Chapter 17 | Sarah's doubt

1148 Words
[Nina's POV] Habang bumabyahe kami ni Lee sakay sa kotse ng Daddy niya ay nag-flashback saakin ang nangyari a few hours ago. Nang umakyat si Julia sa kwarto niya para tulungan ang isa sa mga maids ay agad kong nilagyan ng fried shrimp powder ang isa sa mga sliced banana tapos ibinalot ko iyon sa wrapper kaya naging apat ang turon na ginawa ni Julia pag-dating niya. Hahahaha! Ewan ko nalilito ako kung sino ang may allergy ng Shrimp sa mag-inang iyon! Nalimutan ko na kung sino ang may shrimp allergy sakanila talaga. Si Julia kasi alam ko may allergy din siya sa seafood na iyon nung mga bata pa kami. Nawawala ba ang allergy? Hindi ko naman alam na naipasa niya pala ang allergy niya kay Billy nung naipanganak niya ito. Ako oo may allergy ako sa shrimp pero hindi ko naipasa kay Lee iyon. Hay! Whatever, basta ngayon i think i got strike 1 for Julia's image kela Mom and Dad. Pero nalungkot at aaminin ko, nasaktan ako nang makita ko si Billy na nasu-suffocate sa allergy niya. He's only my nephew by the way. Later on, nakapag-Family Bonding na kami ng anak kong si Lee at ng asawa kong si Trevor while my pabidang sister is suffering and spending hours and hours in the hospital. [Sarah's POV] "Hay nako, pag nariyan talaga si Franco kasama ang apo ko hindi ko maiwasang mag-isip ng masama! Baka mamaya itakbo niya ang apo ko kasama ang anak ko sa lungga niyang mukhang bahay ng daga." inis na sambit ni Ate. "Vaness, tamana na nga ang kakaisip mo kay Franco na masama siyang tao. Hindi mo na nga pinatira sa mansyon kasama ang mag-ina niya tapos ganyan ka pa mag-isip." awat ni kuya Nelson. "Aba, dapat lang na hindi siya tumira sa mansyon Nelson dahil hindi siya bagay doon. Hindi ko nga maintindihan kung anong nagustuhan ni Julia sakanya at sakanya pa nagpakasal. Pwede naman siyang mag-hanap ng mayamang lalake tulad ni Trevor na pinakasalan ni Nina." inis pang sabi ni Ate. Napailing nalang si kuya Nelson kay ate. "Ate, magkaiba ang taste nila Julia at Nina pagdating sa lalake. Si Julia simple lang at si Nina naman gusto niya ka-level niya ng estado sa buhay." sabi ko at umirap naman si ate. Nakaupo ako ngayon sa tabi ng driver's seat at si Hideo ang nagmamaneho pauwi sa mansyon. Nasa likuran naman sina Ate at kuya Nelson nakaupo. "Isa pa itong si Julia eh. Napaka pabaya niya talaga minsan. Tignan mo napahamak pa tuloy ang apo ko sa ginawa niyang kapabayaan." dagdag pa ulit ni ate. Oh my gosh ate Vaness, kailan ba kayo titigil sa kakadada niyo ng mga hinanakit? "Vaness, Wala namang may gusto nung nangyari sa apo natin eh. Pwede ba tumahimik ka nalang diyan at magpahinga na tayo mamaya sa mansion. Ikaw talaga." sagot ni kuya Nelson. "Aigooo...Chh!" ekspresyon naman ni ate. Hindi ako naniniwalang nagpabaya si Julia sa pagluluto kanina. Pero may napansin ako kay Nina kanina nung nakita kong lumabas siya sa kusina. -?????????- Nakita kong lumabas si Nina sa kusina at nung pababa naman ako sa hagdan ay tinawag ko siya tapos gulat na gulat ang reaksyon niya na parang nakakita ng multo. Lumapit naman ako sakanya at hinawakan ang kamay niya. "Oh? bakit ganyan ang hitsura mo? 'Di panaman ako multo pero ganyan ka na tumingin saakin? hahaha!" pabiro kong sabi. "AhㅡAlam mo naman Aunti Sarah, magugulatin ako minsan haha!" sagot niya. "Weh, nung bata pa kayo ni Julia laging ikaw yung ginugulat ko pero di ka nagugulat, binabato mo nga lang ako ng pugot ulo ng barbie mo pag tapos kita gulatin kasi di ka naman nagugulat, naiinis ka lang haha! Kaya simula noon si Julia nalang ginugulat ko para worth it haha!" natutuwa kong sabi at ngumiti naman siya saakin. "AhㅡAmoy bananas! Ikaw ba yung gumagawa ng turon doon sa kitchen?" tanong ko at lumingon siya sa kusina tapos ibinaling ulit ang tingin sakin. "Ah, hindi Aunti! Si Julia ang gumagawa niyan haha!" sagot niya. "Hm! Eh anong ginawa mo sa loob?" tanong ko pa. "Ahㅡano uhmㅡNauhaw ako kaya uminom muna ako ng cold water Aunti." nakangit niyang sabi saakin at tumango nalang ako. -??? ?? ?????????- "I'm not convinced on what she says earlier." bulong ko habang nakatingin sa labas ng Van ni Hideo at bumabyahe parin kami. "Anong sabi mo Sarah?" tanong ni Hideo sakin at gulat naman akong napalingon sakanya. Narinig niya pa yung bulong ko? Mala-pusa talaga ang tainga nitong lalakeng ito eh hahaha! "Ano?" lito kong tanong kahit di naman ako nalilito. "Ano kako yung binulong mo? haha! May kausap ka na hindi ko nakikita ah." pang-aasar niya kaya pinalo ko yung braso niya. "Aw!" inda niya. "Wala iyon, may naalala lang ako na gagawin ko sa mansyon mamaya! Chismoso nito!" asar ko ring sabi at natawa nalang siya. [Julia's POV] Ngayon ay nasa-loob kami ng kwarto ni Billy at tulog parin ang anak ko. "Love, mukhang galit parin saakin si Tita Vaness." malungkot na sabi ng asawa ko habang nakaupo kami sa upuan sa tabi ng kama ni Billy. Hinawakan ko naman ang kaliwang pisngi niya at iniharap ko siya saakin. "Franco, Love. 'Wag mo na intindihin iyon please. Magbabago rin ang pakikitungo ni Mommy sayo ha?" nakangiti kong sabi sakanya at hinawakan naman niya ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya tapos ngumiti rin siya. May kumatok naman sa pinto ng room ng anak ko at pumasok doon ang matalik kong kaibigan na si Noli, kasama niya ang anak niyang si Andrew na bestfriend din ng anak kong si Billy. Nag beso naman kami ni Noli paglapit niya saakin at niyakap ko si Andrew. "Pare, kumusta buti naman nakapunta ka dito?" sabi ni Noli. "Oo nga Mare eh, buti kamo pinayagan ako ng boss namin." sagot ni Franco. "Nako, dapat lang 'no, emergency kaya ito baka hambalusin ko siya sa semento pag di ka pinayagan niyon. GG ako dun sa boss niyo eh ibabalik lang saakin yung Lipstick ko na nalaglag sa site niyo nagpahabol pa sakin kala mo gwapo, duh! malaki lang katawan niya pero diko siya type 'no HAHAHAHAHA!" umiirap na sambit ni Noli kaya natawa kami ni Franco sakanya. "Siya nga pala Mare, Pare! Ito oh nagdala ako ng fruits para kay Billy~nagpatulong pa ako dito sa anak ko dahil diko alam kung anong nga kinakaing prutas ni Billy." sabi ni Noli at inilapag sa tabing lamesa ang mga prutas na naka-basket na dala niya. "Nako, Salamat Mars at nag-abala pa kayo ha?" nahihiya kong sabi at nagpasalamat din si Franco. "Wala iyon ano ba kayo! Alam niyo naman na si Billy na anak niyo ay parang anak ko na rin." dagdag pa ni Noli. Nakakatuwa talaga itong kaibigan ko hahaha! Napaka-supportive talaga sa pamilya ko at saakin. [To be Continued...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD