[Continuation to Nina's POV]
"Nina, please don't do this." ani ni Julia. At humalakhak naman ako ng sarkastiko sa sobrang tuwa. "Nakakatawa ka talaga Sis. Bakit ko naman gagawin iyon eh ayokong mawalan ng magandang buhay ang pamangkin ko at ikaw." sabi ko. "Aㅡano?" lito niyang tanong. Tumayo ako sa aking upuan at naglakad papunta sakanya tapos hinawakan siya sa kamay, Eww. "Sis, okay na. Babalik na kami ni Lee doon mamaya." mahinahon kong sabi. "Talaga? Nina, Thank you! Hindi ka na ba galit?" masaya niyang tanong. "Hindi na, Naka move on nako Sis." nakangiti kong sabi at nagyakapan kami. Umiirap naman ako habang magkayakap kami. Ugh! How long will i stand this plastikan? Duh!!
[Trevor's POV]
Mula dito sa Department ko ay tinawagan ko ang asawa ko sa phone. "Hello, Honey? Bumalik na kayo sa bahay please. Miss na miss ko na kayo ni Lee agad." sabi ko. "Oo, Honey. Babalik na kami ni Lee doon mamayang gabi." sabi niya at natuwa naman ako kaya nagkaroon ng abot taingang ngiti sa aking mga labi. "Talaga Honey? Sige, bibili ako ng paburito nating dessert mamaya okay? Umuwi na kayo ng anak natin ha? Don't try do disappoint me Honey please!" dagdag ko pa. "Oo na honey, i promised! hahaha!" sabi niya. "Okay, i love you." sagot ko. "I love you more, Honey see you later." ani niya at pinutol na niya ang linya.
Mabuti naman babalik na sila ni Lee. Hindi ko kinaya ang eksena kagabi sa mansyon. Sobrang malayo naman ang mansyon namin dito kaya hindi rin ako nakasama kena Nina, doon ko dapat sila dadalhin pero hindi ako nakasunod agad dahil masyado silang mabilis mag-empake. Pero hinayaan ko nalang din dahil alam ko naman kung saan sila pupunta at babalik din naman sila sa mansyon kinalaunan.
[Writer's POV]
Kinagabihan sa Condo unit ni Georgia ay nagsimula na mag-ayos sina Nina at Lee ng kanilang mga gamit at tila naghahanda sa pagbalik sa Ruby Mansion. "Ang bilis niyo naman magkabati ng Sister mo Bes." ani ni Georgia. "Ano ka ba, platikan lang iyon 'no." sabi ni Nina. Bigla namang dumating si Lee sa unit ni Georgia. "Hey, Lee! How's school?" tanong ni Georgia. "Ahaha! okay lang naman po tita Gia." sagot ng binatilyo. "Son, bakit ngayon ka lang aren't you supposed to be here at 3pm earlier?" tanong ni Nina sa anak. "Ah, Mom inimbitahan kasi ako ni Navee kanina sa Bahay nila." sagot ni Lee. "Who's that Navee huh? Girlfriend mo ba?" tanong ni Georgia. "Tita Gia, Hindi! Classmate ko lang siya. Pinakilala niya kasi ako sa parents niya kanina haha!" ani ng binatilyo. "Ay taray, may pagpapakilalang naganap!" sagot ni Georgia. "Anak, Prepare dahil babalik na tayo sa mansyon." sabi ni Nina. "What do you mean Mom?" tanong ng binatilyo.
"Babalik na tayo sa Ruby Mansion. Pinababalik na tayo nina Mom and Dad, manghihingi daw sila saatin ng apology. Bilisan mo na anak." sagot ni Nina.
[Julia's POV]
Babalik na ngayon sila Nina, siguradong magiging masaya ngayon sina Mom and Dad! Maraming nakahandang pagkain ngayon sa dining table. May appetizers, main dish, desserts at bumili rin ng tatlong box ng japanese mochi si Trevor. Iyon daw kasi ang favourite dessert nilang tatlo ng magi-ina niya. Kinalaunan ay narito na ang mag-ina at masaya namin silang sinalubong sa loob ng mansyon. Niyakap nina Mom and Dad ang kapatid kong si Nina at ang pamangkin kong si Lee matapos nitong ibaba ang mga maleta nila.
Nakaktuwa ang mga ngiti sa mukha ng isa't isa. "Welcome back Nina hahaha!" masayang sabi ni Sarah at nagyakapan sila. "Buo na ulit ang Three Brothers!" dagdag pa ni Hideo at niyakap niya si Lee habang katabi nito ang anak ko. Hinalikan naman nina Trevor at Nina ang isa't isa dahil sa saya. Lumapit naman ako kay Nina matapos ni Trevor. "Nina, Salamat ha? Bumalik ka." sabi ko. "Sis, ginawa ko ito para maging masaya tayong lahat. Tsaka sino ba naman ako para hindi magpatawad diba?" nakangiti niyang sabi at nagyakapan kaming dalawa. "My Two Daughters and two grandsons tara na at mag-dinner na tayo ng masaya okay? hahaha!" aya ni Mommy. "Okay, Mom!" sagot ni Nina at sabay-sabay na kaming tumungo sa dining room.
Masaya kaming naghahapunan ngayon sa hapagkainan. Tila nakalimutan na nga ang nangyaring tensyon kagabi. "Try this one, Nina. Pinaluto ko iyan sa mga maids para sainyo ni Lee." ani ni Dad habang nakalahad ang kamay niya sa Scallops in Salted Egg. "Sure, Dad." nakangiting sabi ni Nina at tumuhog siya ng isang scallop gamit ang tinidor niya at tinikman ito. "Wow, Spicy! hahaha!" natutuwang sagot ni Nina. "Hoy, ako nag suggest sa mga maids na anghangan nila para sayo ha?" sabi ni tita Sarah at natawa naman kami sakanya.
[Nina's POV]
Matapos ng aming dinner ay nagpahinga na kami lahat tapos narito kami ni Trevor sa kwarto namin. "Honey? 'Wag na ulit kayong aalis ni Lee ha? Ayoko na ng ganon please." mahinang sabi ni Trevor. Mahal na mahal talaga ako ng asawa ko, napaka swerte ko talaga sakanya. Kahit ganito ang ugali ko na madalas maldita at masungit ay kayang-kaya niyang mag-stay saakin. "Oo naman Honey, hindi na kami aalis ng anak mo dito." malambing kong sabi at niyakap namin ang isa't isa. Tama, hindi na kami aalis ni Lee dito dahilㅡsina Julia at Billy ang aalis.
[To be Continued...]