[Billy's POV]
Ngayon ay pauwi na kami ni Lee sa Ruby Mansion at narito kami ngayon sa van ni Tito Hideo, sinundo niya kami dahil nagpasundo si Lee. Tahimik parin akong nakaupo sa Van at katabi si Lee. Bakit ang weird ni Lee kanina? kung umarte siya parang sila na ni Jelly. "Billy, are you alright?" tanong ni Lee. "Ahㅡyeah! yeah, I'm fine." nakangiti kong sabi. "Billy, gusto ko sanang magpatulong sayo." sabi ni Lee. "Patulong? saan? Topic ba sa school?" tanong ko pabalik. "No! hahaha! Diba alam mo na may gusto ako kay Jelly? Bro, tulungan mo naman ako maging kami." sabi ni Lee. Nang sabihin niya iyon ay kumabog ang dibdib ko at nanlamig sa sinabi niya.
Gusto kong sabihin na 'wag niyang gawin iyon dahil may gusto rin ako kay Jelly. Pag sinabi ko naman iyon parang ang selfish ko naman sa pinsan ko. Sabi ko na nga ba problema ito eh! Pareho kaming may gusto kay Jelly kasi. Oh my god, paano ba ito? anong sasabihin ko kay Lee? "Huy, Bro? ano? Please?" pakiusap niya pa at ako naman ay sumangayon ng labag sa loob pero hindi ko iyon pinakita kay Lee dahil ayokong masaktan siya. Dapat ba akong magparaya dito?
[Julia's POV]
Nagluluto ako ngayon ng miryendang turon para sa pamilya. Paborito nila kasi itong panghimagas hahaha! "Ma'am Julia? Pwede linisin ko rin po yung Work table niyo po sa kwarto niyo?" tanong saakin ng isang kasambahay paglapit niya. "Ah, Oo pati iyon pakilinis narin ha?" sagot ko. "Pero, nakapatong po yung computer niyo doon at mga papeles niyo baka po di sinasadyang masira ko po?" sagot nung katulong saakin. Kung sa bagay medyo bata pa kasi ang isang ito kaya malamang medyo clumsy pa siya. "Ah, sige tutulungan na kitang ibaba iyon ha?" sabi ko. "Sigurado po kayo Ma'am? May ginagawa pa po kayo eh." sabi niya. "Ay ano ka ba, hindi naman ito tatakbo eh. Dapat kitang tulungan doon dahil baka mamaya nga pag nasira mo pa sinasadya mo man o hindi ibawas pa nina Mommy at Daddy iyon sa sweldo mo. Ayoko mangyari iyon kaya tutulungan na kita haha!" masigla kong sabi at nakangiti naman siyang sumangayon tapos tumungo na kami sa aking kwarto at iniwanan ko doon ang mga saging na hinati-hati ko na at may iba na ring nakabalot.
Matapos kong tulungan ang aming kasambahay ay bumalik na ako sa kusina at binilin ko sakanya na linisin niya lang yung table tapos ako nalang ang mag-babalik ng mga nakapatong doon. Habang tinatali ko ulit ang mahaba kong buhok ay may napansin akong kakaiba sa mga turon na ginagawa ko. Nung iniwan ko ito kanina, tatlo lang yung binalot ko sa pagkaka-alala ko pero ba't ngayon apat na? Oh baka apat naman talaga yung binalot ko hindi ko lang maalala? "Ang weird naman..." bulong ko sa sarili at nagpatuloy na sa ginagawa ko.
Pinagpatuloy ko na hatiin ang mga natitirang saging at ibalot iyon sa lumpia wrapper tapos iprinito sa mainit na mantikang may brown sugar.
[Nina's POV]
Kasama ko ngayon si Georgia dito sa mansyon at narito kami sa living room. "Sigurado ka ba doon sa ginawa mong hindi magba-backfire sayo iyon Mars?" tanong ni Georgia. "Bwisit ka, hinaan mo 'yang boses mo or better yet shut your mouth!" bulong kong saway kay Georgia. "Sorry na, ito naman GG agad." maarteng sagot ni Georgia at inirapan ko lang siya. May ginawa kasi akong something~Bad.
"Family, luto na ang Turon pwede na tayo kumain~!" aya ni Julia at nag-echo ang boses niya dahil malaki ang mansyon namin, i can't really describe our mansion basta all i can say is malaki at malawak. White and Red ang color scheme ng mansyon namin, Red kasi nga Ruby. Tapis of course everything luxurious is inside of our mansion with gold and silver color. Nagpuntahan na kaming lahat sa Dining room at umupo na kami para mag-miryenda ng ginawa ng pabida kong kapatid. "Wow, mainit-init pa iyan anak ah." excited na sabi ni Daddy. Nauna namang kumuha si Billy ng turon at kinain niya iyon, kumuha narin ang iba at katabi ko naman si Lee at Georgia at tinapik ko ang binti nila sa ilalim ng lamesa pahiwatig na 'wag muna silang kukuha.
Ilang saglit naman matapos makalahati ni Billy ang turon ay bigla niya itong nabitawan tapos nakahawak siya sa leeg niya na tila nasu-suffocate ito. Oh gosh, i expect Julia to eat that poisonous turon i made! "Apo? are you okay?" tanong ni Daddy kay Billy. "Billy? Billy anak tumingin ka sakin anong nangyayari?" nagpa-panic pang dagdag ni Julia. Natataranta naman na sina Mommy, Uncle Hideo at Aunti Sarah sa nangyayari kay Billy.
[To be Continued...]