[Continuation to Nina's POV]
Bigla namang pumasok ang anak ko sa kwarto namin ng Daddy niya. "Mom? Dad?" tawag niya. "Oh, anak bakit hindi ka pa tulog? Wala ka bang pasok bukas?" tanong ni Trevor. "Wala po Dad, haha!" sagot ni Lee. "Ah, mom pwede bang pumunta ka sa room ko ngayon? may itatanong lang ako para sa assignment namin." dagdag pa ni Lee. "Ah, sure! sandali lang." ani ko at kinuha ang phone ko tapos kinurot ko ang ilong ni Trevor senyales na sandali lang at iniwan namin siya sa kwarto.
[Lee's POV]
Nang napapasok ko na si Mommy dito sa kwarto ko ay ini-lock ko ang pinto ko at humarap sakanya. "Mom, ano ba talagang dahilan bakit tayo bumalik dito agad?" tanong ko. "Well, anak. I have a brilliant plan." sagot niya.
"What?"
"Sisirain natin ang image nina Julia at Billy kela Mom and Dad nang sa ganoon sila naman ang umalis dito sa mansyon." sagot ni Mommy.
"Pero syempre hindi ko magagawa iyon ng mag-isa. Kaylangan ko ng tulong mo anak. Sisirain ko si Julia at sisirain mo si Billy." dagdag pa niya at ako naman nakatulala lang.
"Anak isipin mo, papabor saatin ang lahat ng bagay kela Mom and Dad kung tayo ang bida sakanila. Magaling sila kaya sila gusto diba? Edi maging ganun din tayo at baliktarin natin ang mundo ng Ruby Mansion." sabi pa ni Mommy.
Parang...maganda nga ang idea ni Mommy ah? okay then! kung makikinabang din naman kami ni Mommy bakit hindi?
Kinabukasan ay narito ako sa aming garden at nakita ko na aalis si Billy. Ooh, kelan niya pa ako natutuhang hindi ayain? Lumapit ako sakanya at kinausap. "Billy! Uhm, saan ka pupunta?" tanong ko. "Ah! sa bahay nina Jelly. Gusto mo ba sumama?" nakangiti niyang tanong. "Of course! hahaha!" masigla kong sagot. One of my first attacks.
"Jelly?" tawag ni Billy habang nagdo-doorbell. "Sigurado ka bang nandito siya?" tanong ko. "Oo naman siya nga mismo ang nag-imbita saakin eh haha!" sagot ni Billy. Kinalaunan ay nagbukas na ang gate at lumabas doon si Jelly. Ang ganda niya talaga. "Oh, I didn't know kasama ka pala Lee haha!" di makapaniwalang sabi ni Jelly. "Inakala mo kasi na magkaaway kami ni Billy kahapon kaya ito, sumama ako sakanya para patunayan na hindi talaga." sagot ko. "Ano ka ba, naniniwala naman ako sayo 'no! Pasok kayo!" aya niya at nauna pa akong pumasok sa gate nila at iniwan ko si Billy sa hulihan.
Sabay kaming naglalakad ni Jelly papasok sa malaking bahay nila. "Yaya, pakihanda naman kami ng miryenda. Tatlo kami okay? Thanks!" utos niya sa yaya nila. "Nasaan si Billy? Hey, Billy boy! Bakit nariyan ka pa rin at ang bagal mo maglakad?" sabi ni Jelly. Ang bagal naman kasi ng isang ito maglakad kala mo inaapi. "Ah, wala sinara ko pa kasi yung gate niyo haha!" sagot ni Billy. "Tara doon tayo sa Kwarto ko!" aya ni Jelly at sumunod ako ng nakadikit parin sakanya. Hm! Diyan ka lang Billy, akala mo hindi ko alam na may gusto ka kay Jelly? Dalawang buwan na kitang pinagmamasdan sa classroom at basang-basa ko na ang isip mong lalake ka.
[Billy's POV]
Bakit ba dikit na dikit naman si Lee kay Jelly? Ngayon ay nasa kwarto na kami ni Jelly at pagpasok namin ay may isa pang dalaga sa loob na pamilyar ang mukha. "Oh, Hi! Ako si Rina ang pinsan ni Jelly. Late enrollee lang ako sa Oakside University haha katabi niyo lang rin ako ng section~" sabi niya. Ang daldal niya hahaha! Katabi ng Section? kaya pala pamilyar ang mukha niya. "Oo, pagpasensyahan niyo na ang pinsan ko ha? madaldal talaga iyan eh. Upo kayo sa couch ko hahaha!" aya saamin ni Jelly at nang lalapit ako kay Jelly ay bigla siyang hinila ni Lee sa kamay papunta sa couch. "Halika, ikaw muna dapat ang umupo dahil kwarto mo ito." ani ni Lee.
"Uy, alam niyo ba bukod sa Daddy ni Jelly kayong dalawa palang ang mga cutie boys na napapasok ni Jelly ace dito." sabi ni Rina. Ahahaha! Ang daldal niya talaga. "Rina, shut up! hindi ka makakakain ng Cookies pag dumaldal ka pa diyan ha?" pabirong saway ni Jelly. "Hey, nagawa niyo na ang assignment natin sa Science?" nakangiting tanong ni Jelly at hinampas ang kaliwang braso ko kaya nasaktan ako. "Aww!" inda ko. "Ay, bakit? Sorry!" paumanhin ni Jelly. Masakit ang parteng iyon dahil 'yon yung sinuntok ni Lee kahapon. "Ayos lang haha!" sagot ko. "Tapos na ako doon sa assignment, gusto mong pakopyahin kita?" sabi ni Lee. "Ah, sorry Lee gusto ko man makita ang mga sagot mo pero hindi pwede hahaha!" sabi ni Jelly. Edi kayo nalang ang mag-usap. "Ahahahaha! Kunyari ka pa Jelly eh kopyador ka naman nung Grade 5 at 6 tayo!" pangaasar ni Rina. "Bwisit ka talaga, Rina ka!" natatawang sabi ni Jelly.
"Billy, why you're so quiet?" tanong ni Jelly saakin. "Oo nga baka mapanisan ka ng laway diyan teh ah?" dagdag pa ni Rina kaya natawa naman sina Jelly at Lee.
[Navee's POV]
I'm here at my Balcony with Piper. "So, how's that cute guy you are telling about me earlier?" tanong niya. "Well, his name is Lee Ruby. Let's say that i have a crush on him. Crush pa lang pero pag nalaman kong katulad ko siyang extrovert ay nako ateng! In love na ang lola mo." sabi ko. "Taray! Uy, gusto ko makita iyan si Lee!" sabi niya. "Wait, nag-selfie kami kahapon eh." sabi ko then i turned on my phone and go to my gallery. "OMG, nakatungtong na si Fafa Lee dito, Mars?" manghang sabi ni Piper. "Of course!" pagmamalaki kong sambit at ipinakita ko sakanya ang picture namin ni Lee na magkasama.
"Aaayy oo nga, ang gwapo at ang hottie nga mars! hahaha!" kilig na sambit ni Piper. "Oh, kinilig ka naman, crush mo na?!" sabi ko at hinablot ko ulit yung phone ko pabalik saakin. "So, pano kung niligawan ka na niyan? Bagay kayo Mars!" sabi niya. "Well, kung hindi niya ako maisipang ligawan. I'm gonna make my own way para ma-in love siya saakin. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nakukuha si Lee." nakangit kong sabi at nag-apir naman kami ni Piper.
[To be Continued...]