[Lee's POV]
Nakatira kami ngayon kela tita Georgia, ang matalik na kaibigan ni Mommy. Ngayon ding umaga ay nasa school na ako habang nasa Ruby Cosmetics naman sina Mommy at tita Georgia. P.E lang namin ngayon kaya imbis na naka uniform kami ay nakasuot kami ng mga preskong damit. Nakasuot ako ng Black Sleeveless at Royal Blue Jogging pants dahil naglilinis kami ngayon ng garden sa school. Kasama ko naman si Navee ngayon at nakasuot siya ng Red Sleeveless at naka jogging pants na light pink saka pareho din kaming naka white rubber shoes.
Habang nagwawalis ako malapit sa mga sako ng fertilized soil ay biglang lumapit saakin sina Billy at Jelly. "Lee? pwede ba kitang makausap kahit sandali lang?" tanong ni Billy at humarap ako sakanya ng naka poker face. "Lee... Gusto na daw kayo pabalikin ni Lolo at Lola sa mansyon. Gusto daw nila manghingi ng tawad sa personal sainyo nina Tita Nina." mahinang sabi ni Billy. "Oh tapos?" sarkastiko kong tanong at hindi naman nakasagot si Billy. "Sa una lang naman sila magiging mabait samin tapos pagkatapos ng ilang araw echapwera at echapwero nanaman kami ni Mommy sa mansion. Paano, lagi nalang kayo nagbibida-bida ng nanay mo. Mangaagaw kasi kayo ng atensyon, diba?" sabi ko. "Lee, hindi totoo 'yan. Hindi kami nangaagaw ng atensyon okay? Ginagawa lang namin kung ano makapagpapasaya kela Lolo at Lola. Pwede niyo rin naman gawin iyon eh." sagot ni Billy.
"Paano namin gagawin 'yon kung parati kayong nakaharang sa view nila?" sagot ko. Gustong gusto kong sapakin si Billy ngayon at hampasin siya ng hawak kong walis tingting ng paulit-ulit pero inaalala ko ang image ko dito sa school. "Lee, nagaaway ba kayo?" tanong ni Jelly. "Ah? Ay hindi bakit kami mag-aaway ni Billy eh close nga kami nito ng sobra eh, DIBA?!" Pagkasabi ko ng diba ay sinuntok ko siya sa braso niya ng malakas at alam kong nasaktan siya hindi lang siya nag-react. "Nako, akala ko nagaaway kayo eh hahaha! Tara na sabay-sabay na tayo kumain nina Navee muna sa Cafeteria bago tayo umuwi." masiglang sabi ni Jelly. "Ah, hindi na Jelly. May pupuntahan pa kasi kami ni Navee. Diba?" sabi ko kay Navee kahit wala naman. Mabuti nalang marunong sumakay si Navee kaya umoo nalang siya ng nakangiti.
Bwisit ka talaga Billy!
[Nina's POV]
I'm here at my Office at kasama ko si Georgia ng biglang pumasok si Julia the Pabida matapos niyang kumatok ng tatlong beses. "Pwede bang hintayin mo muna ang respond ko bago ka pumasok dito sa office ko?" inis kong sabi. "Ahㅡnako Ms.Nina iwan ko muna kayo ni Ms.Julia ah? Bye, balik muna ko sa department bes!" sabi ni Georgia at mabilis na lumabas ng office ko. Lumapit naman saakin si Julia ng kaunti. "Sorry Nina, may importante lang kasi akong sasabihin sayo." sabi ni Julia. "Ano nanaman?" malamig kong sambit. "Nina, gusto na kayo pabalikin nina Mom and Dad sa Mansyon. Hihingi daw sila sainyo ni Lee ng tawad sa personal. Sa totoo lang umuwi na nga sila sa Mansyon ngayon eh hinihintay nila kayo ni Lee." nakangiting sabi ni Julia.
Humalukipkip naman ako at tumingin ng mataray sakanya. "Give me a valid reason para bumalik kami ng anak ko sa mansyon." sabi ko. "Nina, Sila parin ang parents natin. May utang na loob tayo sakanila na kahit kelan ay hindi natin mababayaran." sabi niya. "Natural, maliban doon sa sinabi mo may naiisip ka pa ba?" sarkastiko kong sabi at hindi siya nakasagot.
"Alam mo kung ano? Umalis kayo ni Billy sa mansyon para magkaroon kami ng puwang sa puso nina Mom and Dad. Ayon! Babalik kami sigurado." nakangiti kong sambit. "NㅡNina...'Wag naman sanang ganon. Wala kaming titirahan ni Billy." mahinang sabi ni Julia. "Is that my problem? Julia, mayaman tayo. Imposibleng wala kang ipon. Kumuha ka ng Condo, Apartment Complex or better...Sumama kayo Franco. Diba mahal na mahal mo ang asawa mo?" sarkastiko kong sabi at bigla namang naging kaawa-awa ang mukha niya. "Pasalamat ka nga hindi ko binubunyag ang sikreto mo kena Mom and Dad dahil malamang yari ka sakanila." dagdag ko pa.
[To be Continued...]