"Hi, are you alone?" Napabuntong hininga nalang ako. Ilang lalaki pa ba ang magtatanong sa akin ng ganito bago dumating ang lalaking ka meet up ko na padating na daw pero wala pa tsk. "No, Im waiting for someone." sabi ko at sumimsim sa orange juice na inorder ko pagkatapos ay luminga linga. "Great! May hinihintay din ako eh." sabi niya at naupo sa stool na katabi ko, medyo lango na din sya sa alak sa tingin ko dahil medyo namumula na siya at mapungay na ang mata. "Kanina ka pa ba dito?" Tanong niya habang sinisipat ang mga taong nagsasayawan sa dance floor. Nasa bar ako ngayon tulad ng napagusapan namin ni Gerald Ramos, yung kikitain ko nga. "Ako ba kausap mo?" Tanong ko. Natawa siya sa akin. "Tayo lang naman dalawa ang nag uusap dito. Uh, what's your name again?" "Gelly." matipid n

