[Writer's POV]
Nagkatinginan naman sila Nina at ang anak niyang si Lee sa nangyayari kay Billy. Kinalaunan ay isinugod sa ospital si Billy dahil tila nalason ito sa kinaing pagkain na ginawa mismo ng kanyang sariling ina na si Julia. Nang maipasok na sa ER ang binatilyo ay hindi na pinapasok doon si Julia at ang mga magulang niya na kasama niya.
"Diyos ko ano nangyayari sa anak ko?" naluluhang tanong ni Julia at niyakap naman siya ni Vaness. "'Wag ka na mag-isip ng kung ano-ano anak, magiging maayos din ang lahat. Magiging mabuti rin ang lagay ng apo ko." malambing na sabi ng kanyang Ina habang hinahaplos ang buhok niya pababa. Bigla namang dumating sila Nina, Lee, Georgia, Hideo at Sarah sa pwesto nina Julia. "Baka may nailagay ka sa turon na allergy doon si Billy, anak?" tanong ni Nelson. "Shrimp! Hindi ba allergy si Billy sa shrimp?" sabi ni Sarah. "Oo, diba mayroon tayong fried shrimp powder sa kitchen? Baka may nailagay kang ganoon sa turon Sis?" gatong pa ni Nina.
"Hindi, Nina. Imposible dahil wala talaga akong nilagay na ganoon sa mga ginawa ko kanina. Wala rin naman akong katulong sa kusina nung ginagawa ko ang mga turon na iyon kaya walang magkakamaling lagyan iyon ng shrimp powder." depensa naman ni Julia. "Sigurado bang shrimp powder ang nakapagdala kay Billy dito sa ospital?" tanong ni Hideo. "Oo, dahil pag nakakakain si Billy ng shrimp, buo man o powder basta shrimp ganoon ang nagiging reaksyon niya. Allergy kasi siya doon parang ang tita niyang si Nina." sagot ni Sarah. "Oo kasi kung lason iyon malamang, namutla na si Billy or worse bumula ang bibig niya tapos pwede ringㅡ" naputol ang sinasabi ni Georgia ng tapikin siya ni Nina sa siko at pinandilatan ng mata. "Hihi! Sorry po nago-overthink lang." nahihiyang sabi ni Georgia at lumapit naman si Nina kay Julia para yakapin ang kapatid.
Naiyak naman lalo si Julia nang yakapin siya ni Nina at haplusin ang likod nito. Si Lee naman ay tumunog ang kanyang phone kaya lumayo siya at sinagot niya iyon.
"Hello, Dad?"
"Hello Lee, anak? pauwi narin ako sa mansyon makakanood na tayo ng mommy mo ng movies. Makakapag-bonding na ulit tayo haha!" masayang sabi ni Trevor.
"AhㅡDad, malapit ka na ba sa mansion?"
"Ha? Uh...Hindi pa naman anak, bakit?" tanong ni Trevor.
"Dad, kasi ano...Narito kaming lahat sa ospital ngayon. Ang mga maids lang at ang guards ang tao sa mansyon."
"What?! Bakit kayo nariyan? Sino ang na-ospital?" gulat na tanong ni Trevor.
"Dad, si Billy po. Isinugod sa ospital dahil nakakain yata ng pagkaing may allergy siya."
"Oh sige, diyan na ako dideretso." sagot ni Trevor at iniliko niya agad ang kotse niya sa ruta papunta sa ospital na pinagagamutan nilang pamilya Ruby. Kilala kasi nila ang may-ari ng ospital na iyon kaya lahat sila ay doon nagpapatingin pag may problema o emergency.
Nang makarating na si Trevor sa ospital ay agad niyang tinanong sa nurse ang pangalan ng pasyenteng hinahanap niya at nang masagot siya ay agad siyang umakyat sa 5th floor kung nasaan ang kwarto ni Billy. Pag-akyat niya ay nakita niyang magkayakap sina Julia at ang asawa niyang si Nina habang nakaupo kasama pa ang ibang miyembro ng pamilya Ruby. "Okay na po ba si Billy?" Hinihingal na tanong ni Trevor. "Oo, Honey. Bukas ng umaga pwede na raw lumabas si Billy." sagot ni Nina. "Mabuti naman kung ganoon." sagot ni Trevor na tila nabunutan ng tinik sa puso.
"Kaloka, bakit nauna pa si Hot Daddy Trevor kay Daddy Franco?" tanong ni Georgia. "Wala namang sasakyan si Franco Mars, di tulad ni Trevor na mayroon kaya mas nauna pa." sagot ni Nina. Maya-mayang kaunti ay dumating narin si Franco sa ospital kung nasaan ang Ruby Family. "Nasa loob na ba si Billy? Maayos na daw ba ang lagay niya Love?" tanong ni Franco at niyakap siya ni Julia. Napa-kasa naman si Vaness sa lalamunan niya at napabitaw si Julia at Franco sa pagkakayakap sa isa't isa.
"Ahㅡokay na daw si Billy, Love. Makakalabas na daw siya bukas ng umaga sabi ng doktor." sabi ni Julia. Napatango nalang si Franco dahil nahihiya siyang sumagot kasi nasa tabi ang Mommy ni Julia na si Vaness na ayaw sakanya. "Julia, anak. Babalik na kami sa mansyon. Nagbago kasi ang ihip ng hangin dito kaya gusto ko nang umuwi." malamig na sabi ni Vaness at nakipag-beso siya kay Julia tapos nauna na siyang naglakad at sumunod sakanya si Sarah. Nakayuko naman si Trevor ng tapikin siya nina Nelson at Hideo sa balikat pahiwatig na aalis narin sila kaya napangiti nalang si Franco sa dalawa na sumunod narin kay Vaness.
"Sis, una narin kami Trevor at ng anak ko ha?" nakangiting paalam ni Nina at nagyakapan ulit sila ni Julia. "Una na po kami Tita Julia." paalam rin ni Lee. "Oh sige, mag-iingat kayo pag-uwi." sagot ni Julia at naglakad na ang tatlo kasama si Georgia palayo at bigla namang bumalik si Trevor. "Balitaan niyo ako kay Billy ha?" bulong niya sa mag-asawa at nakangiting tumango naman ang dalawa kay Trevor. Bali ang natira nalang ay ang mag-asawang Julia at Franco pati ang anak nilang si Billy sa loob ng kwarto.
[To be Continued...]