Chapter 10 | Argue Dinner

965 Words
[Continuation to Lee's POV] "Ahㅡano bang problema Lee? Nasiyahan naman sila sa play natin ah?" mahinang sabi ni Billy. "Oo nga atsaka ano bang big deal eh...ginawa lang naman namin iyon for our score." dagdag pa ni Jelly. Gatong ng gatong mali mali naman ginawa! Haaayyy!!! Umupo nalang ako sa upuan ko at iniwan silang dalawa. Maya-maya ay breaktime na namin at inaya ako nina Jelly at Billy na bumaba. "Sige, susunod nalang ako." malamig kong sabi. "Pero 40 minutes lang ang Breaktime natin Leeㅡ" pinutol ko ang sasabihin ni Billy ng bigla akong magsalita. "Susunod na nga lang ako." agad kong sabi at nagkatinginan naman sina Billy at Jelly. Bakit ganito? bakit naiinis ako pag-magkatabi sila? pag magkasama sila? [Writer's POV] -2 Months Later- Natapos na ang 1st grading exam sa 1st semester nina Billy sa kanilang unibersidad at ngayong hapunan ay nasa lamesa sila sa dining room ng kanilang mansyon. "Billy pwede ko bang makita ang results sa mga subjects mo sa school?" nakangiting tanong ng kanilang Lolo na si Nelson. Iniabot naman ni Billy sakanya ang hinihingi at nang buksan ito ni Nelson ay nanlaki ang nga mata niya sa gulat. "Ahaha! Napaka-talinong bata mo talaga Billy. Wala kang mababang grado ni isa. Nice!" puri ni Nelson sa apo. "Mana po sainyo Lolo hahaha!" sagot ng binatilyo at natawa si Julia, Vaness, Hideo at Sarah. "Eh yung sayo, Lee? maaari ko bang makita?" ani ni Nelson. "Syempre naman po Lo." mahinang sagot ni Lee at iniabot sa lolo niya ang hinihingi. Napapikit nalang si Nelson sa nakita at nagkatinginan sina Nina at Lee. "Lee, Apo? Bakit hindi mo kayang makakuha ng mataas na grado sa Math? Hindi ba, elementary palang kayo ang asignaturang iyan na ang mahina ka? Tignan mo ang pinsan mong si Billy, nagi-improve sa lahat. Samantalang ikaw ganun parin at ang bagal ng improvements mo sa math." mahinahong sabi ni Nelson. "Lo, 'wag niyo nga akong ikumpara sa lalakeng iyan. Hindi kami magkatulad." sabi ni Lee. "Lee, apo. Hindi mo dapat sinasagot ang lolo mo ng ganyan." dagdag pa ni Vaness. "Oo tama Lee. Hindi kayo magkatulad ni Billy dahil mas magaling siya sayo." malamig na sabi ni Nelson at nagulat naman ang lahat sa sinabi ng matanda. "Kuya tamana yan, kumain na tayo oh." sabi ni Hideo. "AhㅡLee, kung gusto mo pwede naman kitang turuan sa matㅡ" naputol ang sinasabi ni Billy dahil biglang nagsalita si Lee ulit. "Turuan? ano ako bata?" inis na tanong ni Lee. "Bakit ayaw mong magpaturo Lee? Pwede kang mag-improve pag nagpatulong ka sa pinsan mo ano ka ba?" ani ni Nelson. "Lolo, kaya kong matuto mag-isa! Oo, nahihirapan ako pero kaya kong gawin mag-isa iyon ng wala iyan si Billy." mariing sabi ni Lee. "Lee, May...Problema ba kayong mag-pinsan? Kailan pa kayo naging magkaaway ni Billy?" tanong ni Vaness. "I'm sorry about this. Pagod lang ako, aakyat nako sa kwarto ko." malamig na sabi ni Lee at tumakbo paakyat sa kwarto niya. "Lee, Son!" tawag ni Trevor. "Pero hindi mo pa ubos ang pagkain mo Lee!" tawag pa ni Nina pero hindi sila pinansin ng anak. "Kakausapin ko nalang po si Lee, sandali lang." ani ni Billy at nang tatayo na siya ay tinawag siya ni Nina. "Hayaan mo na Billy, kami na ng Daddy niya ang kakausap sakanya." malamig na sabi ni Nina kaya bumalik si Billy sa kanyang upuan. "Nina, Trevor, pwede bang turuan niyo ng magandang asal iyan si Lee? Nababastos kami dito ni Nelson, please." mahinang sabi ni Vaness. "Eh kung hindi niyo naman kasi kinumpara yung bata sa isang magaling diyan, edi sana hindi sumama yung loob." sagot ni Nina. "Nina..." awat ni Trevor. "What are you talking about Nina?" tanong ni Vaness. "Diba Mom ganyan din yung ginawa niyo saakin ni Dad? Ang hilig niyo akong ikumpara kay Julia. Kesyo siya magaling, siya matalino, siya maaasahan. Pati banaman sa anak ko na apo niyo gagawin niyo rin iyon?" matapang na sabi ni Nina. "Nina, tamana please. 'Wag ka naman ganyan magsalita kila Mom and Dad." awat ni Julia. "Wag kang epal nagtatalumpati ako ng sama ng loob eh diba? Alam niyo, hindi ko alam kung anong mayroon kay Julia na wala ako eh. Lahat na ng pagpapa-impres ginagawa ko pero wala parin sainyo." sabi ni Nina. "Gusto mong malaman Nina kung bakit malamig kami sayo ng Mommy mo? Dahil Magkaiba kayo ng ugali ni Julia. Siya ay isang mabuting ehemplo sa lahat, saamin, sa anak niya at sa Ruby Cosmetics. Eh ikaw? Lahat nalang minamalditahan mo. Kami? Anong ginagawa mo samin ngayon? Kami ang mga magulang mo pero kung umasta ka akala mo ikaw ang nagtaguyod mag-isa sa sarili mo at hindi ka namin pinalaki ng Mommy mo." sabi ni Nelson. "Edi inamin niyo ren. Na mas matimbang ang babaeng iyan kesa saakin." malamig na sambit ni Nina at tumayo siya sa silya niya. "Ate, Kuya Nelson pwede ba? Nasa hapagkainan tayo oh?" mahinang sabi ni Sarah, ang kapatid ni Vaness. "Nina, Umupo ka na at tapusin na natin ang pagkain na ito. Alam kong pare-pareho lang tayong pagod." dagdag pa ni Hideo. "Kung mas matimbang pala ang Julia at Billy nayan saamin ng anak ko. Mas mabuti pang umalis nalang kami dito para naman lahat ng atensyon niyo ay maibuhos niyo lang sa dalawang iyan. Para mahulma niyo sila ng maayos, diba?!" sabi ni Nina at sa pagkakataong ito ay talagang galit na siya. "Nina, Anak hindi naman sa ganonㅡ" putol na sabi ni Nelson. "Daughter, calm down okay? Hindi iyon ang punto namin ng Daddy mo, Nina! Nina!" tawag ni Vaness kay Nina pero mabilis itong naglalakad palayo at maririnig mo ang tunog ng High heels nito na galit na naglalakad. [To be Continued...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD