Chapter 19 | Busted Lee

1153 Words
[Continuation to Lee's POV] Makalipas ang ilang araw ay ginawa ko talaga ang sinabi ko. Pag nasa-school kami, ako nagdadala ng bag ni Jelly kahit hindi niya pinadadala. Inaagaw ko talaga sakanya yung bag niya para ako magdala kahit habulin niya ako pataas sa floor namin ay hindi ko binibigay sakanya hanggat hindi ko nailalagay ang bag niya sa proper seat niya sa room. Binibigyan ko rin lagi ng mga regalo si Jelly everyday. Teddy Bears, Chocolates, Flowers, Everything cute! Natutuwa naman ako dahil tinatanggap niya iyon lahat ng masigla tapos sinusuklian niya ako ng mainit na yakap pagtapos ko siyang ihatid sa bahay nila pagtapos namin sa school. Ako nalang rin mag-isa umuuwi dahil sabi ko kay Uncle Hideo lagi, mauna na sila ni Billy sa mansyon at kaya ko na ang sarili ko. Hm! Akala ba ng Billy na iyan makukuha niya si Jelly sakin? No way! Isang araw at ngayon ang araw na iyon, Gabi na at ako lang mag-isa. Narito ako sa tapat ng malaking bahay nina Jelly. May dala akong Bouquet ng flowers and Chocolates, again for her. Liligawan ko na siya, hindi ko na patatagalin pa ito. Ayokong makuha pa siya ni Billy sakin. I pressed the doorbell from their gate at nag-antay ako ng ilang segundo. Nang bumukas ang gate ay lumabas doon si Jelly kasama si Rina at nakatago naman ang mga dala ko sa aking likuran. "Lee! Gabi na ah? anong ginagawa mo rito?" nakangiting tanong ni Jelly. "Uhm..." mahina kong sabi at dahan-dahan lumuhod. Napasinghap naman ng hangin si Rina pero hindi ko pinansin iyon. "LㅡLee ano bang ginagawa mo?" tanong ni Jelly at nang makaluhod na ang isang tuhod ko sa lupa ay ipinakita ko sakanya ang dala kong mga bulaklak at chocolates. "Oh my gad, Teh!" kinikilig na sambit ni Rina. "Jelly Kim, can you be my Girlfriend?" walang pauses kahit kinakabahan diretso kong itinanong sakanya ang pambansang tanong ng mga manliligaw. "LㅡLee ano ba haha, get up! baka mamaya may makakita saatin sabihin pinaluluhod ko ang Ruby Heiressㅡ" pinutol ko ang sasabihin niya nang magsalita ako. "I'll not standing up here until you answer my question, Jelly. Can you be my Girlfriend?" seryoso kong tanong sa pangalawang beses. Malungkot naman na yumuko si Jelly. "Lee...I'm sorry butㅡno." malungkot na sambit nito. Tumayo naman ako ng dahan-dahan at tumingin sakanya. "AㅡAno?" mahina kong tanong at bakas sa boses ko ang sakit na naramdaman. "Lee...Hindiㅡpwede. AㅡAyoko." putol-putol na sabi ni Jelly. Halos pagsakluban ako ng langit at lupa ng marinig ko ang sagot niya. Salita lang iyon pero ang salitang iyon ay mala-espada na sumaksak sa puso ko at tagos hanggang likod. Ang sagot na kinatatakutan ng mga lalake sa panliligaw nila sa babaeng mahal nila. Ang sagot ng pagtanggi. "JㅡJelly...bakit naman? Aㅡayaw mo ba sakin? Pangit ba ako? Hindi ba ako deserving?ㅡ" may sasabihin pa sana ako pero bigla siyang nagsalita at hinawakan ang magkabilang braso ko. "Lee! Lee! Don't please! Lee, Mahal kita. Pero ang pagmamahal na iyon ay nakalagay sa kwarto ng pagkakaibiganㅡhindi para sa wagas na pagmamahalan." sagot ni Jelly na lalong nagpasakit saakin at tumulo na ang mga luha kong nagbabadya kanina palang sa unang sagot niya. "Ano bang gusto mo Jelly? Ibibigay ko, kahit ano!" sabi ko habang may pekeng ngiti saaking mga labi. "Lee wala akong gusto kundi ang maging masaya ka. Maging masaya ka sa piling ng babaeng para saiyo. At hindi ako ang babaeng iyon Lee, Sorry." sagot niya ng may pagkahiya sa tono niya. Hindi naman ako nakasagot agad at nakatingin lang sakanya habang umiiyak ako ng tahimik. "Patawarin mo ako Lee kung nasaktan kita. Patawad talaga pero hindi ako ang babaeng para sa iyo. Ang mabuti pa Lee...ibigay mo nalang iyan kay Tita Nina or pwede ring kay Navee. Gabi narin kaya umuwi ka na, mag-iingat ka ha? pumasok ka bukas please para malaman kong okay ka. Goodnight Lee." malungkot niyang sabi at pumasok na sa bahay nila habang malungkot na nakatayo parin si Rina sa kanilang gate at nakatingin saakin. "Lee, sorry saㅡ" pinutol ko ang sasabihin niya ng magsalita ako. "Okay lang Rina." humihikbi kong sagot at nakita ko naman siya na yumuko. "Ang mabuti pa, kunin mo nalang itong mga bulaklak at chocolates." sabi ko at inilahad sakanya ang mga dala ko. "Pero para kay Jelly iyan eh." mahina niyang sagot. "Sige na, sayo na. Ayaw naman niya eh." malamig kong sabi at dahan-dahan niyang tinanggap ang mga dala ko. "Uuwi na ako Rina. Goodnight, maraming salamat. Paki sabi rin kay Jelly, Magandang gabi at pasensya na kayo sa abala ko." mahina kong sabi at pinupunasan ang mga luha ko tapos tumalikod nako at naglakad pero bago pa ako makalayo ng tuluyan ay tinawag ako ni Rina. "Lee!" tawag niya at huminto ako pero diko siya nilingon. "Salamatㅡmag-iingat ka sa paguwi mo. Pasok ka bukas ha. Malalaman ko yan dahil magkatabi lang tayo ng room." sabi niya pero hindi na ako nagsalita at nagpatuloy nalang sa paglalakad papalabas sa village nila. [Nina's POV] Ngayong umaga ay imbis na pumasok sa trabaho ay nagpasama ako kay Georgia dahil may gagawin ako. Sinundan ko si Julia ngayong umaga galing sa ospital at kasama niya si Billy. Humanda kang babae ka, akala mo hindi ko alam kung saan ka dideretso? "Anong gagawin natin Mars?" tanong ni Georgia. "Edi ibubuking natin si Julia para madagdagan ang inis nina Mom and Dad sakanya para malaki na ang chance na mapaalis sila sa mansyon!" sabi ko. "Oh 'wag mo akong sigawan Duh! So ugly!" sabi niya. "Anong sabi mo?" inis kong tanong. "So ugly, i mean ang ugly mo pag-sumizigaw ka mars! Kaya don't shout next time huh?" asar niya at inirapan ko nalang siya. Sinundan ko ang Van ni Uncle Hideo sakay sina Julia at Billy at tama ako. Dumiretso sila sa construction site ni Franco. Nang pumarada si Uncle Hideo sa tabing kalsada ay bumaba na sina Julia kasama ang anak niya tapos nagpaalam sila kay Uncle at nag-drive na ito palayo. Inutusan ko naman si Georgia na i-park ang kotse niya sa bakante at sinunod niya ako. Matapos niyang mag-park ay bumaba kaming dalawa ng kotse niya tapos inilabas ko ang phone ko na naka-set sa camera at pumunta ako sa likod ng yero na barrier. Kita ko sila sa pwesto dito at maganda ang anggulo dahil naka-side view sila pareho. Nang lumapit na si Julia kay Franco ay inabutan niya ang asawa niya ng hinala ko ay pagkain. Agad kong kinuhaan ng litrato ang mag-asawang may ginagawang ipinagbabawal. Naka apat na kuha ako ng litrato at iba-iba ang kanilang ginagawa. May nag-uusap, magkayakap, bigayan ng pagkain at halikan. Humanda kayo ngayon Julia, Hindi ako titigil hanggat hindi ka napapa-alis sa mansyon! [To be Continued...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD