Nagpalinga linga ako sa paligid dahil pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin. Dis oras na ng gabi at ka o-out ko lang sa trabaho, medyo malayo pa ang aking lalakarin bago makarating sa sakayan. 'Pssst!' Lumingon ulit ako sa aking likuran at sinipat lahat ng aking maaaninag, ngunit wala namang tao. Madilim na din kasi sa aking dinadaanan may iilang poste na may ilaw ngunit hindi sapat para lumiwanag ang paligid tanging sa buwan na lamang ako umaasa. 'Pssst!' Dahan dahan akong lumingon dahil sa kaba, nagbilang pa ako ng tatlo ngunit wala padin akong nakita. Huminga ako ng malalim, itutuloy ko na sana ang aking paglalakad nang may isang panyong mayroong nakakahilong amoy ang tumakip sa aking bibig at ilong pinilit kong manlaban ngunit unti unti akong nawalan ng malay. "Hmmm..A-Ahh.." Nagi

