[Continuation to Julia's POV]
Matagal-tagal din narito sina Noli at ang anak niya kaya nang pumatak ang 6pm ay umuwi na sila matapos magpaalam saamin ni Franco. Bigla namang nagising si Billy at hinawakan namin agad ni Franco ang kamay niya. "Anak, ayos na ba ang pakiramdam mo? Salamat sa Diyos at gising ka na." ani ko. "Anak, ano bang gusto mo? gusto mo ba ng tubig? nagugutom ka ba?" tanong naman ni Franco. "Tubig nalang po Papa." mahinang sagot naman ni Billy at kumuha si Franco ng isang basong tubig mula sa water dispenser dito sa loob ng kwarto ni Billy tapos ibinigay niya iyon kay Billy at ininom ito.
"Oh, dahan-dahan anak." sabi ko habang inaalalayan ang anak ko sa pag-upo. "Salamat po Papa. Mama? anong nangyari kanina, nakakain nanaman po ba ako ng shrimp?" tanong ni Billy. "Nako, mukhang oo nga anak. Shrimp powder yata yung nasa kinakain mo kanina kaya hindi nahalata. Pero hindi ko nilagyan ng powdered shrimp iyon. Hindi talaga, kaya hindi ko alam kung paano nagkaroon ng ganoon d'on." sabi ko. "Pasensya na anak ha? Dahil sa ginawa kong turon na-ospital ka pa tuloy." paumanhin ko at tinapik naman ako ni Billy sa kamay.
"Mama naman, nag-drama pa. Wala tayo sa Dramarama sa hapon hahaha! Masarap naman yung ginawa mo Ma eh. Sa totoo lang gusto ko pa nga eh, may natira pa ba Ma?" malambing na tanong ni Billy. "Hay, tignan mo nga naman itong anak namin oh. Na-ospital na lahat-lahat pasaway parin." nakangiting sabi ni Franco at natawa naman ako sa mag-ama ko. "Oh sige, bibili ako ng pagkain anak. Buti nalang may pera akong dala." sabi ni Franco at tumayo siya para umalis pero hinawakan ko ang kamay niya at tumayo rin ako. "Bakit, love?" tanong niya. Kumuha ako sa bulsa ko ng 500 Pesos tapos ibinigay ko iyon kay Franco. "Ano ba ito?" mahina niyang tanong. "Ayan nalang ang ipambili mo Love. Itago mo nalang iyang pera mo oh." malambing kong sabi. "Love, may ipon naman ako tsaka anak ko naman ang paggagastusan ko eh, itago mo nalang ito pang-taxi niyo bukas, huh?" nakangiti niyang sabi.
"Hindi na Love, bakit kami magta-taxi eh pwede naman kaming magpasundo kay Tito Hideo? At oo, tatay ka nga ni Billy at anak mo siya. That's enough Love, naiintindihan kita at kahit maging mas-mahirap ka pa sa daga ikaw parin ang tatay ni Billy at ang asawa ko. Hm!" masigla kong sambit at niyakap niya ako. "Ikaw talaga, pinaiiyak mo nanaman ako." sabi niya. "Tumigil ka nga diyan! hahaha!" saway ko sakanya. "Bumili ka na ng pagkain nagugutom na ang anak mo oh." pabiro kong utos at hinaplos naman niya ang ulo ni Billy at hinalikan ako bago siya umalis. "Ayun lang iyon Ma? hindi manlang kayo naghalikan ng matagal?" tanong ni Billy. "Ikaw talaga anak, mag pahinga ka nalang diyan may napansin ka nanaman hahaha!" natutuwa kong sabi at nagtawanan kami ng anak ko. "Pwede ka na daw lumabas bukas ng umaga dito." sabi ko. "Talaga Ma? Yes!" masigla niyang sambit.
[Nina's POV]
Habang nakaupo ako dito sa bar area ng aming kitchen ay umiinom ako ng red wine sa isang red wine glass. Pure grapes ang wine na iniinom ko kaya hindi ako malalasing nito. Wala ako sa mood magpaka-lasing ngayon, I'm just celebrating for Julia's cracked image kela Mom and Dad. Halos mapatalon naman ako sa pagkakaupo ko nang biglang magsalita si Aunti Sarah.
"Aunti naman..." sabi ko. "Sorry. Uhm, Nina i just want you to ask some question. 'Wag ka magagalit ha?" tanong niya. "Sure Aunt, ano ba iyon?" sangayon ko. "Hindi mo ba talaga nakita o alam manlang kung sino ang naglagay ng shrimp powder kanina sa ginagawang miryenda ni Julia? Diba, nanggaling ka doon?" sabi niya. Patay, sabi na nga ba maghihinala itong si Aunti Sarah. Bakit ba interesado siyang malamang kung sino ang may gawa niyon?! "You sounds like i am a suspect, Aunt." mahina kong sabi. "Bakit ba interesado ka kung sino ang may gawa niyon? Okay naman na yung bata ah, hindi naman siya namatay." sabi ko. "Ano ka ba Nina, nagtatanong lang naman ako kung kilala mo ba." sagot niya.
"Wala akong alam, malay ko ba Aunti? Grabe ka naman Aunti, nakita mo lang ako sa kusina ako na agad ang may gawa?" sabi ko sa pa-victim na boses. "Oh sige na, sorry na hindi na kita tatanungin. Pagkatapos niyan matulog ka na ha?" ani niya at hinaplos ang likod ko tapos umalis na sa kusina. It's currently 8pm. Ugh, she's such a sigurador!
[Lee's POV]
"Hahahaha! He's so Stupid, hindi niya alam unti-unti ko nang pinapa-fall saakin si Jelly. Akala niya siguro hindi ko alam na may gusto siya kay Jelly. Well, ako ang nauna kay Jelly kaya ako dapat ang magustuhan niya hindi ang lalakeng iyon." sabi ko sa phone ko at nasa kabilang linya ang matalik kong kaibigan na si Vince. Classmates sila ni Rina at nung BFF ni Billy na si Andrew alam ko eh, nevermind. "Grabe ka, you're so savage Pare." sagot ni Vince. "Hm! Biruin mo, nagpatulong ako sakanya na mafall saakin si Jelly at guess what. Pumayag ang uto-uto. Ngayon naka-isang panalo nako sakanya at humanda pa siya sa mga susunod kong gagawin." sabi ko.
"Sigurado ka ba na mahuhulog sayo si Jelly? Baka naman pag sa huli pinili niya parin ang pinsan mo umiyak ka ah, hahahaha!" asar ni Vince. "Shut up! I'll make sure that Jelly will be mine, Vince. She's mine, i got her first kaya wala nang palag si Billy sakin." sabi ko. "Lee, I'm just concern, Don't shout!" sagot ni Vince.
"But, Lee?" mahinang tanong ni Vince. "Paano si Navee?" dagdag pa niya. "Navee? Anong gagawin ko sakanya? Kaibigan ko lang naman siya eh." sagot ko. "Tingin ko may gusto sayo yung babae." sabi ni Vince. "Si Navee, may gusto sakin? Hahahaha! Mukhang kaylangan yata siyang samahan ni Piper sa EO." natatawa kong sabi. "Hahahaha! Siraulo ka talaga pare!" natatawa ring sagot ni Vince. Si Navee, may gusto sakin? Bakit? Anong meron sakin? Ah basta, focus lang ako kay Jelly. Hindi siya pwedeng mapunta kay Billy, hindi siya kayang ipagtanggol ng lalakeng iyon.
[To be Continued...]