Chapter 13 Nang makalabas na si Jervis sa kwarto ay do'n na bumigay si Alex. Iniisip niya kung makakayanan kaya niya ang buhay sa Mansion na ito? Kung sa simula pa lang e, masyado na siyang naapektuhan sa lahat ng mga nangyayari. Pero, kaagad niyang binawi ang inisip at kinakailangan na lakasan ang loob, hindi na siya dapat maging mahina. Kung dati ay hindi niya ipinaglaban ang kaniyang karapatan sa ngayon lalaban na siya, kahit hindi niya alam kung ano o sino nga ba talaga ang ipinaglalaban niya. Kinompronta naman ni Jervis ang kaniyang Lolo na nagbabasa ng diyaryo sa may garden habang hinihigop ang kape nito. "Oh? Kumusta ang babae mo?" "Lolo, hindi ko lang siya basta babae, siya si Alex ang babaeng mapapangasawa ko!" ibinaba ng matanda ang hawak na kape sa lamesa at gano'n din ang d

