Chapter 9 | Selos sa Play

973 Words
[Continuation to Julia's POV] "A...ano bang sinasabi mo Nina?" mahina kong tanong. "Wow, may Amnesia ka Sis? Look, ikaw nanaman ang naging Bida kagabi sa paningin nina Mom and Dad. Bakit? dahil umepal ka nanaman sa landas ko. Nagbida-bida ka sa pagluluto ko." sabi niya. "Nina, hindi ko naman gusto na maging ako yung mapansin nina Mommy and Daddㅡ" naputol ang sasabihin ko ulit. "Don't say na hindi mo gusto Julia. Dahil mga dalaga pa lang tayo ay ganyan ka naㅡoh wait! Bata palang tayong dalawa, pabida ka na." mariing sabi ni Nina. "Sa tuwing nagkakaroon ka ng award sa school ay sayo lagi naka-pabor sina Mom and Dad. At ako? kahit may awards din ako napapansin ba ako? Hindi diba?" sabi niya at tahimik lang ako ng nakatingin sakanya. "Hanggang sa maging ganito ang edad natin, magka-anak tayo at maging Ina pareho. Hanggang ngayon Julia...trying hard parin akong mapansin nina Mom and Dad in good way. Bakit ulit? dahil mahilig kang agawin ang spotlight na para saakin. Dahil epal ka at bida-bida! Kapatid mo ako pero hindi mo ako binibigyan ng papel sa buhay nina Mom and Dad kaya hindi nila ako napansin sa pagmamahal!" sabi ni Nina. "Nina hindi totoo iyan. Mahal ka rin nina Mommy and Daddy! 'Wag mo ngang sabihin iyan Nina dahil kung hindi ka mahal nina Mom and Dad hindi ka lalaking ganyan. Tignan mo, Mas maganda ka pa nga sakin eh, mas sexy ka sakin, mas matalino ka kesa sakin at multi talented ka pa." sabi ko at naluha siya at natawa ng sarkastiko. "Oo, totoo yang mga sinabi mo maliban sa minahal ako nina Mom and Dad na kapantay ng sayo. Oo, multi talented ako, maganda, matalino, sexy. Pero may halaga ba iyon sakanila? Wala diba? dahil sayo sila nakatingin parati!" sagot ni Nina at hinahaplos naman ni Georgia ang likod niya dahil panay ang tulo ng luha ni Nina. "Mars, tara na. Tamana iyan, masisira ang kagandahan mo oh." sabi bi Georgia at naglakad na sila ng mabilis padiretso sa direksyon namin ni Noli. "Nina! Nina, please mag-usap naman tayo oh." sabi ko pero patuloy lang sila ni Georgia sa paglalakad ng mabilis at tila hindi ako naririnig. Hinawakan naman ni Noli ang kamay ko para i-comfort ako. [Nina's POV] I Hate her! I really Hate Julia! "Mars, mabuti pa umuwi ka na muna para magpahinga okay?" sabi ni Georgia. "No, Mars. Ayos lang ako, nakakainis lang dahil nakita nanaman ako ni Julia na umiiyak." inis kong sabi habang pinupunasan ang luha ko. "Mars, ayos lang iyon. Natural maiiyak ka dahil nasaktan ka sa nangyari kagabi eh. Sadyang manhid lang talaga iyang kapatid mong si Ms.Julia kaya ganun. Bes, umuwi ka muna para makapag-pahinga ka okay? Ako na ang bahala sa mga works mo dito, tapos naman na ako saakin eh." ani ni Georgia. "You sure Mars?" sabi ko at tumango siya ng nakangiti. "Salamat ha?" dagdag ko pa at nagyakapan kami. Kinalaunan ay nasa bahay na ako sa kwarto namin ni Trevor. Bigla namang may kumatok sa pinto namin. "Bukas iyan." walang emosyon kong sabi at naramdaman kong may biglabg tumabi saakin sa kama namin ni Trevor, pagtingin ko ay nakaupo sa tabi ko si Aunti Sarah. Bumangon ako ng dahan-dahan at umupo habang nakakumot ang mga tuhod ko. "Bakit ang aga mong umuwi ngayon Nina?" malambing na tanong ni Aunti. Hindi naman ako nakapag-salita agad tapos hinaplos niya ang mahaba kong buhok pababa. "Nina ako na ang nanghihingi ng apologize sa pamamrangka sayo ni ate kagabi." ani ni Aunti. "Bakit ganun sila ni Daddy saakin Aunti? Bakit..." naputol ang sinabi ko ng lumunok ako dahil nasasaktan ang puso ko tapos hinaplos naman ni Aunti ang likod ko. "Bakit parang mas matimbang si Julia sakanila? Bakit kahit anong gawin kong maganda si Julia parin ang bida sa paningin nila?" naiiyak kong tanong. "Nina hindi ko masasagot ng maayos ang tanong mo dahil pwedeng ang sagot ko ay salungat sa sagot nila ate. Alam mo Nina, sila dapat ang tanungin mo about diyan. Kausapin mo sila ano ba talagang problema sayo na wala kay Julia? Oh diba, para malaman mo. At kung ano man ang sagot syempre maaari mong mabago ang point of view nila sayo. Basta intindihin mo nalang sina ate at kuya Nelson. Iwasan mo rin ang mag-selos sa kapatid mong si Julia dahil...natatakot akong kainin ka ng selos mo kay Julia at maging masamang tao ka pa. Maraming nagiging bunga ang selos Nina, always remember that." ani ni Aunti. Ano ako nalang lagi maga-adjust sakanila? [Lee's POV] Magkatabi kami ni Navee ngayon sa upuan at nagro-role play sina Billy at Jelly na mag-asawa sa isang pamilya. Ako dapat yung asawa ni Jelly pero sabi ng professor namin sa Subject na Drama ay mas bagay daw si Billy kay Jelly kaya ang ending ako yung writer ng scenes nila at dialogues. Ang tema namin ay about sa magkaaway at naghiwalay na asawa tapos magbabalikan sila para sa mga anak nila. Nang magtatapos na ang play sa last part ay nag-holding hands si Billy at Jelly at kunwari naghalikan sila kaya nagtilian ang mga classmates namin tapos nagsara na ang kurtina. What the F*ck? Wala akong sinulat na ganoong gagawin nila sa script. Nang ganap nang matapos ang play ay bumalik na ang mga cast sa kani-kanilang upuan habang pinalalakpakan sila. Lumapit naman saakin sina Jelly at Billy na main cast ng play at kinompronta ko sila about nga doon sa ginawa nila. Bakit ba eh nagsi-selos ako eh! "Ang daming natuwa sa ginawa nating play, Lee hahaha!" natutuwang sabi ni Billy. "Oo nga, nagustugan nila dahil magaling ang writer." nakangiti pang dagdag ni Jelly. "Gusto ko lang malaman, anong ginawa niyo sa last part? wala naman akong ganoong scene na sinulat ah?" seryoso kong tanong. [To be Continued...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD