sudden tone voice of Joem towards her. Nakaramdam siya ng takot sa kauna-unahang pagkakataon simula nang makasama niya ito. "Saan mo ba ako da...dalhin?" nauutal na tanong ni Ayana. "Just keep quiet and follow me!" Hindi na rin tumutol pa si Ayana kahit natatakot man siya sa biglaang pagpapakita ng nakakatakot na pag-uugali si Joem. She can't ask help to anyone dahil sa pagbabanta ni Joem. Inayos na lamang niya ang paglalakad para hindi halata ang sapilitang pagsama sa kanya ni Joem. Mahigpit pa rin ang hawak ni Joem sa braso niya hanggang sa makarating sila sa isang silid. Agad naman na dinukot ni Joem ang card key sa pocket ng coat nito at in-swipe. Pagbukas ng pinto ay doon niya marahas na itinulak si Ayana sa loob. "What's wrong I did para ganituhin mo ako ha? How dare you, matapos mong saktan ang damdamin ko at ngayon pisikal ka ng manakit sa akin. I am disgusted with you!" matalim na pahayag nito kay Joem. Kung may isang bagay man siyang dapat balikan sa nakaraan ay ang pagkakamaling ibigin ang isang lalaking walang puso. "Manahimik ka! Marami akong problema na hindi mo alam sa tunay kong pagkatao. Well, talaga namang wala kang alam sa akin," pahaging tugon nito "Anong ibig mpng sabihin?" Natigilan si Ayana sa naging tugon sa kanya ni Joem. Dahil sa pagnanasang maiangat ang sarili sa kahirapan ay nabulag siya sa pangako ni Joem nang malaman niyang mayaman ang lalaking nakilala niya. "Nang magtagpo ang ating landas ay kasal ako sa ibang babae at hindi totoong binata ako, ayon sa sinabi ko sayo noon. Iyan ang dahilan kung kaya't hindi kita binalikan ng ilang taon dahil hindi kita maaari pakasalan." "What? Ginawa mo akong isang kabet? Bakit... Bakit mo iyon ginawa sa akin?" Parang isang bomba ang katotohanan na sumabog kay Ayana na ginawa lang pala siyang parausan ni Joem noong maiksing panahon na magkasama sila. "Katuwaan lang namin ng mga kaibigan ko at nagustuhan ko naman. Bukod pa doon ay hindi naman talaga ako pwedeng magpakasal sayo dahil may asawa nga ako at mas gusto ko siya kaysa sayo," deretsahang bigkas nito. "Hayop ka!" Hindi napigilan ni Ayana na paghampas-hampasin niya si Joem ng mga braso niya. Panay naman ang sangga ni Joem sa bawat hambalos sa kanya ni Ayana hanggang sa mahawakan niya ang kamay ng kasintahan. Bahagya niyang naitulak si Ayana at humapas naman ang dalaga sa pintuan ng kanyang inuukupahang silid. Wala sa plano niya ang manakit dito ngunit nagkita sila sa iisang hotel na hindi niya inaasahan. Agad na tumayo si Ayana at nagmadaling pinihit ang siradura ng pinto. Nang hindi ito naka-lock ay sinikap niyang lumabas kahit masakit ang katawan sa paghampas niya sa pinto. "Hey... Hey... Come back, I'm not done with you!" Kahit anong tawag sa kanya ni Joem ay hindi na niya ito nilingon pa. Wala siyang ibang naisip kundi ang lumayo sa demonyong lalaki. Paika-ika man siyang tumatakbo sa hallway ng hotel ay sinikap niyang makalayo rito sa takot na sasaktan siya ni Joem. Masakit man sa loob niya ngunit pinigil niya iyon hanggang sa makarating siya sa kanilang silid. Doon niya binuhos ang mga luhang naiipon noon pa man. Hawak ang dibdib habang humihikbi sa likod ng pinto. Abot langit man ang pagsisisi niya ay huli na nang malaman ang totoong pagkatao ng lalaking inakala niya na mag-aahon sa kanya sa hirap. "Ayana?" Napaangat siya ng tingin sa taong lumabas mula sa banyo. Naglandasan naman ang mga luha niya nang makita si Clarisa na kagabi pa niya hinihintay. "Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak? Kanina pa kita hinahanap dahil wala ka sa ating kwarto," sunod-sunod na tanong ni Clarisa . Hindi nakasagot si Ayana at pinagpatuloy lamang ang pag-iyak. Sandaling iniwan ni Clarisa at kumuha ng tubig para ipainom sa kanya. "Saan ka ba galing?" mahinahong tanong ni Clarisa nang mahimasmasan si Ayana. "I am the one to ask you that. Halos wala akong tulog sa kahihintay sayo at ni isang tawag or text wala akong natanggap mula sayo. Magkaliwanagan na nga tayo. Ano ba ang halaga ko sayo Clark?" "A-ah-" Hindi makasagot ng deretsahan si Clarisa dahil sa nalilito siya ngayon sa damdamin niya. Ayana help her to recover from brokenhearted when Aira left her. Ngunit mahal niya si Aira at hindi niya kayang balewalain na lamang ito lalo pa at hindi pa natatagpuan kung saan dinala ng mga taong dumukot rito. Kung pagtimbang-timbangin niya ay parehong mahalaga ang dalawang babae sa kanyang buhay. Hindi lang niya kayang may masaktan sa dalawa. "What? Silent means no, am I right?" Lalong humagugol si Ayana nang hindi makapagsalita si Clarisa. Lalong dumagdag ang sakit na nararamdaman niya parang basahan siya pagkatapos ng lahat ay iiwan na lang sa isang sulok na walang pakinabang. "No, that's not what I mean. Sorry kung hindi kita natawagan kagabi dahil ayaw na kitang disturbuhin sa pagtulog." "Iyan nga ba ang dahilan mo Clark? O baka naman ang babaeng iyon ang laman ng utak mo. Kahapon pa kita napansin nang makita ko kayong nag-uusap. Siya ba ang babaeng nang-iwan sayo?" Napaupo si Clarisa sa sofa lounge ng kanilang silid. Naisip na niya ipagtapat ang lahat dahil simula't sapul ay hindi nila pinag-uusapan kung sino ang mga nakarelasyon nila. "Come sit here!" Inaya ni Clarisa si Ayana na tabihan siya para makapag-usap ng maayos. Panahon na rin para ipagtapat dito ang tunay na damdamin. Naguguluhan man siya ngunit sa makalipas na gabi ay napagdesisyunan niyang umalis muna para makapag-isip ng maayos. Sa kabilang banda ay dama ni Ayana ang seryosong mukha ni Clarisa. She'd never been seen this kind of emotion from Clarisa since they were together. "May sasabihin ako sayo," wika ni Clarisa. "Me too," luhaang saad naman ni Ayana. Nagkatinginan silang dalawa sa parehong nais mangyari. Besides from their secrets ay ang nilalaman ng kani-kanilang damdamin. Alam naman nila pareho na pinagtagpo sila for a reason. At iyon ay dapat nang maliwanagan kung ano ang status nilang dalawa. "Mauna ka na," turan naman ni Clarisa sabay punas ng natitirang luha ni Ayana sa pisngi. "I saw him!" "Who?" gulat na tanong ni Clarisa. "My boyfriend. Ang lalaking nang-iwan sa akin sa ere." "Huh, are you sure? Iyan ba ang dahilan kung bakit kita naabutang nag-iiyak ngayon?" malumanay na tanong ni Clarisa. "Yeah, at sa hindi ko inaasahan ay may mas masakit pa pala ang makita siya at malaman ang tunay niyang pagkatao," ani Ayana na puno ng pagsisisi. "Nagkita kayo? Saan naman?" "Yeah, nakita ko siya kanina sa garden nang magpahangin ako roon. Nang kulitin ko siyang pinaaminin ay sapilitan niya akong dinala sa kanyang silid. Kamuntik-muntik pa akong pisikal na saktan ni Joem. Mabuti na lang at nakalabas agad ako sa kanyang silid," takot na paliwanag ni Ayana. "What? Hindi ba't kabilin-bilinan ko na huwag kang lalabas ng silid na ito. Paano pala kung may nangyari sayo e' dodoble ang iisipin kong problema," pag-aalalang turan ni Clarisa. "I never forget that. I just bored and sad this morning kasi nga hindi ka umuwi. But I am okay now!" Nagkibit-balikat balikat pa na tugon ni Ayana kahit sobrang takot niya sa ginawa sa kanya ni Joem. "Yes you are, that's because you are lucky to have this place. Ngunit hindi pa rin tayo nakakatiyak, paano kung...paano na lang kung talagang may nangyari sayo? Paano ko hahanapin ang ex-boyfriend mo na hindi ko nga alam ang pangalan niya. Ano nga pala ang buo niyang pangalan?" pag-uusisa ni Clarisa. "His Name was Joem Villanueva, isang business tycoon. Wala akong alam masyado sa kanyang buhay dahil ilang buwan lang naman kami nagkasama. Sa pangarap ko rin na maiahon ako sa hirap kaya walang alinlangan akong sumama sa kanya noong niyaya niya ako magbakasyon," salaysay naman ni Ayana. "Sh!t. Joem Villanueva ba kamo? Ang dragon na iyon ang naging ex-boyfriend mo?" gulat na tanong ni Clarisa. "Yes. Kilala mo ba siya?" "Sagad sa buto ang pagkakakilala ko sa kanya!" Napasapo ng noo si Clarisa sa pagkakataon na pareho silang pinaglaruan ng tadhana sa mga taong magkakonektado lamang. "Totoo ba 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ni Ayana. "Tsk... What do you think of me I'm joking? Alam mo ba ang taong iyon ay may asawa at ang babaeng asawa nito ang taong iniibig ko rin noon." "Yeah, I just know but unexpected na minahal mo ay asawa niya rin!" Napailing si Ayana dahil sa rebelasyon na mas ikinagulat niya. Faith really play with them dahil sa kadahilanang magkaugnay lang pala ang mga taong mahal nila. "So, ano ang plano mo ngayon?" mahinang tanong ni Ayana. "I needed a break para makapag-isip ng maayos. Pinaubaya ko muna ang lahat sa mga pulis at kay Bea dahil hanggang ngayon ay hindi pa matukoy ang suspek sa nagdukot kay Aira. At bukod pa doon ay ayaw kitang saktan dahil hindi ko nagagampanan ang tungkulin ko bilang kaibigan mo. Ihahatid muna kita sa kamag-anak mo dito dahil pansamantala akong aalis para mas matuunan ko ng pansin ang mga bagay na matimbang para sa akin," saad ni Clarisa. "Iiwanan mo ako?" "I do hope you understand. Just give me a time to think sa nararapat kong gawin." Nakakalungkot man ang kanyang desisyon ngunit iyon lang ang tanging paraan para malaman niya kung sino sa dalawang babae ang mas matimbang. Si Aira ba na kailangan siya gayong dinukot ng hindi kilalang tao ngunit iniwan siya noon nang siya ang nangangailangan? O si Ayana na palaging nariyan sa kanyang tabi at handang dumamay sa saya at kalungkutan ng kanyang buhay. "I am always understand you kahit pa man mahirap para sa akin. Kung iyon ang nakikita mong tama ay handa pa rin akong unawain ka. Balikan mo na lang ako sa bahay ng tita ko kapag buo na ang pasya mo," turan ni Ayana sabay tumayo para iligpit ang mga gamit. "I'm sorry!" Hinaklit ni Clarisa ang braso nito nang tumayo ang dalaga. Ngunit bumaling sa kanya si Ayana na nakangiti na tila ba walang dinamdam na sakit. "It's okay. Ihahanda ko lang ang mga gamit ko para maihatid mo na ako sa amin," mahinahong wika ni Ayana. "I will!" Tumango si Clarisa dito. Mas nasasaktan siyang nakikita ang dalaga na pilit pinipigilan ang sariling damdamin. Habang naghihintay siya kay Ayana ay dumilim ang kanyang mukha nang maalala ang demonyo niyang dating amo. Hindi niya akalain na tutuloy ito ng hotel gayong may bahay naman itong matutuluyan. Balak niyang harapin ito matapos niyang ihatid si Ayana sa kamag-anak nito. May posibilidad na may kinalaman ito sa pagkawala ni Aira. Alam niyang hindi ito papayag na mawala si Aira kahit pa man ay nag-divorce na sila sa Amerika. "Hey... Lets go!" aya ni Ayana. "Ahm, yeah..." Sa lalim ng kanyang iniisip ay nagulat na lamang siya sa pagpukaw ng kanyang pansin ni Ayana. Tama nga ang kanyang gagawin para wala siyang alalahanin habang nag-iisip sa dapat gawin at pagdesisyunan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD