[Nina's POV]
Masama ang loob kong naglalakad paakyat sa kwarto ni Lee at sinusundan ako ni Trevor. "Honey, saan ka pupunta?" tanong ni Trevor. "Aalis kami dito ng anak mo, kung sasama ka edi sumama ka." inis kong sabi. "Pero saan tayo pupunta? Nina, pagpasensyahan mo na ang mga magulang mo. May edad na sila kaya ganon." mahinahong sabi ni Trevor at hinarap ko siya. "Trevor, kami ng anak mo ang naagrabyado dito! Kakampihan mo pa yung mga iyon?!" inis kong sabi. "Honey, wala akong kinakampihan okay?" sagot ni Trevor. "Ah so ano?! Kami lagi ni Lee ang mag a-adjust sakanila? Aba masyado naman yata silang pinagpala kung sakanila lagi naka-pabor ang lahat. Aalis kami ng anak mo dito tapos!" Sabi ko at nagpatuloy sa pagakyat sa kwarto ni Lee. Kinalaunan ay nakarating na ako at binuksan ko ang pinto niya.
"Lee, mag-empake ka ng gamit mo anak. Aalis na tayo dito." malamig kong sabi at agad naman itong kumilos. Iniwan kong awang na nakabukas ang pinto niya at dumiretso na ako sa kwarto ko. Kinuha ko ang kulay pula kong maleta at inilagay doon ang lahat ng damit ko.
Pumasok naman sa kwarto ko sina Julia at Sarah para awatin ako sa pagi-emapake pero wala silang nagawa. Nang matapos ako sa pagi-empake ay bitbit ko ang maleta ko at nakasunod parin saakin sina Julia at Sarah pati ang anak ko. Nang makababa kami ni Lee sa first floor ay nakita kami nila Mom mula sa hapagkainan. Dito kasi sa mansyon bago ka lumabas sa main door ay makikita ng kung sinong tao sa dining room. Lumabas na kami ni Lee pero sinundan kami ng lahat. "Nina, ano bang ginagawa niyo ng anak mo? Bumalik nga kayo sa loob." awat ni Daddy. "Nina, wala namang nagpapaalis sainyo dito eh. Anak ano ba?" dagdag pa ni Mommy.
"Tita Nina, Lee 'wag na kayong umalis." rinig kong sabi ni Billy. Hindi ako nagpapigil at hawak ko si Lee ng lumabas kami sa Gate ng aming mansyon. Hinawakan naman ako ni Julia sa braso ng makalabas na kami. "Bitawan mo nga ako!" inis kong saway sakanya at padabog kong ipiniglas ang braso ko kaya nabitawan niya rin. "Nina, pag-usapan natin ito nila Mom and Dad please! Hindi mo kaylangan lumayas Nina!" sabi ni Julia.
"Pag-usapan mo ulo mo Julia." sarkastiko kong sambit at nagpatuloy na kami sa paglalakad ni Lee. "Nina anak! Bumalik kayo dito!" rinig kong tawag saamin ni Mommy. "Nina, Anak!" tawag pa ni Daddy pero dirediretso lang kami naglalakad ni Lee sa tahimik na kalsada ng village namin. 7pm na kasi kaya naka-uwi na ang mga taong nagta-trabaho dito sa kanikanilang mga bahay.
Kinalaunan ay nakalabas na kami sa Stone Village at tumawag ako ng taxi sa harap ng gate ng Village namin. Sumakay kami ni Lee sa taxi at nagmaneho ito papalayo. Inakbayan ko ang anak ko at hinaplos ko ang Braso ni Lee tapos hinalikan ko siya sa kanyang ulo. "Okay ka lang ba anak?" tanong ko. "Opo Mom, Kayo po?" tanong niya. "Okay lang rin ako anak." sabi ko. "Mommy saan tayo pupunta?" tanong ni Lee. Sa ngayon doon muna tayo sa bahay ng tita Georgia mo tapos maghahanap ako bukas ng magandang condo unit at doon tayo magii-stay, okay ba iyon sayo?" tanong ko at nakangiting tumango naman si Lee kaya nagyakapan kami.
[Nelson's POV]
What have i done? Hindi ko dapat sinabi iyon kela Nina at Lee. Ngayon lalong lumayo ang loob ni Nina saakin o saamin ng Mommy niya dahil sa ginawa ko. Bumalik na kaming lahat sa hapagkainan at tahimik na kaming lahat. Nakita ko naman si Trevor na naka-kabit ang mga daliri sa dalawang kamay at nakaharang iyon sa kanyang mga bibig na tahimik. Si Billy naman ay nakatago ang mga kamay sa ilalim ng lamesa at tahimik din, si Julia ay nakalapat ang kanang kamay sa kanang pisngi, sina Hideo at Sarah naman ay nakatitig lang sa kanilang mga pagkain at ganun din kami ni Vaness.
"Pasensya na kayo sa nangyari kanina." mahina kong sabi. Sising-sisi ako sa mga sinabi ko kanina sa anak at apo ko. Tama sila, hindi ko dapat kinumpara si Lee kay Billy dahil nalimutan kong ayaw na ayaw pala ni Lee na kinukumpara siya sa iba. "Mali ako." dagdag ko pa. "Oh ngayon may umalis nang isa dito sa mansyon...paano natin mapapabalik si Nina at Lee dito eh galit na galit sila." sabi ni Vaness. "Trevor, pasensya na sa mga nasabi ko kanina sa mag-ina mo." paumanhin ko kay Trevor. "Ako rin Hijo, nanghihingi ng pasensya sa mga nasabi kanina sakanila." dagdag pa ni Vaness.
"Wag niyo na po alalahanin iyon Mom at Dad. Alam ko naman po kung saan pupunta si Nina at si Lee eh." sabi ni Trevor. "Saan? Pwede mo bang sabihin samin?" tanong ko. "Sa Bestfriend niya po na si Georgia." sagot nito. "Ate, kuya Nelson please sana naman 'wag nang maulit ito." sabi ni Sarah. "Pasensya na talaga kayo." sabi ni Vaness. "Billy, pwede mo bang kausapin si Lee bukas sa school niyo?" tanong ni Hideo. "Opo, Susubukan ko siyang kausapin, lalo na't kaunting oras lang kami sa school bukas dahil P.E lang naman po." sagot ni Billy.
[To be Continued...]