Chapter 14 "Naalala ko pa iyong kagaguhang ginawa ko sa bahay niyo, hahaha. Muntikan ko ng masunog iyong bahay niyo," biglang tawa ni Jervis ng minutong iyon. "Mabuti na lang kaagad kong sinabuyan ng tubig kundi tepok tayong lahat do'n," tumawa na rin si Alex at do'n lang niya ulit nakitang tumawa ang dating kasintahan pagkalipas ng mahabang panahon. Nang napansin ni Alex na tinititigan siya ni Jervis ay umiwas ito ng tingin at tumahimik. "Oh? Bakit huminto ka sa pagtawa?" di siya kumibo. "Namiss ko iyong tawa mo," nakangiting sabi nito sa dating kasintahan. "J-Jervis..." "It's okay, alam kong hindi dapat nating ipasok ang nakaraan natin sa sitwasyon natin. Is just that hindi ko lang mapigilan ang sarili ko, lalo na't nasa harapan na ulit kita," dagdag pa nito. "Jervis..." "Uhm,

